Ate Gay clarifies Vice Ganda did not pay his hospital bill; says they are on good terms

by Bernie V. Franco
Sep 14, 2021
Ate Gay (left) on Vice Ganda: “Oo, tinulungan ako pero nga ang feeling ko yung mga namba-bash sa akin parang feeling nila si Vice yung nagbayad ng bill sa ospital.”
PHOTO/S: Facebook (Gil Aducal Morales) / @praybeytbenjamin on Instagram

Iginiit ni Ate Gay—Gil Aducal Morales sa totoong buhay—na wala silang isyu ni Vice Ganda.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pang-iintriga sa kanila ng ilang netizens.

Sa katunayan, malaki ang pasasalamat ni Ate Gay kay Vice dahil tinulungan siya nito noong maospital siya.

Isa si Vice sa mga nag-abot ng financial help kay Ate Gay.

Earlier this year, ipinost ni Ate Gay ang tungkol sa pagkakaospital niya dahil sa rare skin disease na toxic epidermal necrolysis.

Nalampasan ito ni Ate Gay, at sa tulong ng kanyang kapatid at mga kaibigan ay nabayaran ang malaking gastos niya sa ospital.

Pero nitong nakaraang linggo, matinding batikos ang inabot ni Ate Gay dahil sa kanyang post sa Facebook.

Sabi ng komedyante, idi-delete niya ang ibang social media friends na walang ginawa kundi ang magreklamo laban sa gobyerno.

Pinuna ng maraming netizens si Ate Gay dahil sa pagtatanggol niya sa gobyerno, sa kabila ng kalituhan ng mga mamamayan dahil sa pabago-bagong quarantine status na ipatutupad ng mga namumuno sa bansa.

Continue reading below ↓

May netizen pang nagkomento na sana raw ay hindi na siya tinulungan ni Vice na bayaran ang kanyang hospital bill noong magkasakit ito.

Sumagot si Ate Gay, at nilinaw na ang kapatid niya ang nagbayad sa hospital bill na umabot ng P600K.

Nag-abot din daw ng tulong sa kanya si Vice, pati ibang artista gaya nina Paolo Ballesteros, Beks Battalion, Ogie Diaz, Ogie Alcasid, at Teri Onor. Pero ginamit niya ito sa ibang gastusin, gaya ng renta ng condo unit niya at maintenance ng kanyang ina.

Inilista pa ni Ate Gay ang halaga ng perang itinulong ng mga kaibigan niya: Paolo Ballesteros (P30K), Beks Battalion (P30K), Teri Onor (P20K), Vice Ganda (P20K), Ogie Alcasid (P10k), at Ogie Diaz (P10K).

ATE GAY’S CLARIFICATION

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube vlog noong September 12, nagpaliwanag si Ate Gay tungkol sa kanila ni Vice.

Saad niya, “Laging pinagdidikit yung mukha ko at ni Vice Ganda. Nahihiya ako kay Vice.

Continue reading below ↓

“Actually, tumulong si Vice. Sabi ko nga, di ba, maliit at malaking halaga ay tulong.

“Oo, tinulungan ako. Pero nga, ang feeling ko, yung mga namba-bash sa akin, parang feeling nila si Vice yung nagbayad ng bill sa ospital.”

Paglilinaw muli ni Ate Gay, ang hospital bill niya na umabot sa P600,000 ay binayaran ng kanyang kapatid.

“Parang nahihiya ako kay Vice. Kumbaga, yung lagi na lang siyang nadadawit pag may issue.

“Ang nagbayad ng bill ko sa ospital, kapatid ko, P600K.”

Sabi pa ni Ate Gay tungkol kay Vice, “Ako, nahihiya ako sa kanya.

"Maraming salamat sa kanya dahil sa panahon na nahirapan ako sa ospital, yung naalala ka lang niya, okay na yun, e.

“Tumulong pa siya, di ba? Maraming salamat.”

MESSAGE TO BASHERS

Aminadong naapektuhan si Ate Gay sa batikos sa kanya ng netizens.

Ito raw ang nag-udyok sa kanya para ilista ang halaga ng itinulong ng kanyang showbiz friends.

Continue reading below ↓

Message ni Ate Gay sa bashers: “Matuto kayong sumagot nang malumanay para naman napapakinggan yung mga hinaing niyo din sa buhay.

“Matuto kayong sumagot nang magandang pananalita.

“Paano kayo sasagutin nang maayos kung ang pagsasalita niyo hindi maayos?

“Hindi naman ako nangingialam sa mga opinyon niyo. Huwag niyo rin pakialaman ang opinyon ko.”

Tanggap din daw ni Ate Gay ang pagkakamali niya.

Sabi niya, “Ang mali ko rin, parang nagmando na idi-delete ko yung mga ganito.”

Samantala, ipinagtanggol ni Ogie si Vice tungkol sa isyu.

Si Ogie ay dating manager ni Vice at nananatiling magkaibigan.

Ani Ogie, siya ang tumawag noon kay Vice na abutan nila ng tulong si Ate Gay.

“Hindi nagdalawang salita si Vice, ‘Sige, Te, tulungan natin.’”

Nag-share daw si Vice, gaya ng iba pa nilang kaibigan.

“Wala rin namang claim si Vice na siya ang nagbayad sa ospital,” giit ni Ogie.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay (left) on Vice Ganda: “Oo, tinulungan ako pero nga ang feeling ko yung mga namba-bash sa akin parang feeling nila si Vice yung nagbayad ng bill sa ospital.”
PHOTO/S: Facebook (Gil Aducal Morales) / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results