AJ Raval has boyfriend-material suitor, who can it be?

by Rachelle Siazon
Sep 14, 2021
Donnalyn Bartolome (in LV swimsuit) asks AJ Raval (left) about her unnamed suitor: "So. baka sasagutin mo na siya?"
PHOTO/S: AJ Raval YouTube

Inamin ni AJ Raval na may manliligaw siyang may potential na maging nobyo niya.

Base ito sa pag-uusap nila ni Donnalyn Bartolome sa "Sagot o Lagot" vlog ni AJ kahapon, September 13.

Tanong ni Donnalyn, "May manliligaw ka?"

Matamis ang ngiting sagot ni AJ, "Meron. Isa. Yung nag-iisa na yun, ramdam na ramdam ko talaga na special ako."

Malinaw na naramdaman ni Donnalyn ang kilig ni AJ base sa sumunod niyang tanong.

Usisa ni Donnalyn, "Totoo? Awww... So, baka sasagutin mo na siya?"

Dito sinabi ni AJ na tila naghihintay lang siya ng tamang panahon bago umoo sa kanyang manliligaw.

"Hindi pa, pero na-appreciate ko siya. Pero di pa lang ako ready rin pumasok sa relationship kasi kakagaling ko lang sa relationship."

Sinabi ni AJ na "two months ago" pa lang nang mag-break sila ng kanyang karelasyon.

Ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang boyfriend?

Sagot ni AJ, "Number one, responsible. Kahit hindi naman kayamanan basta responsible, masipag.

Continue reading below ↓

"Sa looks naman, gusto ko yung moreno, maganda yung ipin, matangkad sa akin.

"Wala naman ako masyado hinahanap sa looks. Importante lang sa akin responsible, mabait, marespeto."

BREAKUP WITH AXEL TORRES

Hindi kaila sa fans ni AJ na ang tinutukoy niyang nobyo ay ang dating Pinoy Big Brother All In housemate na si Axel Torres.

Nitong Setyembre sana ang second anniversary nila.

Sa isang mediacon noong Agosto 20, inamin ni AJ na dalawang buwan na silang break ni Axel dahil hindi nito matanggap ang kanyang daring roles sa mga pelikula.

Sunud-sunod ang mga pelikula ni AJ kunsaan napabalitang todo ang kanyang love scenes.

Dagdag pa rito, inamin ni AJ na pinagselosan ni Axel ang leading man niya sa Taya na si Sean de Guzman.

May eksenang "foursome" sina AJ, Sean, at ibang cast members sa pelikula.

Ani AJ ukol kay Axel, "Napaka-conservative ko pong babae, hanggang sa nag-artista po ako. Parang dun po ako nag-start magpaseksi.

Continue reading below ↓

"So, naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya po matanggap na ganito ang career ko."

ON SEAN DE GUZMAN

Naging bukas din si AJ sa pagsasabi sa mediacon na biniro niya si Sean na puwede na siya nitong ligawan.

Ang leading man daw ang isa sa mga unang nakaalam na single na siya.

"Nag-message po ako kay Sean noon. Biniro ko po siya, sabi ko, 'Sean, break na kami. Puwede mo na akong ligawan."

Paglalarawan pa ni AJ kay Sean, "Napakabait na tao, maalaga. Pero kung magiging partners po kami, bakit hindi?"

Pero nag-usap na raw sila na ang mga career muna ang pagtutuunan nila ng atensiyon.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donnalyn Bartolome (in LV swimsuit) asks AJ Raval (left) about her unnamed suitor: "So. baka sasagutin mo na siya?"
PHOTO/S: AJ Raval YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results