Angel Locsin reveals 10 family members contracted COVID-19

by Arniel C. Serato
Sep 14, 2021
Angel Locsin thanks netizens for praying for the recovery of her father Angelo Colmenares (right) after he tested positive for COVID-19: "Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Hindi lang pala ang 94-year-old na ama ni Angel Locsin na si Angelo Colmenares ang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang pamilya kundi marami pang iba.

Ayon sa aktres, sampung miyembro ng kanilang pamilya mula sa iba’t ibang pamamahay ang nahawaan ng virus.

Hindi malinaw kung kasama sa sampu ang kanyang amang may COVID din.

Nagpasalamat si Angel sa lahat ng nagdasal para sa kanyang ama, na nauna niyang pinanawagan noong September 12.

Mensahe niya sa kanyang Instagram Stories kagabi, September 13: “Thank you for the prayers.

“I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember.

“I just needed to airout yesterday. 10 members of the fam from separate houses got covid.

“Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Angel na binura niyang post ay ang tungkol sa pagkakaroon ng COVID ng kanyang ama.

Sabi niya sa nasabing post, naging “helpless” sila sa loob ng isang linggo dahil sa pagpositibo ng ama na isang senior citizen.

Buong post ni Angel: "It’s been a week of feeling helpless. Imagine having covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.

"So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass."

Continue reading below ↓

Matapos mag-post ni Angel, bumaha ang dasal para sa ama mula sa mga kaibigang celebrities at ordinaryong netizens.

Fully vaccinated na ang ama ni Angel.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin thanks netizens for praying for the recovery of her father Angelo Colmenares (right) after he tested positive for COVID-19: "Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results