Lolit Solis on why Paolo Contis invited Yen Santos to Baguio: "Mother figure si Yen."

by Rachelle Siazon
Sep 15, 2021
Lolit Solis claims Paolo Contis and Yen Santos (in photos) may have developed feelings for each other long before Baguio trip. Seen in the center photo is a still shot of Paolo and Yen at Faroe Islands in Denmark.
PHOTO/S: @paolo_contis / @ysantos Instagram

Nagpahiwatig ang talent manager-columnist na si Lolit Solis na tingin niya ay may ugnayan sina Paolo Contis at Yen Santos nang higit sa pagiging magkatrabaho at magkaibigan.

Sina Paolo at Yen ay nagkatambal sa romance-drama film na A Faraway Land. Naganap ang shooting ng pelikula mula November 24 hanggang December 6 sa Faroe Islands sa Denmark.

Si Lolit ay co-manager ni Paolo.

Sa isang online show kahapon, September 14, sinabi ni Lolit na sa gitna ng kontrobersiyal na pagpunta nina Paolo at Yen sa Baguio ay pilit niyang kinontak ang Kapuso actor.

Aniya, "Di ako sinasagot. Buong araw ako nagte-text, 'Paolo, tawagan mo ako.'

'Mamaya Nay, may ginagawa pa ako.' 'Paolo, ano, puwede ka na makausap?' 'Mamaya Nay.'"

Sabay hirit ni Lolit, "Nako! Tawagan na lang niya si Yen Santos. Friends sila ano!"

Ang tinutukoy ni Lolit ay ang opisyal na pahayag ni Paolo kung saan nagpaliwanag ito kung bakit namataang magkasama sila ni Yen sa Baguio noong August 27.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Paolo na tatlong araw siyang namalagi sa Baguio, dahil gusto niyang "mag-isip-isip" matapos ang hiwalayan nila ng longtime partner na si LJ Reyes.

At ayon kay Paolo, may isang araw na niyaya niya si Yen para makasama ito "as a friend."

Nagbigay ng opinyon si Lolit kung bakit hindi siya, bilang manager, ang pinili ni Paolo na yayain sa Baguio.

Ani Lolit: "Best friends sila ni Yen. Mother figure si Yen. At si Yen ang masarap kausap maghapon hanggang gabi."

Tanong ng co-host ni Lolit na si Cristy Fermin: "Naniniwala ka na friends?"

Bulalas ni Lolit: "Sobrang friend!"

Pero malaman ang mga sumunod na salita ni Lolit.

Aniya: "Dyusko! Puwede naman sila mag-usap sa Mandaluyong. Bakit kailangan pa pumuntang Baguio?!"

Maya-maya pa ay tinanong uli ni Cristy si Lolit kung tingin niya ay nagkahulugan ng loob sina Paolo at Yen noon palang ginagawa ng mga ito ang A Faraway Land.

Continue reading below ↓

Sagot ni Lolit, "Depende, kasi malungkot dun. Malamig. Tapos yung mga eksena, medyo tempting...

"Naging ******* friends sila. Mali ba yun?"

Sa huli, inulit ni Lolit ang pagkuwestiyon niya sa ugnayan nina Paolo at Yen.

Base sa salita ni Lolit, mahihinuhang tingin niya ay hindi naman mother figure si Yen para ito ang maging takbuhan ni Paolo sa pagkakataong may pinagdadaanan itong problema.

"Sa experience ko, sa tagal, di ba, usally kapag may problema, sa kapwa niya lalaki tumatawag.

"Di agad nag-open sa mga babae, except kung mother figure ka. Kaya parang, babae?! Bata pa pagsasabihan mo?!"

Sa pananaw ni Cristy, "Ako naman, ang katuwiran ko diyan, kapag bigong-bigo ang puso ng lalake, ang tatawagan niya, best friend na lalake.

"Or isang babae na ina-eye niya, na gusto niyang marinig ng babae ang kanyang emosyon, para lalo silang magkalapit."

Dagdag ni Cristy, sa pagkakaalam niya ay "single" si Yen at hiwalay na sa huling nakarelasyon nito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis claims Paolo Contis and Yen Santos (in photos) may have developed feelings for each other long before Baguio trip. Seen in the center photo is a still shot of Paolo and Yen at Faroe Islands in Denmark.
PHOTO/S: @paolo_contis / @ysantos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results