Rayver Cruz recalls rushing to hospital by himself because of COVID-19

by Arniel C. Serato
Sep 15, 2021
Rayver Cruz COVID-19
Rayver Cruz recounts COVID-19 experience: "Nung time na iyon, nakakalungkot, na-down din ako. At first kasi, akala ko napagod lang ako that day sa mga ginawa siguro, sa pag-workout, sa trabaho."
PHOTO/S: Courtesy: @rayvercruz on Instagram

Tatlong buwang hindi napanood sa All-Out Sundays ang actor-performer na si Rayver Cruz.

Hindi siya nagbakasyon o nagpahinga lamang pansamantala sa showbiz kundi tinamaan siya ng COVID-19.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras na umere noong Lunes, September 13, binalikan ng Kapuso actor ang karanasan niya nang mahawaan siya ng COVID-19.

Wala raw masyadong nakakaalam na nahawaan siya ng virus, at aminado si Rayver na nalungkot at na-down dahil sa pangyayari.

Lahad ng 32-year-old actor-TV host, "Nagkasakit kasi ako. Alam mo naman yung virus na kung tawagin ay si COVID-19, nakuha ko rin.

"Nung time na iyon, nakakalungkot, na-down din ako.

"At first kasi, akala ko napagod lang ako that day sa mga ginawa siguro, sa pag-workout, sa trabaho.

"Akala ko nagsunud-sunod lang, napagod lang ako,.

"Pero ayun, yung likod ko yung unang sumakit, yung lower back ko hanggang pataas.

“Then, sunud-sunod na yun, nararamdaman ko na yung mga symptoms.”

Continue reading below ↓

Nabalot daw siya ng takot nang naramdaman na niya ang mga sintomas ng COVID-19 kaya nagpasya siyang isugod ang sarili sa ospital.

Solo lang si Rayver na naninirahan sa kanyang bahay kaya nagtungo siya sa emergency room ng isang pagamutan upang magpagamot.

Dagdag pa niya, “Nung in-explain sa akin ng doctor, medyo natakot din ako and mahirap kasi ako lang mag-isa.

“Tricky kasi ang COVID-19. Pag biglang nag-drop yung oxygen [level] mo or kung ano man mangyari, walang magsusugod sa akin agad-agad.”

Dahil sa kanyang karanasan, hinikayat ni Rayver ang lahat na magpabakuna laban sa mapinsalang virus.

Payo pa niya, "Important din na lahat tayo, sana makapagpabakuna na para kahit papaano, may proteksiyon ka.”

"I AM BEYOND GRATEFUL"

Noong nakaraang linggo, muling pumirma ng kontrata sa Kapuso network si Rayver.

Malaki ang pasasalamat niya sa tiwala ng istasyon sa kanya.

Mensahe ni Rayver sa kanyang Instagram post, "God’s blessings go far beyond anything we could ever dream.”

"Today September 9, 2021, I am blessed with the opportunity to sign my contracts with GMA Network and GMA Artist Center.

"I am beyond grateful and overwhelmed. Maraming maraming salamat sa GMA Network, GMA Artist Center, to my GMA bosses, producers, management team, co-artists, supporters, family and most especially, to God.

Continue reading below ↓

"Thank you for the trust and continuous support. I will continue to work harder and dream bigger!

"PS. Mama and Papa, para sa inyo ito. Thank you for always guiding and protecting me from up there. Mahal ko kayo!

"#ProudToBeKapuso"

View this post on Instagram

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz recounts COVID-19 experience: "Nung time na iyon, nakakalungkot, na-down din ako. At first kasi, akala ko napagod lang ako that day sa mga ginawa siguro, sa pag-workout, sa trabaho."
PHOTO/S: Courtesy: @rayvercruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results