"Pusong Bato" composer Renee 'Alon' dela Rosa dies; rejected by more than 40 hospitals

by Jerry Olea
Sep 15, 2021
Singer-composer Renee "Alon" dela Rosa passed away this Wednesday, September 15, according to his family. Dela Rosa was the composer and singer of the hit song "Pusong Bato."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

Pumanaw ang 61-anyos na singer-composer na si Renee "Alon" dela Rosa nitong Setyembre 15, Miyerkules ng bandang 6:00 a.m., sa labas ng isang ospital sa Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Lack of oxygen ang cause of death ni Alon, ang original composer at nagpasikat ng kantang "Pusong Bato," na unang kinanta ni Aimee Torres.

Nanawagan ng tulong ang anak niyang singer-dancer na si Justine de la Rosa sa Facebook kahapon, September 14.

FB post ni Justine: “Hello po, humihingi po kami ng kahit kaunting tulong pambili lang po ng oxygen para sa aking papa na si ‘Alon’

“Nandito po kami ngayon sa district hospital. Any amount will do po and prayers na rin po. Salamat po.”

Bandang 5:00 p.m. kahapon, ang FB post ni Justine, “ASAP: Need Oxygen Tank na may laman. at Private Hospital na rin po around QC na may avail na room po, please”


Continue reading below ↓

Pagkalipas ng tatlong oras, nanawagan muli si Justine, “Badly needed, private hospital with available room. Or baka may kakilala po kayo na tao na marrefer nyo po sa amin. Please po need ma-admit sa ospital ng papa ko.

“We need your help po. PS: nasa ambulance pa rin po si papa at kanina hapon pa po sila paikot-ikot sa iba't ibang ospital.

“Wala po nag-aadmit dahil puno po yung rooms.”

Madaling-araw, ang hinaing ni Justine, “35 hospitals na nalibot namin, bakit po puro reject? Lord, tulungan nyo po kami.

“We need recommended Private Nurse po. Just comment and PM me po.

“LF: Private Nurse (Registered) po sana, need po kasi malagyan dextrose kasi di pa po kumakain si papa simula kahapon…”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Justine ngayong hapon via Messenger.

Ani Justine, “2:00 pm kahapon, nasa ambulansya na si papa. Wala pong nag-admit na ospital sa amin.

Continue reading below ↓

“Grabe po, 40+ na hospital po ang pinuntahan namin at maski isa po, wala man lang po nagbigay ng first aid, dextrose at yung oxygen tank po.

“Natagtag po si papa sa byahe, kasi po, naghahanap po kami hospital.

“Grabe po yung mga ospital na pinuntahan po namin. Nagmamakaawa na nga po kami kahit sa labas na lang po kami, pero ayaw po nila.

“Yung iba po tinataboy pa po kami at sinusungitan po. Na-record po namin yung ibang trato po sa amin ng mga ospital, kung paano kami sinungitan.”

Hindi tinukoy ni Justine ang mga ospital na pinuntahan nila.

Tumulong sa pag-aasikaso sa mga labi ni Alon sina Ka Freddie Aguilar at Senator Manny Pacquiao.

REJECTED BY MANY HOSPITALS

Bandang 1:02 p.m. ngayong Miyerkules sa Facebook, isinalaysay ng pamangkin ni Alon na si Nadsla de la Rosa ang nangyari, kalakip ang ilang videos.

Ni-repost iyon ni Justine at mga kapamilya.

Continue reading below ↓

Base sa salaysay ni Nadsla, nagnegatibo sa antigen test ang tiyuhin niya at tinanggap lamang ito sa ospital nang patay na ang singer-composer.

Himutok ni Nadsla, “In behalf of delarosa family grabe ginawa ng mga hayop na doctor at hospitals na tumanggi sa tito ko Renee Alon grabe grabe!

“In short napaka worst almost 48hrs nasa byahe at ambulance? Almost 30+hospitals napuntahan Walang kahit first aid sa lahat ?

“Given na yung punuan pero yung tatanggihan na parang aso lang at kung mag judge na mamamatay na? Seryoso!!!?? P*tang ina nyo (negative sa antigen) gusto nyo positive parin?

“Grabe nangyari pero pag patay na lalapit kayo para san? Pera? So ending natanggap nyo nung patay na? God bless nalang sa mga family nyo sana wag maranasan.

“Hindi pa naupload ibang video pano makipagusap mga hayop na doctor di makatarungan mga reason at sagot nyo ! P*tangina nyo!! dami namin gusto sabihin kita kita nalang.

Continue reading below ↓

“Pag pera na asikaso na ?(emergency room)? eh nasa gilid lang galing! PLEASE SPREAD #raffytulfoinaction REST IN PARADISE TITO”

Noong February 2021 ay naitampok ang istorya ni Alon sa Kapamilya program na Paano Kita Mapasasalamatan, na hinost ni Judy Ann Santos.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-composer Renee "Alon" dela Rosa passed away this Wednesday, September 15, according to his family. Dela Rosa was the composer and singer of the hit song "Pusong Bato."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results