Janno Gibbs jokes about running for president after "tumakbo ka" comment from netizen

by Arniel C. Serato
Sep 15, 2021
Janno Gibbs shares to his Instagram followers his "sana" suggestions to government prior to implementing new quarantine protocols in Metro Manila tomorrow, September 16.
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs on Instagram

Magsisimula na bukas, September 16, ang pilot implementation ng bagong panuntunan sa quarantine protocols sa Metro Manila.

Mula sa ECQ (enhanced community quarantine), MECQ (modified enhanced community quarantine), MGCQ (modified general community quarantine), at GCQ (general community quarantine) ay gagawin na itong Alert Level System.

Sa ganitong sistema, mayrooong limang alert levels na ipatutupad sa mga local government units depende sa dami ng COVID-19 cases at healthcare system capability.

Ang pinakamabigat na alert system ay Level 5 at ang pinakamaluwag naman ay Level 1.

Continue reading below ↓

Bukas, isasailalim ang buong Metro Manila sa Alert Level 4.

May mga tutol sa panibagong alituntunin, at meron ding sumusunod para maiwasan ang lalo pang pagtaas ng COVID cases sa bansa.

On the average, nagtatala ang Department of Health (DOH) ng halos 20,000 kaso araw-araw.

JANNO'S "SANA" POST

Sa kanyang Instagram kahapon, September 14, nagbahagi ang singer-actor na si Janno Gibbs ng kanyang apela sa gobyerno kaugnay ng bagong alert level system.

Nilista niya ito sa pamamagitan ng isang photo message.

Nakasaad dito: “Sana may data ng …

“1) Ilan infected sa bawat lugar. Para wag madamay sa lockdown ung wala naman infected.

“2) Saan at paano nakuha nung infected. Sa party, trabaho, public transport, resto, gym? Para maiwasan

“Sana wala na lockdown. Maging Super strict nlang sa safety protocols”

Caption ni Janno: “Sana”

Marami ang sumang-ayon sa post na ito ni Janno.

Continue reading below ↓

Pero may isang netizen na bumatikos sa mga puna raw ni Janno sa gobyerno.

Sinabihan pa siya nitong tumakbo na lamang sa eleksyon at baka makatulong siya sa bayan.

Ibinahagi ng singer-comedian ang screenshot ng komentong ito sa kanyang Instagram Stories.

Sabi ng netizen: “@jannolategibbs Yun nga tumakbo ka baka malaki maitulong moh sa bayan.

Continue reading below ↓

“Maitama moh mga maling napuna moh sa ginagawa ng gobyerno. Baka mas maganda idea mo sa kanila.”

Biro naman ni Janno: “Parang gusto ko na nga tumakbo for Pres!”

Sinamahan niya ito ng dalawang laughing in tears emojis.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs shares to his Instagram followers his "sana" suggestions to government prior to implementing new quarantine protocols in Metro Manila tomorrow, September 16.
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results