LJ Reyes focuses on her recovery: "Back to regular programming."

by Bernie V. Franco
Sep 16, 2021
In her recent Instagram post, it seems like LJ Reyes is now focusing on rebuilding herself after her controversial breakup with Paolo Contis. LJ, who is now in New York, says she has yet to decide if she will return to the Philippines or migrate in the U.S.
PHOTO/S: Nice Print Photo

Mukhang tuluy-tuloy na ang "recovery" ni LJ Reyes.

Matapos magsalita hinggil sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis, panandaliang nanahimik ang aktres sa social media, maliban sa panaka-nakang promotional posts.

Pero ginulat ni LJ ang publiko nang dumalo siya sa New York Fashion Week noong September 11 (Philippine time).

Sinunud-sunod niya ang kanyang posts, kabilang ang glamour shots.

Tila ipinahihiwatig ni LJ na nagsisimula na siyang bumangon kasunod ng masaklap na breakup nila ni Paolo.

Umani ng papuri mula sa showbiz friends at supporters ang Kapuso actress.

Nasa New York ngayon si LJ kasama ang kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer.

HOT STORIES

LJ REBUILDING HERSELF

Ngayong Huwebes, September 16, ready to get back in shape na si LJ.

Nagkaroon ng workout session si LJ kasama ang kanyang fitness coach via Zoom.

Ipinost naman ng fitness coach ang ilang bahagi ng virtual session nila ng aktres.

Ni-repost ito ni LJ sa kanyang Instagram account at nilagyan ng captions.

Continue reading below ↓

Caption niya sa una: “And we’re back to regular programming [laughing face with tears, laughing face with sweat emojis]

Kasama pa niyang nagwo-workout ang 2-anyos na anak nila ni Paolo na si Summer.

Ang isa pang caption ni LJ, kunwari ay dialogue ni Summer: “Yung antok ka pa pero adik yung kasama mo magworkout! Pero game na game ka naman.- Summer [laughing face with tears emojis]”

Continue reading below ↓

Sa isa pang reposted video, makikita na distracted na si Summer habang patuloy sa pagwo-workout si LJ.

Pinagtutuunan din ni LJ ang kanyang itinayong business na hygiene essential products.

Recently, nagtanong siya sa post kung may mga taga-New York na interested na mag-avail ng kanyang products.

Ipinost ni LJ na maganda ang feedback. Nabanggit din niya ang planong subukan kung may market ang kanyang negosyo sa New York.

Continue reading below ↓

Nang magpa-interview si LJ kay Boy Abunda noong September 1, 2021, may dalawang punto siyang sinabi tungkol sa paglipad niya sa Amerika.

Una, para ibangon ang sarili matapos ang failed relationship nila ni Paolo.

Nais daw niyang i-“rebuild” ang sarili at “recover emotionally and mentally.”

Pangalawa, may option siyang mag-migrate sa U.S. kung saan nagtatrabaho ang kanyang ina.

“I will sacrifice my career and whatever I have. I have no concrete plan.

“But it’s all about the kids. It all boils down to them,” pagtatapat ni LJ.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her recent Instagram post, it seems like LJ Reyes is now focusing on rebuilding herself after her controversial breakup with Paolo Contis. LJ, who is now in New York, says she has yet to decide if she will return to the Philippines or migrate in the U.S.
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results