Derek Ramsay posts picture with Ellen Adarna's mom; speaks about pamamanhikan

by Rachelle Siazon
Sep 16, 2021
Ellen Adarna and Derek Ramsay
Derek Ramsay is all smiles while carrying Elias in a photo-op with fiancée Ellen and her mom Meriam Adarna.
PHOTO/S: @RAMSAYDEREK07 INSTAGRAM

Inihayag ni Derek Ramsay na lubos ang kanyang kasiyahan na sa wakas ay personal niyang nakilala ang pamilya ng fiancée na si Ellen Adarna.

Lalo pang naging espesyal para sa Kapuso actor ang pagkikita nila ng ina ni Ellen na si Meriam Adarna para sa pormal niyang pamamanhikan.

Ang pamamanhikan ay Filipino tradition kunsaan pormal na hihingin ng groom-to-be ang kamay ng bride-to-be sa mga magulang nito.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, September 16, ipinakita ni Derek ang litrato niya kasama ang ina ni Ellen na si Meriam.

Ang ama ni Ellen na si Alan Modesto Adarna ay pumanaw noong June 2018.

Sa caption, may sweet message si Derek para kay Ellen, "@maria.elena.adarna you have a beautiful family.

"Mamanhikan is such a beautiful Filipino tradition and I'm so happy we were able to get our families together before our big day."

Ellen Adarna and Derek Ramsay together with Ellen's mom Meriam Adarna

Continue reading below ↓

May iba pang litrato si Derek kunsaan makikita ang pinagsamang pamilya niya at pamilya ni Ellen.

Makikitang nasa litrato ang mga magulang ni Derek na sina Remedios at Derek Arthur Ramsay Sr.

Derek Ramsay's pamamanhikan together with his and Ellen Adarna's family

Na-enjoy rin nang husto ni Derek ang quality time kasama ang anak ni Ellen na si Elias.

Continue reading below ↓

Derek Ramsay and Ellen Adarna kissing Elias

Si Elias ay anak ni Ellen sa dating karelasyong si John Lloyd Cruz.

WAS JOHN LLOYD INVITED TO THEIR WEDDING?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 24, natanong si Derek kung imbitado si John Lloyd sa kasal nila ni Ellen.

Dito sinabi ni Derek na maayos ang relasyon niya kay John Lloyd.

Continue reading below ↓

Sagot ni Derek, "That's up to Ellen. I wouldn't mind if she decides that she would want him there to see Elias, siya ang ring bearer namin.

"It's perfectly fine for me. Wala namang animosity between John Lloyd and me, so super okay naman sa akin yun."

Kung anu't ano man, nilinaw ni Derek na hindi isyu kung hindi man maimbita o makadalo si John Lloyd.

DEREK ON ELLEN AND JOHN LLOYD'S CO-PARENTING

Maliit lang daw ang pinaplano nila ni Ellen na wedding celebration.

Sabi ni Derek, "Pero yung wedding namin is sobrang liit, sobrang maliit. Talagang very, very intimate, very, very small.

"Di ko alam kung mangyayari yun, pero di dahil sa dahilan na magkagalit si Ellen saka si John Lloyd."

Ang mahalaga sa kanya ay maganda ang co-parenting status nina Ellen at John Lloyd.

"They are very civil with one another and they are doing a good job co-parenting Elias."

Continue reading below ↓

Anytime this year ang inaasahang wedding sa pagitan nina Derek at Ellen.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay is all smiles while carrying Elias in a photo-op with fiancée Ellen and her mom Meriam Adarna.
PHOTO/S: @RAMSAYDEREK07 INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results