Watch Now

Vice Ganda hurt by comments about giving "mere" PHP20K to friend in need

by Arniel C. Serato
Sep 17, 2021
Vice Ganda Ate Gay financial help
It's Showtime host Vice Ganda (left) might be referring to Ate Gay (right) when he lamented, "Pero yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako, 'Bakit P20,000 lang ang binigay mo?' Nasaktan ako talaga."
PHOTO/S: Courtesy: It's Showtime on YouTube / @ategay08 on Instagram

Aminadong nasaktan nang husto si Vice Ganda sa pang-ookray sa kanya ng netizens kung bakit P20,000 lang ang itinulong niya sa hindi pinangalanang tao.

Sa segment na "Reina ng Tahanan" ng It's Showtime kahapon, September 16, napag-usapan nina Vice, Kim Chiu, at iba pang hosts ang tungkol sa pagtulong ngayong may pandemya.

Video: FM Ganal.

Ang "Reina ng Tahanan" ay isang segment ng It’s Showtime, kung saan hosts sina Vice, Kim, at Vhong Navarro, at judges naman sina Ruffa Gutierrez, Amy Perez, at Janice de Belen.

Habang lumalalim ang usapan nila tungkol sa pagtutulungan, ibinahagi ni Vice ang kanyang saloobin tungkol sa isang taong natulungan niya.

Ayon sa TV host-comedian, “Tapos, sa dami ng nakikita nating naghihirap sa paligid, tapos ang sakit din talaga sa loob na hindi ka magbigay ng tulong.”

Sabi naman ni Kim, kapag nakatulong ka sa mga nangangailangan, babalik naman ito sa iyo pagdating ng araw.

Komento ni Vice, “Minsan wala ka namang magagawa para maibalik, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kunyari, itong taong ‘to ang bait nito sa akin, e, pero wala akong magagawa para maibalik yung kabaitan niya kasi kapos din ako.

“Pero yung maparamdam mo lang sa kanya na totoong na-appreciate mo siya, ang sarap nun.”

“TINULUNGAN NA, MALDITA PA”

Kasunod nito ay sinabi ni Vice na nalungkot at nasaktan siya dahil may tinulungan siyang tao, pero nagmahadera pa.

Himutok ng 45-year-old TV host-comedian, “Yung iba kasi tinulungan na, maldita pa, di ba?

“Di ba, may ganyan, e, tinulungan mo na, maldita pa.

“Tapos binigyan mo na ng kanan, hihingin pa yung kaliwa.

"Tapos pag hindi mo naibigay, mali pa yung pagbibigay mo ng kanan. Yung parang, 'Ha?'”

Dito na niya naikuwento ang tungkol sa isang taong natulungan niya.

Hindi raw niya ito pinagsabi at hindi rin siya naghintay na i-acknowledge, pero ang natulungan niya ang mismong nagsapubliko nito.

Lahad ni Vice, “Parang… may natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking meron akong natulungan, pero yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos nilabas niya kung magkano yung itinulong ko sa kanya.

"Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi ng mga comments, ‘Ha, ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, twenty thousand lang?’

“Parang napalunok ako. Parang, 'Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling?'

"Di ba, dapat hindi mo mabasa, ganito…"

Patuloy niya, “Naano ako, sabi ko, tumulong na ako nang kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi.

“Pero yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako, 'Bakit P20,000 lang ang binigay mo?' Nasaktan ako talaga.

“Parang, kapag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. Pag tumulong ka, kukuwestyunin pa, 'Bakit yun lang ang itinulong mo?'

"That hurts so much.”

IS VICE REFFERING TO ATE GAY?

Wala mang binanggit na pangalan, malinaw na ang tinutukoy ni Vice ay ang stand-up comedian na si Ate Gay.

Kamakailan ay inilabas ni Ate Gay ang listahan ng mga tumulong sa kanya nang siya ay naratay sa banig ng karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga pangalan ng mga tumulong sa kanya, isinama rin ni Ate Gay sa kanyang Facebook post noong September 10 ang mga halagang natanggap niya mula sa mga ito.

Nahalungkat ang pagkakaospital ni Ate Gay dahil sa nag-viral niyang status sa Facebook noong September 8 kung saan sinabi nitong buburahin o ia-unfriend niya ang kanyang Facebook friends na laging pumupuna sa gobyerno.

Dahil dito, naging trending topic sa Twitter si Ate Gay at binatikos ng maraming netizens.

May ilang netizens na sinabihan siyang sana ay hindi na lamang siya tinulungan ni Vice noong naospital siya.

Isa si Vice sa bukas sa paghahayag ng saloobin at pumupuna tungkol sa tingin niya'y kakulangan ng ating pamahalaan sa pagresponde sa kasalukuyang pandemya.

Marahil ay hindi na nakatiis si Ate Gay sa mga batikos ng netizens kaya, sa pamamagitan din ng Facebook, inilapag niya ang mga nagpaabot ng tulong sa kanya at kung magkano ang ibinigay ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa nagbigay sa kanya ng tulong pinansiyal ay ang showbiz personalities na sina Paolo Ballesteros (60K), Beks Batallion (30K), Ogie Alcasid (10k), at Teri Onor (10K).

Nagbigay rin sa kanya ng pera sina Vice (20K) at Ogie Diaz (10K), na parehong nagpapahayag ng opinyon tungkol sa mga kamalian ng gobyerno.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagkakausap nang personal sina Ate Gay at Vice, na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon.

Pero sa isang panayam ay labis-labis ang pasasalamat ni Ate Gay kay Vice.

Maliban sa showbiz personalities, nagpaabot din ng pinansiyal na tulong ang ilang non-showbiz friends ni Ate Gay.

Ang kapatid daw ng komedyante ang sumagot sa kabuuang P600K na hospital bill niya.

Saad ni Ate Gay (published as is) sa kanyang Facebook post: “Para matigil na ito .. eto mga nagbigay sa aking hindi ko hiningi ...

"Paolo balesteros 30k beks batallion 30k calvin chua 20k vice ganda 20k ogie diaz10k ogie alcasid teri onor 10k sir jon 10k.. at ang kapatid ko 600k...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“yung mga nagbigay sa akin di ginalaw ng kapatid ko bagkus ginastos ko sa renta sa condo maintenace ko at ng nanay ko... wala naman po akong trabaho kaya di sinama ng kapatid ko ang mga bigay ng mga kaibigan ko..”

“yung mga nagbigay sa akin di ginalaw ng kapatid ko bagkus ginastos ko sa renta sa condo maintenace ko at ng nanay ko... wala naman po akong trabaho kaya di sinama ng kapatid ko ang mga bigay ng mga kaibigan ko..”

Pakiusap ni Ate Gay, sana ay hindi na idamay ng netizens ang kanyang mga kaibigan dahil nahihiya raw siya sa mga ito.

Sabi niya, “sana po wag nyo na kayong mandamay ng ibang tao .. nahihiya ako sa kanila ...salamat”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Burado na ang nasabing post ni Ate Gay sa Facebook.

Wala pang reaksiyon si Ate Gay sa bagong pahayag na ito ni Vice.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda (left) might be referring to Ate Gay (right) when he lamented, "Pero yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako, 'Bakit P20,000 lang ang binigay mo?' Nasaktan ako talaga."
PHOTO/S: Courtesy: It's Showtime on YouTube / @ategay08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results