Watch Now

JaMill clarifies BIR tax issue, selling of house

by Arniel C. Serato
Sep 20, 2021
JaMill BIR issue
JaMill on Bureau of Internal Revenue's circular mandating top earning social media influencers and vloggers to pay taxes: "Ibig sabihin, may potensiyal kaming mga vloggers umambag dito sa Pilipinas.”
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook

Nagsalita na ang controversial couple at vloggers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, mas kilala sa tawag na JaMill, ukol sa ilang kinasasangkutan nilang isyu.

Isa na rito ang pagbura nila ng kanilang YouTube account na may lagpas 12 million subscribers noong August 19.

Nataon kasi ito sa kautusan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang social media influencers at vloggers na may malalaking kita.

August 16, naglabas ang BIR ng memo na nagsasabing mahigpit na ipatutupad ang pagsingil ng buwis sa social media influencers.

Sabi sa memo ng BIR: "The Bureau of Internal Revenue (BIR) has been receiving reports that certain social media influencers have not been paying their income taxes despite earning huge income from the different social media platforms.

"There are also reports that they are not registered with the BIR or are registered under different tax types or line of business but are also not declaring their earnings from social media platforms for tax purposes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Whatever may be the reasons, it is now the most opportune time to discuss the tax obligations of these social media influencers."

Sa panayam sa kanila ni Jessica Soho ng Kapuso Mo, Jessica Soho kagabi, September 19, sinabi nina Jayzam at Camille na may nakikipag-usap na sa kanilang representante ng BIR ukol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Jayzam, “Dumating na lang po yung panahon na pinuntahan po kami ni BIR sa bahay para i-educate po kami kung meron pong tax, which is inaasikaso na po namin ngayon sa mga tamang paraan po.”

Nakiusap naman si Jayzam sa mga taong hinusgahan kaagad ang mga katulad nilang influencers pagdating sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Aniya, “Sa mga nanonood, huwag niyong isiping negatibo kapag yung mga tao ay hinahabol ng BIR. Ibig sabihin, may potensiyal kaming mga vloggers umambag dito sa Pilipinas.”

IMPULSIVE DECISION

Pagdating naman sa kanilang naipundar na bahay, sinabi ni Jayzam na hindi na nila itutuloy ang pagbebenta nito.

Kasunod ng pagbura nila ng kanilang YouTube account, umikot sa ilang Facebook accounts ang ads na nagsasabing for sale na ang bagong bahay nila.

Ayon kay Jayzam, bunga lamang iyon ng sunud-sunod na problemang kinaharap nila.

Saad niya, “Yun po yung mga panahong lito po kami, hindi po namin alam ang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ngayon po, straight na po yung pag-iisip namin.

"Pag-usapan po namin yung mga dapat po naming pag-usapan.”

NitongSeptember 15, nagbalik sa YouTube ang JaMill.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JaMill on Bureau of Internal Revenue's circular mandating top earning social media influencers and vloggers to pay taxes: "Ibig sabihin, may potensiyal kaming mga vloggers umambag dito sa Pilipinas.”
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results