Celebrity photographer Mark Nicdao mourns sudden death of artist Bree Jonson

by Rachelle Siazon
Sep 21, 2021
Bree Johnson and Mark Nicdao
Celebrity photographer Mark Nicdao can't get over sudden death of Filipino artist Bree Johnson who appears to be his close friend as well as his mentor in his pursuit of painting.
PHOTO/S: @MARKEDNICDAO ON INSTAGRAM

Binalot ng matinding pangungulila ang celebrity photographer na si Mark Nicdao sa pagpanaw ng Filipino artist na si Bree Jonson.

Si Bree, 30, ay natagpuang walang buhay sa loob ng bathroom ng isang resort sa La Union.

Kasama niya roon ang angel investor at art patron na si Julian Roberto Ongpin, anak ng bilyonaryong negosyante na si Roberto Ongpin.

Lumalabas na malapit na magkaibigan sina Mark at Bree, base sa sunud-sunod na Instagram posts ni Mark nitong September 19 at 20.

MARK REMEMBERS BREE AS A BEACH LOVER

Dito ay makikita ang masasayang alaala ni Mark kasama si Bree.

Ipinakita ni Mark kung gaano ka-chill ang mga bakasyon nila ni Bree sa beach.

May kuha siya kay Bree na palutang-lutang sa dagat habang tanaw ang magandang paglubog ng araw.

Bree Johnson, Mark Nicdao

Continue reading below ↓

Pati slow-mo ng paglubog ni Bree sa dagat at pagsalubong niya sa malaking alon ay may videos din si Mark.

Ani Mark, "She's unfazed by the big waves!!!"

Bree Johnson, Mark Nicdao

Mahilig din silang mag-sound trip ng mga kanta ni Barbie Almabis. Sa isang video ay makikitang kumakanta si Mark ng "Firewoman."

Continue reading below ↓

Bree Johnson, Mark Nicdao

Pinakinggan din nila ang "Tabing Ilog" ni Barbie.

Dito ay makikitang self-confessed fan si Bree ni Barbie. Aniya, "I had her CDs. She didn't know how much I loved her, but I was, yeah, always there."

Bree Johnson, Mark Nicdao

Continue reading below ↓

MARK CALLS BREE "MY MASTER and MIND-BLOWING GENIUS"

Nagbigay-pugay rin si Mark sa galing at talento ni Bree na tinawag niyang "my master at mindblowing genius."

May videos at photos siyang kuha sa art studio ni Bree kapag gumagawa ito ng painting.

Bree Johnson, Mark Nicdao

Bree Johnson, Mark Nicdao

Continue reading below ↓

Sinamahan din ni Mark si Bree sa paghahanda nito sa isang art exhibit. Sa isang video ay inuusisa ni Mark kung mami-miss ba ni Bree ang art pieces niya.

Bree Johnson, Mark Nicdao

Pati sa pagbukas ng art exhibit ni Bree at sa ibinigay niyang "personal tour" sa isang grupo ay naroon din si Mark.

Continue reading below ↓

Bree Johnson, Mark Nicdao

MARK ON BREE'S ARTISTIC INFLUENCE

Lumalabas na si Bree ang nagbigay kay Mark ng lakas na loob sa aspetong ito.

Sa isang video, magkasamang kinuwento nina Mark at Bree ang tungkol sa pagdiskubre ng photographer ng pagkahilig niya sa pagpipinta.

Sabi ni Bree, "You were just a natural. I brought you to the store. I picked out the first colors for you, like, the basic ones.

Continue reading below ↓

"But then you started buying your own. Hahaha! I was really, like, happy about it."

Noong una ay tila hindi pa raw kumbisido si Mark kung kaya niyang magpinta.

"I have a problem with colors... Because it's something I never tried. It's something I never had interest to try.

"At first, I was frustrated. The usual. I had to force myself. I really wanted to paint but I closed my doors to it..."

Kinontra ni Bree si Mark.

Sinabi ni Bree na sa karanasan ni Mark sa photography at sa galing nito sa lighting ay imposibleng hindi ito marunong sa pagbalanse ng kulay.

Dagdag ni Bree, "You already know. But you only had to put your application and slowly find your way from there."

Dito na sinabi ni Mark na si Bree ang nagbigay-inspirasyon sa kanyang magpinta.

"Exactly. That's what happened. When I saw your works. The way you did your color scheme is just magical for me. It's something that actually catch my eye.

Continue reading below ↓

"When I saw your work, 'Holy sh*t, I'm gonna message Bree.'

"I went to you and everything. The once, or twice, or thrice that I went to you, I felt, like, wow! I was inspired."

Sa caption at comments section ng post ni Mark, inulit niyang si Bree ang nagbigay sa kanya ng "confidence" para magpinta.

Bree Johnson, Mark Nicdao

Continue reading below ↓

Sa isa pa niyang Instagram post, ibinahagi ni Mark na lubos ang kanyang galak nang magustuhan ni Bree ang gawa niyang art piece.

Bree Johnson, Mark Nicdao

MORE FUN TIMES TOGETHER

Marami pang bonding moments sina Bree at Mark na ibinahagi ng celebrity photographer.

Continue reading below ↓

Tila may pinuntahan din silang okasyon kunsaan "prom date" ni Mark si Bree.

Bree Johnson, Mark Nicdao

May blurred photo sila na ang caption ni Mark ay "Breelurryyyy."

Continue reading below ↓

Sa dami ng litrato na pino-post ni Mark, humingi siya ng pasensiya sa kanyang Instagram followers sa pagpa-flood ng mga alaala niya kay Bree.

Malaya raw ang iba na i-unfollow siya sa Instagram kung naiinis na sa kanya.


Pero maraming artista ang nagpaabot ng condolences kay Mark at naiintindihan ang lungkot niya sa pagpanaw ni Bree.

Continue reading below ↓

Bree Johnson and Mark Nicdao

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity photographer Mark Nicdao can't get over sudden death of Filipino artist Bree Johnson who appears to be his close friend as well as his mentor in his pursuit of painting.
PHOTO/S: @MARKEDNICDAO ON INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results