Julia Barretto asked if she owes anyone an apology: "Wala."

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2021
Julia Barretto asked who is the actor she wants to work with again. “Hindi naman mahirap sagutin iyan," she said and named boyfriend Gerald Anderson. Julia then proposed to name the movie Between Maybes Part 2.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram

Mabilis nakasagot si Julia Barretto nang matanong kung sinong aktor ang gusto niyang makatrabaho uli at kung nais na niyang lumagay sa tahimik.

Pero may alinlangan ang aktres nang usisain kung may taong nais niyang hingan ng tawad.

Base sa mga sagot ni Julia, mahihinuha ang kaligayahan niya sa piling ng boyfriend na si Gerald Anderson.

Sumalang sina Julia at Marco Gumabao sa question-and-answer game ng kaibigan nilang si Joe Vargas, via vlog, nitong September 19, 2021.

Kapag hindi nakasagot sina Julia at Marco, kakain sila ng sili bilang parusa.

Magkatambal sina Julia at Marco sa ongoing TV5 series na Di Na Muli.

Nang itanong kung sinong onscreen partner ang gusto nilang makatrabaho uli, madaling nakasagot si Julia.

“Hindi naman mahirap sagutin iyan. Siyempre, I wanna do another film with Gerald,” kumpiyansang sagot ni Julia.

Biro pa nga niya, ang magiging title ng pelikula ay Between Maybes Part 2.

Ang Between Maybes ay ang 2019 movie nina Julia at Gerald, na naging kontrobersiyal dahil dito nagsimula ang pagkakamabutihan nila.

Continue reading below ↓

Ipinalabas ito sa mga sinehan noong May 15, 2019.

Makalipas ang higit dalawang buwan, pumutok ang balitang naghiwalay na si Gerald at girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Nadawit ang pangalan ni Julia dahil siya ang itinurong third party sa breakup ng dalawa. Mariin itong pinabulaanan nina Julia at Gerald.

March 2021, kinumpirma ni Gerald ang relasyon nila ni Julia.

Sunod na tanong kina Julia at Marco: may pinagsisisihan ba sila sa buhay?

“Wala,” mahinhing sagot ni Julia.

“Siguro yung maliit na bagay, ‘Ah, bakit hindi ako naglinis today ng kuwarto?' Yung pag-uwi mo, ‘Ay, kalat.’’

Inusisa si Julia kung may “major” siyang pinagsisisihan.

“Major, wala,” tugon niya.

Isa pang kontrobersiyal na tanong ay kung may tao ba silang pinagkakautangan ng sorry.

“Wow!” naibulalas ni Julia at saka nag-isip.

Sagot ni Marco, sa Diyos siya magso-sorry.

Bumaling sina Joe at Marco kay Julia: “Ikaw?”

Ngumiti si Julia at sumagot: “Wala.”

Pang-aasar ni Marco: “Wala kang gustong i-sorry, Ju? Itago natin sa pangalang…”

Continue reading below ↓

Diin ni Julia: “Wala.”

Nagbiro sina Joe at Marco na mag-next question na at baka magalit daw si Julia.

Pagbawi ng aktres, “Siguro kung magso-sorry, iyong simpleng... yung alam mo… kunwari pagod ka, ‘tapos nalalabas mo sa mga kasama mo minsan.”

“So, sino nga?” giit ni Marco.

“Hinde, wala. Siguro pag feeling nila ay natarayan ako," ani Julia.

Inabutan na lang ni Marco ng sili si Julia dahil sa pagtanggi niyang sagutin ang tanong.

Samantala, naging mabilis ang sagot ni Julia nang matanong kung may balak na siyang mag-settle down anytime soon.

“Yeah,” sagot niya agad.

“Talagang doon ka na, e,” biro ni Joe.

“Oo,” pagkumpirma ng aktres.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto asked who is the actor she wants to work with again. “Hindi naman mahirap sagutin iyan," she said and named boyfriend Gerald Anderson. Julia then proposed to name the movie Between Maybes Part 2.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results