Max Collins on important marital lesson she learned: "Be brave enough to fight for what you want."

by Bernie V. Franco
Sep 22, 2021
Max Collins agrees that marital issues, such as infidelity, should be tackled even in times of pandemic: "Dapat talaga siyang i-tackle because, for so long, we always brush everything under the rug."
PHOTO/S: @maxcollinsofficial on Instagram

Naniniwala si Max Collins na napapanahong talakayin ang marital issues sa kabila ng pandemya.

Aniya, madalas ay isinasantabi ang mga paksa tungkol sa pagsasama kaya hindi ito nabibigyan ng solusyon.

Kung pag-uusapan daw ito at tatalakayin, mas malaki ang tsansang maresolbahan ang mga problema sa isang relasyon.

Ito ang pahayag ni Max sa virtual press conference ng upcoming Kapuso teleseryeng To Have & To Hold nitong September 21, 2021.

Sabi ng Kapuso actress, “For me, dapat talaga siyang i-tackle because, for so long, we always brush everything under the rug.

“We don’t really talk about these issues. And now that everything’s online, we’re more open about things.”

Sa pamamagitan daw ng relevant programs, nagkakaroon ng kamalayan ang mga taong may pinagdadaanan sa kanilang pagsasama.

Ito ang premise ng pagbibidahan niyang teleserye, kasama sina Carla Abellana at Rocco Nacino, na may kinalaman sa marital issues katulad ng infidelity.

Ayon kay Max, “It’s really great to see different perspectives para mas ma-address mo, for example, you have a problem in your relationship…

Continue reading below ↓

“And you see on TV na parang, 'Ah, parang nakikita ko yung POV [point of view] ng ibang character.'

“You can see how you can assess your relationship and to see kung may pagkakamali ka din, kung may pagkakamali yung partner mo, and try to work things out.

“And that’s the beauty of what we do because not only it’s just a story, but we’re really showing, we’re trying our best to depict real life, real emotions."

Ipinagmamalaki rin ng direktor ng To Have & To Hold na si Don Michael Perez na makatotohanan ang pagtalakay nila sa kuwento.

Dagdag ni Max, “And sana, if you can relate, it might help you in some ways and also in your relationship, and maybe strengthen it.

“Or figure out what you’re not supposed to do, or what you can do to help each other and be there for each other.”

Sa teleserye, ginagampanan ni Max ang papel ni Dominique Ramirez, na bagamat kasal ay humarap sa hamon ang pagsasama nila ng asawang si Vin (Rocco).

Continue reading below ↓

Tanong ng PEP.ph: ano ang mga natutunan ni Max sa papel na kanyang ginagampanan, na gaya niya ay kasal din sa totoong buhay?

Tugon niya: “To be brave enough to fight for want you want and that it's okay to accept your flaws.

“And what I learned from her [is] what to do and not to do.

"To always really, really think about how your actions affect the people and everyone.”

BREAKUP RUMOR

Noong July 2021, pinag-usapan si Max matapos mapabalitang nagkakalabuan ang pagsasama nila ng asawang si Pancho Magno.

Magkahiwalay kasing ipinagdiwang nina Max at Pancho ang kaarawan ng kanilang anak na si Skye.

Pero sa pahayag ni Max, sinabi nitong maayos ang pagsasama nila ni Pancho.

“To be honest, that got a lot of controversies, yung pictures ko. Kasi, my friends surprised me with such a cute party for Skye and it was really super fun,” pahayag noon ni Max sa 24 Oras.

Continue reading below ↓

Sayang daw at hindi nakadalo si Pancho sa birthday celebration ng kanilang anak na sorpresa ng mga kaibigan ni Max.

Sabi rin ni Max, hinahayaan siya ni Pancho na i-prioritize ang kanyang showbiz career.

“So that means sa social media tahimik kami and we have our own branding bilang artista. So, I’m so thankful to have a husband who supports me and who understands,” aniya.

Sagot naman niya sa diumano’y marital issue nila ni Pancho: “Well, I feel like everyone is entitled to their own opinion and any publicity is still publicity.

"So, okay lang naman if people wanna talk about us—they can talk about us, it’s okay.

“Kami lang talaga yung nakakaalam how our lives are and how we are as parents to Skye.

“We filter what we show other people, because we like to keep our lives private.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins agrees that marital issues, such as infidelity, should be tackled even in times of pandemic: "Dapat talaga siyang i-tackle because, for so long, we always brush everything under the rug."
PHOTO/S: @maxcollinsofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results