Pia Wurtzbach answers basher telling her "walang ibang career kundi mag-pictorial"

by Rachelle Siazon
Sep 22, 2021
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach on basher comparing her to Miss International 2016 Kylie Verzosa: "but just so you guys know im very happy for my friends who are doing so well in showbiz! totoo yan! but for me its not a personal goal anymore!" Pia also reveals she has been managing her own career for some time now.
PHOTO/S: @piawurtzbach Instagram

Nakarating kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang batikos ng isang basher na "waley" ang showbiz career niya.

Ang huling proyekto ni Pia sa telebisyon ay ang ABS-CBN reality show na World of Dance Philippines noong 2019, at sa pelikula ay ang My Perfect You noong 2018.

Hindi pa muling nasundan ang mga proyektong ito.

Sabi ng basher, baka "malaos" si Pia kung hindi nito gawan ng paraan na maging visible ulit bilang artista.

Komento ng basher (published as is): "Walang ibang career si girl kundi magpa pictorial.

"Mag vlog about pageant pa din! Move on gurl sa mga pageant na yan!

"We are expecting big events in ur career and in your life!!! MOVIES waley??? TV SHows walewyyy din??!"

Pati ang nakilalang manager ni Pia na si Jonas Gaffud ay may tirada ang basher.

Maghanap daw si Pia ng ibang manager na maaari siyang tulungan sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng basher, "One day gigising nalaos ka na lang wala ka man lang ginawa!"

Nanunuyang gumamit ang basher ng hashtags na "#pictorialqueen" at "#puropictorialwalangganap."

Kinumpara pa ng basher si Pia kay Miss International 2016 Kylie Verzosa na mayroong kalalabas na digital film.

Hindi natinag si Pia sa litanya ng basher.

Ayon kay Pia, hindi na niya prayoridad ang pagkakaroon ng showbiz career.

Ipinahiwatig din niyang wala siyang inggit sa sinuman sa mga kaibigan niyang beauty queens na maganda ang takbo ng career.

Kalmadong paliwanag ni Pia (published as is): "ayoko na sana magreply sa mga fake accounts but just so you guys know im very happy for my friends who are doing so well in showbiz! totoo yan!

"but for me its not a personal goal anymore!

"Im so happy and grateful for the blessings I have now [heart emoji]."

PIA MANAGES HER OWN CAREER NOW

Nilinaw rin ni Pia na siya na ang personal na namamahala ng kanyang career, at desisyon niyang magkaroon ng work-life balance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya (published as is): "I found the perfect balance of doing what I love and being happy in it.

"Ive been in charge of my own career and managing it myself for a while now and im very happy in the direction that im going [smiling face]

"lahat ng work na ginagawa ko yung gusto ko talaga at naeenjoy ko pa personal life ko [heart emoji] masaya lang [smiling face emoji]

"kaya wag ka nang magalit."

Kababalik lang ni Pia sa Manila noong September 10 matapos ang pagkikita nila ng nobyong si Jeremy Jauncey sa Istanbul, Turkey.

Sa huli, pinaalalahan ni Pia ang basher na tigilan na ang pagkukumpara sa beauty queens at sinumang mga babae.

"tsaka tama na tong comparing and pitting women against each other.

"2021 na at may pandemic na tapos stuck parin tayo sa ganitong mindset?

"Tama na [peace emoji] di nakakaganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PIA'S DEFENDERS

Marami sa Instagram followers ni Pia ay suportado siya sa pagnanais niyang tutukan ang pagiging endorser at vlogger.

Sabi ng isang netizen na naka-relate kay Pia: "Kanya-kanya tayo ng priorities and preferences. Wag niyo iimpose sa ibang tao yang mga 'standards' niyo. Masaya kami at kuntento."

Dagdag pa ng isang tagapagtanggol niya: "Sabi nga nila if you are relevant babatuhin ka palagi ng issue kasi natatakot yung iba na matalbugan mo....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero dahil walang ganun attitude si queen p she's happy for others to succeed.... kasi confident sya with herself...."

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach on basher comparing her to Miss International 2016 Kylie Verzosa: "but just so you guys know im very happy for my friends who are doing so well in showbiz! totoo yan! but for me its not a personal goal anymore!" Pia also reveals she has been managing her own career for some time now.
PHOTO/S: @piawurtzbach Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results