Watch Now

Kim Chiu addresses bashers criticizing her opinion about cheating: "Naging biktima din ako noon."

by Rachelle Siazon
Sep 22, 2021
Kim Chiu on her first-hand experience with a cheating boyfriend in the past: "And never po talaga ako magiging pabor doon dahil naging biktima din naman ako noon. And it was not easy, and it was very painful."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

Inamin ni Kim Chiu na nakarating sa kanya na maraming netizens ang hindi nagustuhan ang opinyon niya tungkol sa cheating.

Kaugnay ito ng komento ni Kim sa sitwasyon ng isang contestant ng "Reina ng Tahanan" sa It's Showtime noong September 20, Lunes.

Sabi rito ni Kim, "Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya."

Ngayong Miyerkules, September 22, nilinaw ni Kim na bitin ang kanyang pahayag kaya marahil naisip ng ibang tao na pabor siya sa cheating.

Inihayag niya ito sa live telecast ng It's Showtime.

Sabi ni Kim: "Kuys, isisingit ko lang talaga ito. Noong isang araw kasi, hindi ako nabigyan ng chance to speak further explain yung sinabi ko.

"And then, gusto ko lang sabihin sa lahat, linawin, na hindi ako pabor sa cheating.

"And never po talaga ako magiging pabor doon dahil naging biktima din naman ako noon.

"And it was not easy, and it was very painful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIM'S EX-BOYFRIEND

Minsan nang naikuwento ni Kim na naranasan na niyang kinaliwa ng kanyang nobyo noon.

Sinabi niya sa September 2015 episode ng defunct late-night talk show na Gandang Gabi Vice (GGV) na isa lang ang ex-boyfriend niya.

Hindi binanggit ni Kim, pero hindi kailang ang kaisa-isa niyang ex-boyfriend ay si Gerald Anderson.

Pero nilinaw rin ni Kim sa GGV na "pinagtatawanan" na lang niya ang heartbreak na iniyakan niya nang husto noon.

KIM QUIPS, "NAGMUKHANG AKO YUNG CHEATER!"

Balik sa present time, sinabi ni Kim sa It's Showtime na dahil sa bitin niyang opinyon sa cheating ay mukhang naging pabor siya rito.

Nag-trend si Kim noong September 20 dahil kumalat ang video clip kunsaan kinontra siya ni Vice Ganda na walang sapat na dahilan para manloko ng isang karelasyon.

Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Kim na ipaliwanag ang kanyang opinyon sa episode na iyon.

Paliwanag naman ni Kim: "Mahabang talakayan kasi ang cheating. Di yun matatapos ng isang salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Two hours, five hours, puwede nga one week pag-usapan 'yan.

"Pero again, Kim Chiu, I am not in favor of cheating, and I will never be in favor of cheating."

Katabi ni Kim sa upuan ang co-hosts na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz.

Hirit ni Jugs, "Tweet niyo lang, 'We love Kim Chiu!'"

Waring nagsusumbong na sabi ni Kim, "'Yan kasi, nagmukhang ako yung cheater!"

Biro uli ni Jugs, "Para mag-trending ka ulit."

KIM SAYS HI TO BOYFRIEND XIAN

Sa huli, iginiit ni Kim na may simpatiya siya sa mga taong niloko ng karelasyon.

"Ang hirap naman po talaga. Siyempre wala naman gustong masaktan or walang may gustong niloko ka."

Sabay nag-shoutout si Kim sa nobyo niyang si Xian Lim. Siyam na taon na silang magkarelasyon.

Si Xian, na perennial leading man din ni Kim sa ABS-CBN, ay isa nang Kapuso actor at kasalukuyang nagte-taping para sa teleserye katambal si Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahabol na mensahe ni Kim sa Madlang Pipol, "Tsaka ano lang, love, love, love. Respect, respect, respect. Let's spread love and happiness."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on her first-hand experience with a cheating boyfriend in the past: "And never po talaga ako magiging pabor doon dahil naging biktima din naman ako noon. And it was not easy, and it was very painful."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results