Did Kit Thompson receive indecent proposal during this pandemic?

by Jerry Olea
Sep 23, 2021
Kit Thompson on coping this pandemic: "I can’t say na… hindi ko masasabi na hindi ako naapektuhan. Kasi, naapektuhan din talaga ako. And you know, I’m just thankful lang na nandiyan pa rin ang parents ko, you know, they still help me out."
PHOTO/S: Jonard Palteng @kitthompson on Instagram

Nakaramdam si Kit Thompson ng hirap sa paglaganap ng pandemya, pero wala raw siyang natanggap na indecent proposal online.

“I mean, you know, it’s been a… naging mahirap naman talaga yung 2020, COVID, lockdown, you know,” pagbuntong-hininga ni Kit sa storycon ng pelikulang Moonlight Butterfly nitong Setyembre 16, Huwebes, sa Claire’s restaurant sa Dampa Seaside, Macapagal Avenue, Pasay City.

“But… siyempre, yung lifestyle ko before COVID, and now na may COVID, nag-iba na, di ba?

“That’s why I moved from city to the province, may mga ganun na adjustments. Well, you know, this keeps us going.

“I can’t say na… hindi ko masasabi na hindi ako naapektuhan. Kasi, naapektuhan din talaga ako.

“And you know, I’m just thankful lang na nandiyan pa rin ang parents ko, you know, they still help me out. From here and there, you know, I stay in their place, you know.

“So, may support system talaga ako.”

Continue reading below ↓

Si Eric Fructuoso, na-degrade sa natanggap na indecent proposal.

Nang mabalita na nangungutang si Mark Herras ng P30,000, may mga natanggap din itong offer para maka-date.

If ever, mao-offend ba, mapa-flatter o kung ano man si Kit sa ganoong alok?

“Ako naman kasi, mabait lang ako,” malumanay na sagot ng aktor.

“Pag may ganun, siyempre, nao-off ako. Pero you know, just try to be nice. You know, respectful. Whatever.”

LIFE IN SIARGAO

Base sa Instagram posts ni Kit, mukhang nag-enjoy siya kamakailan sa Siargao, kung saan tatlong linggo siyang nagliwaliw.

Nakita niya roon si Andi Eigenmann at ang fiancé nitong si Philmar Alipayo.

“Gusto ko na ngang tumira dun! Parang doon na lang ako bibili ng lupa. Doon na lang ako titira.

“Kasi, sa Manila, crowded. Congested. Yung lifestyle. Doon, mga simple lang.

"Ang mura ng isda. Tuna, ganito kalaki, P200," pagmuwestra ni Kit.

“Saan ka makakabili nun dito, di ba?”

Continue reading below ↓

Nagpapasilip pa siya ng puwet sa dalampasigan!

“Sa Manila, hindi mangyayari yun! Sa Siargao lang yun mangyayari! Those were good times!”

Na-develop ang surfing skill ni Kit sa Siargao.

“Nagse-surf ako dati pero parang ano lang siya, ‘OK, try ko lang, ganun.’

“Pero noong pandemic talaga, noong nag-surf ako, every day akong nagse-surf.

Continue reading below ↓

“Nag-try na akong mag-surf before sa ibang lugar, pero I don’t know, doon talaga ako na-hook sa Siargao.

“Kasi siguro, yung trainor ko doon, magaling. So…”

May love life ba siya ngayong pandemic?

“Wala,” mabilis na sagot ni Kit.

Bakit?

“Bakit? Ehhh… wala, ano. Easy muna, easy. Relax muna. Pandemic pa.”

E, sex life, meron?

Pilyo ang ngiti ni Kit, “Matumal. Pandemic, e!”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kit Thompson on coping this pandemic: "I can’t say na… hindi ko masasabi na hindi ako naapektuhan. Kasi, naapektuhan din talaga ako. And you know, I’m just thankful lang na nandiyan pa rin ang parents ko, you know, they still help me out."
PHOTO/S: Jonard Palteng @kitthompson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results