Bea Alonzo, Pia Wurtzbach, Barbie Forteza, Maris Racal register to vote in 2022 elections

by Rachelle Siazon
Sep 24, 2021
Bea Alonzo at Pia Wurtzbach, siniguradong makakaboto sila sa 2022 elections. Barbie Forteza at Maris Racal, tiniis ang sobrang agang pagpila sa kani-kanilang distrito para lang magrehistro.

Siniguro nina Bea Alonzo, Pia Wurtzbach, Barbie Forteza, at Maris Racal na rehistrado sila para makaboto sa 2022 elections.

Bawat bilang ng boto ay malaking bagay pagdating sa paghalal kung sino ang karapat-dapat na maging mga pinuno ng bayan.

At nasa kamay ng taumbayan ang kapangyarihang matupad ito.

BEA ALONZO, 33

Kahapon, September 23, nagrehistro si Bea.

Sabi ng Kapuso actress: "Doing my part and reactivating my registration record for me to be able to practice my right to vote. Nakapag-register ka na ba?"


Continue reading below ↓

PIA WURTZBACH, 32

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay nagrehistro sa Abu Dhabi, UAE para masiguro na kahit nasa ibang bansa siya ay makakaboto siya sa May 2022 elections.

Kuwento ni Pia noong September 17: "A little story… The last time I was in Abu Dhabi, I realized that I might not be home in the Philippines come elections time. And I don’t want to miss this coming elections.

"Since I’ll be flying between Abu Dhabi and Manila more frequently next year, which might be the case on May 9, 2022, I immediately went to the Philippine Embassy last time I was there to register and make sure that I’ll be able to cast my vote even when I’m not in the Philippines.

"Whether I’ll be working or traveling, this is my PROMISE to myself and my COMMITMENT to my country that I will be able to cast my vote on May 9."

Continue reading below ↓


Hindi raw niya sasayangin ang pagkakataong magamit ang karapatan niyang bumoto ng tingin niya'y karapat-dapat na lider.

Paalala ni Pia: "YOUR VOTE MATTERS. Let’s all do our part.

"Kung mahal mo ang Pilipinas, gawin natin ang ating karapatan na bumoto para sa ating bayan."


Continue reading below ↓

BARBIE FORTEZA, 24

Ang Kapuso actress na si Barbie Forteza ay ibinahagi ang karanasan niya sa pagrehistro sa panahon ng pandemya.

Pumila raw siya ng 4 a.m. para lang masiguro na makakuha siya ng slot sa voting registration.

Napaupo pa sa pavement si Barbie habang naghihintay sa pila, pero dedma basta lang makarehistro.


Continue reading below ↓

Mensahe niya: "Nagsimulang pumila ng 4AM at ngayon ay REHISTRADO NA AKO!!!

"Kayo rin! Pwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto!"

Gumamit siya ng hashtags na "#PHElections2022" at "#RegisteredVoter."


MARIS RACAL, 24

Ibinahagi rin ng Kapamilya actress na si Maris Racal ang challenging experience niya nang siya ay magparehistro.

Continue reading below ↓

Nakapila na siya sa kalsada bandang 2:30 a.m. pa lang dahil sadyang unahan sa pagpaparehistro.

Kinunan niya ng video ang paghihintay niya sa pila ng halos anim na oras, pero malaman-laman niya ay mali siya ng distritong pinuntahan.

"Pumila ako ng 2:30 a.m... Sunrise na, three hours more to go so napaupo na lang talaga ako sa sahig.

"Pero nung 8 a.m. nalaman ko na maling district pala yung pinilihan ko, so ang galing lang talaga.

"Wala ng slots so umuwi na lang ako."

Continue reading below ↓

Pero hindi sumuko si Maris at muling bumalik para magparehistro sa tamang distrito niya.

Lahad niya: "Cut to next day, 2:30 a.m. pa rin ako pumila. Bad trip ako diyan, pero okay lang.

"Ayan, nakapasok na ako sa mall. Finally! Thank you, God!"

Inengganyo ni Maris ang iba pang hindi nakakapagparehistro na siguruhing makakaboto rin sila sa 2022 elections.

Continue reading below ↓

"Sa lahat ng puwedeng magpareihistro, maaga dapat kayo dumating. Meron pang few days left so magparehistro na kayo, guys."

Hanggang sa September 30, Huwebes, na lang maaaring magparehistro.

Pero bukas daw ang Commission on Elections na i-extend ang voter registration ng isang linggo pagkatapos ng pagpa-file ng candidacy ng mga kakakandidato sa 2022 elections, na gaganapin mula October 1 hanggang October 8, 2021.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo at Pia Wurtzbach, siniguradong makakaboto sila sa 2022 elections. Barbie Forteza at Maris Racal, tiniis ang sobrang agang pagpila sa kani-kanilang distrito para lang magrehistro.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results