Watch Now

Nikko Natividad admits to physically hurting his partner in the past: "Naging alcoholic kasi ako."

by Bernie V. Franco
Sep 24, 2021
Hashtag member Nikko Natividad emotionally recalls the moment in his life that he regrets the most. "Nagawa ko siyang saktan, physically..."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz) / @hashtag_nikko on Instagram

Binalikan ni Nikko Natividad, 28, ang mga naging pagsubok niya sa buhay.

Kabilang na rito ang pagsisimula niya sa showbiz, mga batikos sa kanya, at pagiging biktima ng scam para maglaho ang inipong P4 milyon.

Pero napaiyak si Nikko nang ikuwento ang nagawa niyang pananakit noon sa kanyang partner. Hindi lang daw ito isang beses nangyari.

Sa 24-minute interview ni Nikko sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, idinetalye ni Nikko ang bagay na ito na lubos niyang pinagsisisihan.

Ibinalita muna ni Nikko na naghahanda na sila ng kanyang long-time partner na si Cielo Mae Eusebio sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Pitong taon nang nagsasama ang dalawa at mayroon silang isang anak na lalaki.

Ayon kay Nikko, napagdesisyunan niyang pakasalan si Cielo dahil pakiramdam niya ay handa na siya.

“One time, bigla na lang nagti-treadmill ako, tapos biglang kinausap ko siya. Wala na akong mga surprise. Wala.”

Bigla na lang daw niyang naramdamang handa na siyang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Laking tuwa naman daw ni Cielo dahil matagal na niyang niyayaya si Nikko.

“Totoo palang antayin mong maging ready yung tao. Hindi mo puwedeng ipilit,” sabi ng Hashtags member.

CHALLENGES AT THE START

Naibahagi rin ni Nikko ang pagbabago ng kanilang buhay nang manalo siya sa
Gandang Lalaki (2014-2015), ang male pageant sa It’s Showtime.

Kumuha raw noon ng kuwarto sina Nikko at Cielo na inupahan nila ng P2,500 kada buwan.

Dahil sa Gandang Lalaki, nagsimula si Nikko bilang performer sa mga barangay fiesta.

Sa pagbabalik-tanaw ni Nikko sa relasyon nila ni Cielo, naibahagi rin niya ang panahong “pinakaayaw kong maalala.”

Hindi pa raw nagsisimulang mag-artista noon ni Nikko.

“Pinagsisisihan ko… inamin ko ito nung sa interview na nagawa ko siyang saktan, physically,” naiiyak na kuwento ng aktor.

“Napagsasalitaan ko siya nang hindi maganda.

"Naging alcoholic kasi ako.

“Di ko alam kung anong dahilan. Dahil ba sa depression? Stress, kasi walang-wala, 'no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“O nabibigla ako sa mga pangyayari dahil manganganak siya?

“Wala naman akong trabaho. Di pa ako artista nun, e.”

Nasa ilalim daw ng impluwensiya ng alak si Nikko nang masaktan niya ang kinakasama.

“Pag nakakainom ako noon, inaawat niya ako. Nasasaktan ko siya.

“Pag kinukuwento ko ito, naalala ko yung hitsura niya noon, mukha niya.

“Nagsisisi ako. Sama-sama ko. Hindi niya deserve,” lahad ni Nikko habang umiiyak.

Lalo raw nakokonsensiya si Nikko dahil hindi siya sinusumbatan ni Cielo sa kabila nito.

“Sabi niya sa akin, umiiyak siya noon. Hindi siya galit…

“Galing nga, e. Hindi siya nagagalit.

“Kinausap niya ako. Kinabukasan, nakita ko ang hitsura niya.

“Sabi niya, 'Deserve ko ba ito?’ Sabi ko, ‘Hindi.’”

Sabi raw ni Cielo sa kanya: "Bakit mo nagawa sa akin, di ba?"

Pakli ni Nikko: “So, mali talaga.”

Hindi raw iyon ang una at huling beses na sinaktan niya ang kinakasama.

“Naulit,” pag-amin ni Nikko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nabarangay na nga ako. Sabi nung tatay niya, makukulong daw ako.”

Pero sa kanya pa rin kumampi si Cielo sa kabila ng ginawa ni Nikko sa kanya.

“Inaawat niya yung tatay niya. ‘Huwag. Magbabago yung asawa ko.’

“Naniniwala raw siya na magbabago ako, 'tapos may anak na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hashtags member Nikko Natividad and partner Cielo Eusebio. The have been together for seven yers.

"Asawa" na ang tawagan nina Nikko mula noon kahit nagsasama pa lang sila ni Cielo.

Ani Nikko, “Mahal na mahal niya ako. Nakita niya ako nang ganoon, walang-wala.

“Ganoon pa ugali ko. Nagtiis siya kaya sobrang mahal ko siya.”

Nagbitiw raw ng pangako si Nikko sa partner nito matapos ang insidenteng iyon.

“Sabi ko sa kanya, ‘Pag inulit ko ito sa iyo, ipakulong mo ako. Kasi ayoko nang ulitin sa iyo ito, hindi lang physically. Emotionally, di kita lokokohin,’ yun ang sabi ko sa kanya.

“Pakabait sa akin talaga.”

HAVING THE RIGHT PARTNER

Bumawi raw si Nikko sa kanyang mag-ina.

“Naging mabuting asawa, di ba, daddy sa anak namin,” sabi niya.

Masaya raw si Cielo kapag nakikitang nagiging mabuting ama si Nikko.

Sabi pa ng aktor, “Nasa right track ako ngayon. Wala akong bisyo na sinasayang ang bawat oras.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki ni Nikko na siya ay masipag para sa kanyang mag-ina.

Paglalarawan niya kay Cielo, "Sobrang understanding ng partner ko. Hindi basta sumusuko.

"Ilang beses na akong gustong umayaw. Ili-lift niya ako talaga."

Sabi ni Nikko, hinahanap din ng mga lalaki ang pagiging maalaga ng kanilang partner.

"Kasi kahit lalaki tayo naghahanap tayo ng kalinga. Kahit sabihin mong pa-macho ka, pabrusko ka.

“Lumalambot ang lalaki talaga.

“Kapag nahanap mo yung taong kakalma sa iyo, magiging okay ka talaga.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtag member Nikko Natividad emotionally recalls the moment in his life that he regrets the most. "Nagawa ko siyang saktan, physically..."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz) / @hashtag_nikko on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results