Athena Madrid says brother Ruru is "sobrang generous" and "very supportive" of her career

by Rose Garcia
Sep 25, 2021
Athena Madrid on brother Ruru's love language: "Kapag meron kang gusto, bibilhin niya. Hindi lang dahil sa kapatid niya ako, pero sa lahat talaga, ganun siya. Sobrang generous niyang tao."
PHOTO/S: @athenahmadrid / @rurumadrid8 Instagram

Maraming napahanga ang Kapuso actor na si Ruru Madrid, 23, kamakailan dahil sa inilabas na TikTok video prank ni Buboy Villar, 22.

Bumilib ang netizens kay Ruru dahil sa ipinakita nitong generosity sa kaibigang si Buboy, na bibigyan na lang daw niya ng PHP150,000 at hindi na nito kailangang bayaran kundi tulong na niya.

Kunwaring nangungutang kasi si Buboy ng PHP250,000 kay Ruru.

Pinatotohanan naman ng nakababatang kapatid ni Ruru na si Athena Madrid, 20, na likas na galante ang aktor.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Athena na posibleng higit na galante si Ruru sa kanya dahil sa kaibigan ay sobrang mapagbigay nito.

Sabi ni Athena, “Si Kuya kasi yung, hindi dahil sa kapatid ko siya, pero nakikita ko sa kanya na parang wala siyang pakialam sa pera talaga.

"Kapag meron kang gusto, bibilhin niya. Hindi lang dahil sa kapatid niya ako, pero sa lahat talaga, ganun siya. Sobrang generous niyang tao."

Continue reading below ↓

Saka hindi inaasahang ibinuking ni Athena na tila walang ipon ang kuya niya dahil sa sobrang galante nito.

"Feeling ko, baka wala nga siyang ipon, e. Sa sobrang generous niya, baka wala siyang ipon," ani Athena.

Hindi lang generous kuya si Ruru kay Athena.

Supportive kuya rin si Ruru mula nang sumali si Athena, gamit ang kanyang tunay na pangalan na Rere, sa StarStruck Season 7 noong 2019.

Palagi raw baon ni Athena ang payo ng kapatid na tumatak sa kanya.

"Yung pinaka natandaan ko lang, sa sobrang daming advice na binigay niya sa akin, siguro iyong palagi ko raw isipin na every time na may gagawin akong scene, palagi ko raw isipin na last ko na yun para mabigay ko raw yung best ko.

"Pero ewan ko kung hindi ako nakikinig, kasi nakaka-take 2 pa rin ako."


Continue reading below ↓

ATHENA'S FIRST BREAK AS A KAPUSO

Nakapanayam ng PEP.ph si Athena sa virtual mediacon ng bagong Kapuso prime-time series na To Have And To Hold.

Kasama si Athena sa cast ng teleseryeng pinagbibidahan nina Carla Abellana, Max Collins, at Rocco Nacino.

Ito ang unang malaking break na nakuha niya sa GMA Network.

Aminado si Athena na nahirapan siyang mag-adjust sa simula ng pagsabak niya sa lock-in taping.

"Siguro unang-una na po diyan, nahiwalay ako sa family ko,” saad niya.

"Baby girl pa po kasi ako kaya hindi pa ako sanay na humiwalay sa mom ko or sa daddy ko at sa mga kapatid ko.

"So, dumating talaga ako sa point po na umiiyak ako. Hotel quarantine pa lang, iyak na ako nang iyak."

Dagdag pa rito ang naramdaman niyang pressure sa trabaho bilang baguhang artista.

Pag-amin pa ni Athena, "Sobrang nakaka-pressure, nakaka-frustrate, dahil yung mga makakasama ko po rito na mga actors, e, sobrang gagaling.

Continue reading below ↓

"Na-pressure po ako, but sobrang thankful po ako sa kanilang lahat kasi hindi nila pinaramdam sa akin yun.

"E, ako lang po yung, pakiramdam ko po kasi, masyado silang mataas para sa akin."

Magsisimulang umere ang To Have and To Hold sa Lunes, Setyembre 27.

Continue reading below ↓

THANKFUL TO GMA-7

Si Athena ay unang nakilala bilang Rere Madrid nang sumabak siya sa StarStruck.

Ngayong sumabak na siya sa pag-arte, hindi siya makapaniwala sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA para maging isa sa cast ng serye.

Ayon kay Athena, "Sobrang hindi talaga ako makapaniwala talaga, lalo na noong sinabi sa akin ng manager ko na magiging part daw po ako ng cast ng To Have and To Hold.

"Tuwang-tuwa ako, thank you ako nang thank you, at sobrang nakakataba po talaga ng puso.

"Kasi, baguhan pa lang ako pero hindi nila binalewala yung talent na nakikita nila sa akin."

Sabi pa niya, “Binigyan nila ako ng chance para maipakita sa mga tao kung anumang talento na meron ako.

"Sobrang thankful po ako sa GMA sa opportunity na ibinigay nila sa akin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Athena Madrid on brother Ruru's love language: "Kapag meron kang gusto, bibilhin niya. Hindi lang dahil sa kapatid niya ako, pero sa lahat talaga, ganun siya. Sobrang generous niyang tao."
PHOTO/S: @athenahmadrid / @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results