Faith Da Silva, 20, neither confirms nor denies relationship with Albert Martinez, 60

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2021
Faith Da Silva on rumors about her and veteran actor Albert Martinez: "Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan."
PHOTO/S: Instagram

Walang paligoy-ligoy na tinanong nina Boobay at Super Tekla kay Faith Da Silva, 20, ang tunay na estado ng relasyon nito kay Albert Martinez, 60.

Pero walang itinanggi o inamin ang anak ng 48-year-old actor na si Dennis Da Silva, na nagdurusa sa bilangguan ngayon dahil nahatulang guilty sa kasong rape at child abuse.

Si Faith ang naging bisita sa The Boobay and Tekla Show, ang comedy-talk show ng GMA-7, nitong Linggo ng gabi, September 26.

Inusisa sa kanya ang matagal nang napapabalitang ugnayan nila ni Albert, na kasama niya sa Las Hermanas, ang upcoming drama series ng Kapuso Network.

Sagot ni Faith: “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.

"Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.

"Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin.”

Continue reading below ↓

AGE DOES NOT MATTER

Apatnapung (40) taon ang agwat ng mga edad nina Albert at Faith, pero halos magkasunod ang kanilang mga kaarawan.

Isinilang si Albert noong April 19, 1961.

April 29, 2001 naman ang araw ng kapanganakan ni Faith, na may malaking pagkakahawig kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at nangangarap ding maging beauty queen sa tamang panahon.

Nang tanungin kung posibleng magmahal siya ng lalakeng mas matanda sa kanya, makahulugan ang sagot ni Faith.

Aniya, “For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao.

"Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, e, go lang ‘yan!"

WORKING TOGETHER IN LAS HERMANAS

Nagsimulang maugnay sa isa’t isa sina Albert at Faith nang magkasama sila sa lock-in taping ng Las Hermanas.

Sinabi ni Faith na napag-usapan nila ni Albert ang mga tsismis tungkol sa kanila pero hindi ito seryoso.

Lahad ng Kapuso newcomer, “Nag-usap kami. Napag-usapan namin pero in passing lang.

"Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang.

"Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.

"The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think yun ang mas importante sa amin."

Matunog na "Direk Albert" ang tawag ni Faith sa veteran actor.

Biyudo na si Albert dahil pumanaw ang kanyang misis na si Liezl Martinez noong March 14, 2015 kaya malayang-malaya itong muling magmahal at makipagrelasyon.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Faith Da Silva on rumors about her and veteran actor Albert Martinez: "Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results