Ejay Falcon to run for vice governor in Oriental Mindoro

by Arniel C. Serato
Sep 27, 2021
Ejay Falcon on running for vice governor in his home province, Oriental Mindoro: "Ako po ay tinawag ng kabutihan. At ang kabutihan na yun ay ang maglingkod sa ating bayan at hindi mo matatanggihan na yun."
PHOTO/S: Courtesy: EjayFalcon Updates on Facebook

Kumpirmado na ang pagtakbo ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus (PBB) Big Winner na si Ejay Falcon bilang bise gobernador sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News sa aktor kahapon, September 26, sinabi ni Ejay na ang kanyang running-mate ay ang incumbent governor ng probinsiya na si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor.

Ayon kay Ejay, hindi niya matanggihan ang tawag ng serbisyo publiko kaya sasabak na siya sa pulitika.

Saad niya, “Ako po ay tinawag ng kabutihan. At ang kabutihan na yun ay ang maglingkod sa ating bayan, at hindi mo matatanggihan na yun.

“Ako po ay papasok sa larangan ng pulitika at pagiging public servant.”

Umaasa si Ejay na kasing-init ng suporta ang kanyang matatanggap sa botohan mula sa mga kababayan niya gaya nang lumaban siya sa PBB hanggang sa pasukin niya ang showbiz.

Aniya, “Sana ay suportahan niyo rin ako sa ganitong klase ng larangan.

Continue reading below ↓

"Sinuportahan nila ako bilang isang aktor at PBB winner. Sana po ay suportahan din nila ako.”

May sagot din si Ejay sa mga kritiko na kumukuwestiyon sa kanyang kakayahang mamuno gayong wala naman daw siyang karanasan sa serbisyo publiko.

Giit niya: “Unang-una, huwag nilang nila-'lang' ang pag-aartista dahil napakahirap po ang pag-aartista dahil dugo't pawis din ang ibinigay namin diyan.”

MORE PERSONALITIES RUNNING

Bukod kay Ejay, marami pang artista at personalidad ang papalaot sa pulitika sa #2022Elections.

Kabilang sa kanila si Claudine Barretto, na tatakbong konsehal sa siyudad ng Olongapo, Zambales.

Si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na matatapos na ang ikatlo at huling termino, ay tatakbong kongresista sa unang distrito ng Cavite.

Ang dating child star na si Nash Aguas ay nagnanais ding manilbihan bilang konsehal sa Cavite City.

Ang Kapamilya star na si Javi Benitez ay tatakbong alkalde sa Victorias City, Negros Occidental.

Ang dating ABS-CBN news reporter at Laguna Third District representative na si Sol Aragones ay tatakbong gobernadora sa Laguna, ka-tandem ang anak ni dating Laguna Governor E.R. Ejercito na si Jorge “Jerico” Ejercito.

Continue reading below ↓

Sina Aiko Melendez at Arjo Atayde ay lalahok din sa halalan sa susunod na taon bilang kandidato sa pagkakongresista sa kani-kanilang kinabibilangang distrito sa Quezon City.

Si Congressman Yul Servo ng Maynila ay tatakbong bise alkalde sa lungsod.

Sa ngayon, may tatlo nang nagdeklara ng kanilang kandidatura sa pagka-presidente: sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson, at Senator Manny Pacquiao.

Tatakbo namang bise presidente sina Senate President Tito Sotto, Dr. Willie Ong, at President Rodrigo Duterte.

Sa October 1 to 8 nakatakdang tumanggap ang Commission on Elections (COMELEC) ng certificate of candidacy (COC) mula sa mga nais tumakbo sa 2022 elections.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon on running for vice governor in his home province, Oriental Mindoro: "Ako po ay tinawag ng kabutihan. At ang kabutihan na yun ay ang maglingkod sa ating bayan at hindi mo matatanggihan na yun."
PHOTO/S: Courtesy: EjayFalcon Updates on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results