Watch Now

Raffy Tulfo cancelled by die-hard Duterte supporters?

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2021
Raffy Tulfo on turning down offer for him to be Manny Pacquiao's running mate in 2022 elections: “I said no. Why? Dahil mataas po ang respeto ko kay PRRD, kay Pangulong Duterte. At wala po akong intensiyong babanggain siya sa darating na halalan."
PHOTO/S: Raffy Tulfo In Action YouTube

"Cancelled" si Raffy Tulfo para sa ibang mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte o mga DDS.

Ito ay kahit na si Raffy ay kilalang kaibigan at kakampi ni Pangulong Duterte.

Marami sa kanila ang nag-unfollow at nag-unsubscribe sa social media accounts ni Raffy, partikular na sa kanyang YouTube channel.

Ito ay bunsod ng mga sinabi ni Raffy sa kanyang programang Wanted Sa Radyo noong September 20, isang araw matapos ang live guesting niya sa Kapamilya Sunday musical-variety show na ASAP Natin ‘To.

Dito ay nagpahiwatig ng simpatiya si Raffy sa pagpapasara ng gobyerno sa broadcast operations ng ABS-CBN.

Ibinasura ng Kongreso noong July 2020 ang franchise renewal application ng dating broadcast giant.

Bahagi ng pahayag ni Raffy: “Dati-rati, nagge-guest na ako sa ABS-CBN noon pa. Maraming tao ang masasaya.

"Pero doon, malulungkot sila.

“Kasama sa lungkot ko, kung kayo’y nalulungkot, huwag kayong malungkot dahil puwede nating sabihin na nine, ten, ten months… Ten thousand kasi ang nawalan ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Puwedeng baka sabihin ni Lord na, 'Sige, ten months, okay na ulit.'

"Malay mo, kumbaga, magbabanggaan yung 16 million versus 42 million subscribers

"Forty-two million, kung i-combine mo pa, baka 50 million versus 16 million, anong mas marami dun?"

Ang "16 million" na tinutukoy ni Raffy ay ang bilang ng mga bumoto kay Duterte noong 2016 elections.

Ang "50 million" ay tumutukoy sa dami ng subscribers ng ABS-CBN Entertainment sa YouTube.

Ang "ten months" ay posibleng tumutukoy sa July 2022 o panahong posibleng magbalik na ang prangkisa ng ABS-CBN, dahil sa puntong iyon ay tapos na ang May 2022 elections at iba na ang administrasyon.

PRO-DUTERTE NETIZENS UNFOLLOW RAFFY'S YOUTUBE CHANNEL

Ikinagalit ng mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte o mga DDS ang sinabi ni Raffy.

Tingin nila ay iniyabang ni Raffy na kayang talunin ng kanyang milyun-milyong subscribers kumpara sa "16M" na botanteng sumuporta sa Pangulo noong 2016 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas na inakala ng ibang pro-Duterte netizens na ang tinutukoy ni Raffy na "42M" subscribers ay sa sarili nitong YouTube channel at ibang social media accounts.

Kasabay nito ay kumalat ang espekulasyon ng ibang netizens na tatakbong bise presidente si Raffy at kakalabanin si Pangulong Duterte sa 2022 elections.

Umabot sa puntong nanawagan ang mga DDS na i-boycott ang mga programa at social media accounts ni Raffy.

Pinaratangan din si Raffy na pinagkakakitaan ang mga mahihirap na dumudulog sa kanyang mga programa.

Narito ang ilan sa mga mensahe nila kay Raffy:

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Duterte supporters cancel Raffy Tulfo

DDS urges co supporters to unfollow Raffy Tulfo FB and Youtube

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May epekto ang panawagan ng pro-Duterte netizens na nagalit kay Raffy dahil nabawasan ang bilang ng kanyang followers at subscribers sa iba’t ibang social media platforms.

Mula sa humigit-kumulang 22.1M subscribers ay sinasabing bumaba ito hanggang 18M subscribers.

Raffy Tulfo in Action follower count

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nasa 21.8M subscribers ang YouTube channel ni Raffy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Raffy Tulfo TURNS DOWN OFFER TO BE PACQUIAO'S RUNNING MATE

Ngayong Lunes ng hapon, September 27, muling nagsalita si Raffy sa kanyang Wanted sa Radyo program para ituwid ang aniya'y "misinformation" laban sa kanya.

Una, itinanggi niyang tatakbo siyang bise presidente sa 2022 elections.

Pahayag ni Raffy: “This will be my first and last statement hinggil sa isyu. After that, move on na ako at, sana kayo, move on na rin.

“First, hindi po ako kakandidato sa pagka-bise presidente.

"Again, hindi po ako tatakbo sa pagka-bise presidente sa darating na halalan."

Naniniwala si Raffy na nagagalit sa kanya ang mga tagasuporta ni Duterte dahil sa mga kumakalat na balitang kakandidato siya bilang bise presidente ni Senator Manny Pacquiao sa halalan sa May 2022.

Pero ayon kay Raffy, tinanggihan niya ang offer na makatambal si Manny sa 2022 elections.

Paglilinaw niya: "Meron pong mga naghikayat sa akin na maging ka-tandem nila para maging bise presidente this 2022 elections, at yun po ay tinanggihan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I said no. Why? Dahil mataas po ang respeto ko kay PRRD, kay Pangulong Duterte.

"At wala po akong intensiyong babanggain siya sa darating na halalan."

RAFFY ON ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Nilinaw rin ni Raffy ang mga pigurang nabanggit niya sa kanyang programa noong September 2020.

Taliwas sa inaakala ng ibang netizens, ipinunto ni Raffy na ang tinukoy niyang "42M subscribers" ay hindi sa kanyang social media accounts kundi sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Patuloy ni Raffy, “Two, 16 million and 42 million...

"Yes, nabanggit ko po yung 42 million, but hindi ko po subscribers yun. Wala po akong 42 million subscribers. Saan nanggaling yun?

"Because at that time, I thought 42 million ang subscribers ng ABS-CBN Entertainment, which kinorrect ko naman the following segment.

“Sinabi ko, 16 million voters ni Pangulong Duterte versus 36 million subscribers ng ABS-CBN Entertainment, na posibleng mag-clash next year kapag nabuksan uli yung usapin tungkol po sa prangkisa ng nasabing network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag halimbawa, nagkaroon ng referendum... Kunyari lang, yun ang sabi ko.

"There might be a clash between 16 million voters versus 36 million subscribers ng ABS-CBN, magka-clash, yun po ang sinabi ko."

Ang referendum ay pagbibigay kapangyarihan sa mga botante para magdesisyon sa isang panukala.

Sa kaso ng pagbibigay ng prangkisa ng mass media companies, ang tanging may kapangyarihan na magpasa nito ay ang Kongreso.

PHONE CALL FROM DUTERTE SUPPORTERS

Inamin ni Raffy na nakatanggap siya ng mga tawag sa telepono mula sa kanyang kaibigang supporters ni Duterte, na nabulabog umano sa kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Aniya, "Nagpaliwanag ako sa kanila. These people are certified die-hard Duterte supporters and nagtampo sila sa akin.

"I explained to them, 'Mga pare ko, misinformation po ‘yang mga nabasa niyo sa social media. Ito yung totoong nangyari at ito yung totoo kong sinabi.'

"After I explained and I apologized to them, I told them, 'Sorry kung kayo ay nakasagap ng misinformation. I apologize to you.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At matapos kong masabi ‘yon, naintindihan nila. Then, they said okay, and then, they moved on."

Diin pa ni Raffy: "Lastly, listen to this, I mean no disrespect sa 16 million voters ni Pangulong Duterte dahil isa po ako dun sa 16 million na bumoto kay Pangulong Duterte noong 2016 elections."

Base rito ay ipinahiwatig niyang siya ay nananatiling supporter ng Pangulo.

Nagpaalam na si Raffy sa management ng TV5 para sa kanyang senatorial bid sa 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo on turning down offer for him to be Manny Pacquiao's running mate in 2022 elections: “I said no. Why? Dahil mataas po ang respeto ko kay PRRD, kay Pangulong Duterte. At wala po akong intensiyong babanggain siya sa darating na halalan."
PHOTO/S: Raffy Tulfo In Action YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results