Carla Abellana, Max Collins, Rocco Nacino believe a cheating partner deserves a second chance

by Rose Garcia
Oct 6, 2021
(L-R) Max Collins, Rocco Nacino, and Carla Abellana are the lead stars of GMA-7 prime-time series To Have and To Hold, which is about marital life and woes, including infidelity.
PHOTO/S: PR

Sa titulo pa lamang na To Have and To Hold, mahihinuhang ang bagong GMA prime-time series ay tungkol sa buhay may-asawa, at sa isa sa pinakamatinding pagsubok ng mag-asawa—ang pagtataksil.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga bida nito na sina Max Collins, Rocco Nacino, at Carla Abellana kung makakaya ba nilang tanggapin at patawarin ang kanilang asawa kung pagtaksilan sila nito.

Parehong kasal sina Max at Rocco: si Max kay Pancho Magno, at si Rocco kay Melissa Gohing. Si Carla naman ay ikakasal na kay Tom Rodriguez sa buwan na ito.

Si Max ang unang sumagot sa tatlo at positibo ito na kaya niyang magpatawad at tanggapin muli ang asawa.

“Ako, yes, kasi I feel that marriage and love is stronger than infidelity,” ang tugon niya.

“But siyempre, that’s all depends on your partner, if your partner wants to be forgiven, di ba?”

Saad din ni Carla, “Ako yes, definitely. Hindi naman madali iyan, for sure, na magpatawad kapag nagloko ang asawa, pero parte iyan ng buhay.

Continue reading below ↓

“Palagi ko ngang sinasabi na si Lord nga nagpatawad, ano pa tayo?"

Pero nilinaw ni Carla na hindi nangangahulugang pinapayagan niyang magluko ang partner.

Aniya, "...that shouldn’t be rin naman a signal or an excuse na aabusuhin dapat ng partner mo. Nam ‘Ay, okay lang iyan, mapapatawad naman iyan for sure. Gawin na natin.’ Hindi rin naman dapat ganoon.

“Pero para mabuo ka bilang tao at maging masaya ka, e, kailangan mo rin magpatawad ng iba.”

Maging si Rocco ay willing ding magpatawad at tanggapin ang partner niya sakali mang malaman niya na niloko o niloloko siya nito.

“I totally agree,” lahad niya pagkatapos na marinig ang naging sagot nina Max at Carla.

PAGTANGGAP SA PARTNER NA NANGALIWA

Kasabay ba ng pagpapatawad ay ang pagtanggap pa rin sa partner o asawang nangaliwa?

Mabilis na sagot ni Carla, “Yes, oo naman. Kasi once ka nagpatawad, the real work comes after the forgiveness.

Continue reading below ↓

“So hindi rin naman iyan, porke’t napatawad na ako ng asawa ko, okay na iyan. No, the real work has to be after that. Kailangan talaga may change, may sacrifice, may adjustment na gagawin yung nagka-affair.”

Sinang-ayunan ito ni Rocco, na ikinasal lang nitong January 21, 2020.

Aniya, "Tulad nga ng sinabi ni Carla, di porke’t nagpatawad, iyon na iyon. Second chance means really embracing the flaws of each other.

“A second chance is part of the work that you have to put in to [the relationship].

“Tinanggap mo iyong promise sa isa’t-isa and again katulad ng aming title, To Have and To Hold, you also have to take the ugly things of your partner, and, of course, pray that things can get better in time."

Pero sa tingin ni Rocco, mahalaga ang communication sa pagitan ng mag-asawa, kapag napunta sila sa ganitong sitwasyon.

Sabi ng StarStruck alumnus, “But of course, there’s always a limit to it and it dies down again to ‘Bakit?’

Continue reading below ↓

"Dito papasok iyong communication na isang bagay na hindi napapansin o nakakalimutan. Kaya umaabot tayo sa gano’ng klase ng problema.

“Dito na papasok ang importansiya ng pag-uusap ng mag-asawa, pag-iintindi.

"And these are some things na talagang ita-tackle sa aming palabas. Hindi lang yung just the act of infidelity.

“Dito ipapakita kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang lalaki. Why? How? When? And dito tayo makakapag-think deep kung bakit okay, maiintindihan natin. Now, would I still hate that person after nating maintindihan ang mga dahilan?

“I think that’s a huge factor.”

PAANO PAG BABAE ANG NAGTAKSIL, ROCCO?

Karaniwan sa isang relasyon at tulad na lang ng ipinapakita ng To Have and To Hold, ang lalaki ang madalas na nagkakaroon ng other woman.

Kaya tinanong ng writer na ito si Rocco na sakaling mangyari sa kanya na ang misis niya ang magkaroon ng affair, kakayanin ba niyang tanggapin pa rin ito?

Continue reading below ↓

Tugon ni Rocco, “Again, I would [think deep down] para malaman ko kung bakit bago ko intindihin. Ako ba ang may kasalanan? Ako ba ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon? Maraming factors kung bakit nangyayari iyan.

“Actually noong nag-uusap kami ng team about the show, napa-research ako sa Maslow’s hierarchy of needs. At ang top three sa hierarchy of needs—ang una, self-actualization, self-esteem, and belonginess.

“Doon pa lang, one of those factors that diminished, it leads to something that can happen sa mga acts na ginagawa natin. So minsan, kailangan natin not to act purely on just emotion na it’s done, tapos na.

“Sometimes it takes one person to understand why something bad is happening and bakit ginawa sa akin ito? After assessing all of that, doon ko lang malalaman kung ano ang dapat gawin. Hindi dapat yung ayawan na.”

Nagsimula ang To Have and To Hold noong Lunes, September 27, 2021, sa GMA prime-time block.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Max Collins, Rocco Nacino, and Carla Abellana are the lead stars of GMA-7 prime-time series To Have and To Hold, which is about marital life and woes, including infidelity.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results