Alma Moreno, Arci Muñoz to run for councilor; Alvin Patrimonio for Cainta mayor, Teri Onor for Abucan vice mayor

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2021
Actresses Alma Moreno and Arci Muñoz, basketball legend Alvin Patrimonio, and comedian Teri Onor are some of the celebrities who will try their luck in the 2022 elections.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Ang pag-anib ng mga aktres na sina Alma Moreno at Arci Muñoz, basketball superstar na si Alvin Patrimonio, at comedian na si Teri Onor sa political party na LAKAS-CMD (Christian Muslim Democrats) ang katibayan ng pagkandidato nila para sa iba’t ibang lokal na posisyon sa May 2022 elections.

Si House Representative Martin Romualdez ang current national president ng LAKAS-CMD. Ang opisina niya ang naglabas ng video ng panunumpa ni Patrimonio bilang miyembro ng kanilang political party.

Kakandidato ang basketball legend bilang mayor ng Cainta, Rizal.

Nangyari ang panunumpa ni Patrimonio nitong Huwebes, September 30, sa opisina ni Romualdez sa House of Representatives.

Rep. Martin Romualdez and Alvin Patrimonio

Continue reading below ↓

Rep. Martin Romualdez and Alvin Patrimonio

Kapartido ni Patrimonio si Ramona Cecilia Datuin Muñoz, aka Arci Muñoz, na tatakbong konsehal sa Cainta, Rizal.

Vice mayoral aspirant naman ng bayan ng Abucay, Bataan si Teri.

Hindi na baguhan sa mundo ng pulitika ang stand-up comedian dahil naglingkod na siya noon bilang board member ng unang distrito ng kanilang lalawigan.

Nanumpa si Teri bilang miyembro ng LAKAS-CMD sa pamamagitan ng Zoom.

Bataan Vice mayoral aspirant Teri Onor

Continue reading below ↓

Ipinadala naman nina Alma at Arci ang kanilang oath of membership.

Muling tatakbo si Alma bilang konsehal ng Parañaque City. Gaya ni Teri, may karanasan sa pulitika si Alma dahil nahalal siyang konsehal ng Parañaque City noong 2010.

Sinubukan niyang kumandidatong senador sa halalan noong May 2016, pero nabigo siyang manalo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses Alma Moreno and Arci Muñoz, basketball legend Alvin Patrimonio, and comedian Teri Onor are some of the celebrities who will try their luck in the 2022 elections.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results