Rabiya Mateo jokingly nags MJ Lastimosa for laughing at her talisod moment

by Rachelle Siazon
Oct 1, 2021
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (left) laughs off her talisod moment and even reposts viral memes about her that close friend MJ Lastimosa (right) posted on Instagram Stories. Of MJ's concern about her, Rabiya quips, "ECHUSERA. NARINIG KITA TUMAWA..."
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2021 / @mj_lastimosa / @rabiya_mateo Instagram

Kuwela ang asaran ng beauty queens na sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Personal na nasaksihan ni MJ ang agaw-eksenang talisod moment ni Rabiya sa kanyang final walk sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.

Bahagi ng audience si MJ sa venue ng pageant sa Henann Resort Convention Center sa Panglao, Bohol, kagabi, September 30.

Kitang-kita sa camera nang mapaluhod si Rabiya at napakapit ang mga kamay sa sahig ng stage.

Mabilis na nakabawi ang Ilongga beauty queen at saka tumayo na parang walang nangyari.

Marami ang nag-alala kay Rabiya, pero tiniyak niyang okay lang siya.

Nang kumustahin siya ng host na si KC Montero, may baon pa siyang witty one-liner at nakangiting sinabing, "Once you fall, you have to stand up."

RABIYA SAYS SHE HEARD MJ LAUGH

Ipinost ni MJ sa Instagram Story ang litrato ni Rabiya na nakatayo.

Caption ni MJ, "Bangon everyday! Labyu @rabiya_mateo."

Continue reading below ↓

Pero kuwelang kinontra ni Rabiya ang pakonsuelo ni MJ.

"ECHUSERA. NARINIG KITA TUMAWA NG NADAPA AKO EHH!" balik-sagot ni Rabiya kay MJ.

Halatang sanay na si Rabiya kay MJ dahil ni-repost din niya ang pang-aasar sa kanya nito.

May Instagram Story kasi si MJ na nakalakip ang talisod moment ni Rabiya na ginawang meme ng netizens.

Continue reading below ↓

Nilagyan nila ito ng character sa first challenge sa hit Korean survival drama series na Squid Game.

Biro pa ni MJ kay Rabiya, "Ibyang 1st game palang eliminated kana [laughing with tears emoji]'."

Sagot uli ni Rabiya, "HAHAHAHAHA SORRY NA PO! WALA TALAGA AKONG BALANCE AND COORDINATION."

Dagdag pa rin ni MJ sa pinagsamang Rabiya at Squid Game meme, "Umayos ka ibyang sabi ko steady hindi stop."

Continue reading below ↓

Bukas si MJ sa pang-aasar kay Rabiya at sinabihan pa itong puwede na talagang mag-artista.

Sa Twitter ni MJ, sabi niya, "Sinadya mo yung padapa noh? Very clazzz ehhh! Hartesta ka na gid ya dai labyu ga! #muph2021"


Continue reading below ↓

MJ ASKS RABIYA: "DID YOU CRY?"

Matapos ang coronation night ay cariño brutal pa rin ang pang-aasar ni MJ kay Rabiya.

Kinumusta muna ni MJ ang pakiramdam ni Rabiya ngayong naipasa na niya ang korona kay Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Sagot ni Rabiya, "Okay lang masaya talaga, MJ."

Nakangiting susog ni MJ, "Talaga? Walang luha?"

Kaswal na sabi ni Rabiya, "Hindi umiyak. I know nagpustahan yung mga staff dito kung iiyak ba ako. Pero I didn't cry kasi naiyak ko na kagabi."

Hindi naniniwalang sabi ni MJ, "Charotera."

"I'm happy," nakangiting ulit na sabi ni Rabiya.

Sabay pang-aasar ulit ni MJ, "Grabe, nadapa ka. Di ka umiyak, 'no?"

Sagot ni Rabiya, "Hindi, kasi tatayo at tatayo tayo."

Saka sila parehong nagtawanan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (left) laughs off her talisod moment and even reposts viral memes about her that close friend MJ Lastimosa (right) posted on Instagram Stories. Of MJ's concern about her, Rabiya quips, "ECHUSERA. NARINIG KITA TUMAWA..."
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2021 / @mj_lastimosa / @rabiya_mateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results