JK Labajo to girlfriend Maureen Wroblewitz: "Ikaw parin ang Ms Universe ko."

by Arniel C. Serato
Oct 1, 2021
Singer JK Labajo still proud of girlfriend Maureen Wroblewitz's first runner-up finish at Miss Universe Philippines 2021 finals.
PHOTO/S: Courtesy: @mauwrob / @missuniverseph on Instagram

Tinutukan ng singer na si JK Labajo ang Miss Universe Philippines 2021 grand coronation nitong Huwebes ng gabi, September 30.

Isa sa front runners ng pageant ang kanyang girlfriend na si Asia's Next Top Model Cycle 5 grand winner Maureen Wroblewitz, na kinatawan ng Pangasinan.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinakita ni JK ang clip ng pagrampa ni Maureen sa evening gown competition ng Top 10 candidates.

Sabi niya sa caption: “@mauwrob shet pa mine.”

Continue reading below ↓

Sa kanya namang official Facebook account, sunud-sunod din ang post ng singer tungkol kay Maureen.

Pabirong post ni JK patungkol sa kasintahan: “Ang ganda nung taga Pangasinan na candidate sa Ms Universe PH grabe tapos balita ko ang bait at talino pa daw jusmio”

Makalipas ang halos isang oras, sinabi ni JK na umiikot din ang kanyang mundo tuwing umiikot si Maureen sa stage.

Continue reading below ↓

Post pa niya, “Mayghad everytime umiikot si ms Pangasinan umiikot din yung mundo ko.”

Makalipas muli ang ilang sandali, sinabi ni JK na “chicken” o madali lamang para kay Maureen ang laban nito sa Miss Universe Philippines pageant.

Sabi ng “Buwan” singer: “Chicken is so good after i eat chicken i become a chicken.

Continue reading below ↓

“Speaking of the chicken, chicken lang yan kay Ms. Pangasinan.”

Sa huli, itinanghal na first runner-up si Maureen.

Pero para kay JK, si Maureen pa rin ang panalo at kanyang “Miss Universe.”

Aniya, “Congratulations kay Ms Pangasinan!!! Ikaw parin ang Ms Universe ko [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2021.

Si Miss Taguig Katrina Dimaranan ang nanalong Miss Universe Philippines Tourism, at si Miss Cavite Victoria Velasquez Vincent ang kinoronahang Miss Universe Philippines Charity.

Second runner-up si Steffi Rose Aberasturi ng Cebu Province.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer JK Labajo still proud of girlfriend Maureen Wroblewitz's first runner-up finish at Miss Universe Philippines 2021 finals.
PHOTO/S: Courtesy: @mauwrob / @missuniverseph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results