Kisses Delavin gets emotional after MUPH; celebs show support

by Nikko Tuazon
Oct 1, 2021
Kisses Delavin, Miss Universe Philippines 2021
Kisses Delavin gets kudos from Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (inset) for her performance during the Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night, Thursday, September 30, 2021. Kisses Delawin failed to advance to the top 5, but she took home four special awards.
PHOTO/S: @onechogabinete / @kissesdforever on Instagram

Hindi napigilan ni Kisses Delavin ang kanyang emosyon nang matapos ang Miss Universe Philippines 2021 pageant.

Ginanap ang grand coronation ng national pageant sa sa Henann Resort Convention Center sa Panglao, Bohol, nitong Huwebes ng gabi, September 30.

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2021.

Napabilang si Kisses sa Top 10 candidates na sumalang sa unang round ng interviews.

"I'm so happy!" sabi ni Kisses kay Miss Universe 2020 Rabiya Mateo nang bumalik sa backstage ang showbiz personality matapos ianunsiyo ang Top 10 candidates.

Pero hindi na pinalad si Kisses na makasama sa Top 5 ng pageant.

Sa isang video na in-upload ng fan account na @kissesdforever sa Instagram, makikita si Kisses na tila naluluha matapos ang pageant at habang inaayos ang mga gamit na dala nito.

Nagpapalamat naman si Kisses sa staff ng pageant na tumulong sa kanila simula nang dumating ang mga kandidata para sa pageant.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Kisses, "Thank you! Sobrang pinadali niyo yung buhay namin dito. Thank you... Thank you, ha... Mag-iimpake muna ako."

Ipinahayag naman ng fan account sa caption na patuloy ang suporta nito kay Kisses kung sakaling magdesisyon itong sumali ulit sa pageant.

Sulat ng fan account sa caption, "KISSES DELAVIN thanking the staff for helping them during their MUPh journey [emoji]

"Nakakaiyak!! Sobrang mahal na mahal ka namin, Kisses! We are so proud of you! @kissesdelavin

"COME BACK STRONGER [emoji] #KissesDelavin"

CELEBS SUPPORT KISSES

Sa Twitter, bumuhos din ang suporta ng fans at maging ng ilang celebrities kay Kisses sa naging performance nito sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.

Isa sa mga natuwa sa transformation ni Kisses ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Pahayag ni Pia sa Twitter: "Kisses blossomed into a woman right before our eyes. She nailed that styling! #MUPH2021Coronation"

Continue reading below ↓

Napabilib din si Divine Lee kay Kisses: "In fair kay Kisses, effort talaga sya. Magiging proud ang kapatid mong si Avril sayo. Charot! #MUPH2021Coronation #missuniversephilippines2021"

Mensahe naman ng host ng pageant na si KC Montero: "Kisses, I know how bad you wanted this. Don’t give up on your dreams."

Continue reading below ↓

Tweet naman ng @PBBKumunnity: "To this amazing and brave woman, you have fought a good fight. Congratulations and we are proud of you, our Miracle Daughter of Masbate, Kirsten Danielle “Kisses” Delavin! [emojis]"

Si Kisses ay dating housemate ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Hindi man siya nanalo ay nakapag-uwi pa rin si Kisses ng apat na special awards. Kabilang dito ang Miss Photogenic (Miss Luxxe White Face of the Universe) at Miss RFox Philippines.

Continue reading below ↓

Si Kisses din ang nanalo sa Lazada Video Contest at itinanghal na Miss Universe Philippines Lazada.

Ang Miss Universe Philippines 2021 ang kauna-unahang national pageant na sinalihan ni Kisses.

Bago ito, ilang regional pageants na rin ang kanyang sinalihan. Nanalo siyang Miss Teen Masbate noong 2013, at napanalunan din ang mga korona sa Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin gets kudos from Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (inset) for her performance during the Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night, Thursday, September 30, 2021. Kisses Delawin failed to advance to the top 5, but she took home four special awards.
PHOTO/S: @onechogabinete / @kissesdforever on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results