Leren Mae Bautista bows out of beauty pageants after failed bid for Miss Universe Philippines 2021 title

by Arniel C. Serato
Oct 1, 2021
“For the last time, Leren Mae Magnaye Bautista, LAGUNA! Now signing off.”
PHOTO/S: Courtesy: @lerenmaebautista on Instagram

Magpapahinga na sa beauty pageants ang beauty queen mula sa Laguna na si Leren Mae Bautista, 28.

Masuwerteng nakapasok si Leren sa Top 10 ng Miss Universe Philippines 2021 na ginanap kagabi, September 30, sa Bohol.

Pero hindi siya nakasama sa Top 5 ng pageant.

Ngayong araw, October 1, inanunsiyo ni Leren sa kanyang Instagram na magpapahinga na siya sa pagsali sa beauty pageants.

Kahit hindi niya naiuwi ang koronang pinangarap, wala raw sa kanyang bokabularyo ang salitang pagkatalo o pagiging talunan.

Mensahe ni Leren, “#WeMadeItHappen [heart, circled star emojis]

“The crown is my dream and representing Philippines is my pride and honor, we might not have the crown but having you fight with me all through out the competition made me realized that the true crown is infront of me and that crown is you. [crown emoji]

“There is no such thing as defeat if you try. [backhand index pointing up emoji]”

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Leren sa lahat ng supporters niya, lalo na sa mga taga-Laguna na kanyang kinatawan sa pageant.

Saad niya, “From the bottom of my heart, Maraming Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at sumuporta sakin hanggang dulo. Salamat LAGUNA! I will always be proud to represent you in whatever path I choose. Salamat PILIPINAS!

“Sa mga taong nasa likod ng aking pangarap, Maraming Maraming Salamat. [praying hands emoji]”

Ang beauty pageants daw ang bumago sa kanyang buhay kaya malaki ang pasasalamat niya rito.

Pagtatapos ni Leren, “Pageantry, you changed my life. Salamat!

“I will forever hold on this......................
‘ONCE A BINIBINI, ALWAYS A BINIBINI.’

“For the last time,

“Leren Mae Magnaye Bautista, LAGUNA!

“Now signing off.”

Taong 2015, kinoronahan si Leren bilang Mutya ng Pilipinas.

Bago matapos ang taong iyon, naiuwi ni Leren ang korona bilang Miss Tourism Queen of the Year International na ginanap sa Malaysia.

Continue reading below ↓

Sumali siya sa Binibining Pilipinas 2019 at nakuha niya ang titulong Bb. Pilipinas-Globe.

Noong taon ding yun, naging second runner-up siya sa Miss Globe 2019 na ginanap sa Montenegro.

Ang Miss Universe Philippines 2021 na ang kanyang huling pageant.

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2021.

Si Miss Taguig Katrina Dimaranan ang nanalong Miss Universe Philippines Tourism, at si Miss Cavite Victoria Velasquez Vincent ang kinoronahang Miss Universe Philippines Charity.

First runner-up ang Asia's Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz, at si Steffi Rose Aberasturi ng Cebu Province ang second runner-up.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“For the last time, Leren Mae Magnaye Bautista, LAGUNA! Now signing off.”
PHOTO/S: Courtesy: @lerenmaebautista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results