Watch Now

Kim Chiu on Kisses Delavin: “Ang galing ni Kisses.”

by Bernie V. Franco
Oct 3, 2021
Kim Chiu posts videos cheering on her fellow Pinoy Big Brother alumna Kisses Delavin during the Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night.
PHOTO/S: @chinitaprincess @louisepangilinan.ph on Instagram

Isa si Kim Chiu, 31, sa mga nag-cheer kay Kisses Delavin, 22, sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2021 pageant.

Si Kisses na isa sa fan favorites, ay nakaabot hanggang Top 10.

Via Instagram Story, ipinost ni Kim ang panonood niya ng national pageant at nagbibigay ng update.

Mahihinuhang fan si Kim ng major pageants, dahil mahilig mag-post kapag grand coronation events.

“Oh, who’s gonna win? Exciting…” boses ni Kim habang ipinakita sa video ang countdown ng pagsisimula ng national pageant noong September 30, 2021, Biyernes.

“Ayan naa. Oh my gosh,” excited na sabi ni Kim nang magsimula na ang opening presentation ng mga kandidata.

Nag-video si Kim nang sumagot na si Kisses sa the question-and-answer portion.

“Ang galing ni Kisses. Congrats, Kisses,” magiliw na sabi ni Kim.

“Grabe, woman na,” dugtong pa ng It’s Showtime host, bilang paghanga sa naging transformation ni Kisses bilang beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat burado na ang videos na ito ni Kim ay ni-repost ito ng isang showbiz vlog sa YouTube.

Ipinakita rin sa video na ipinost ng kapatid ni Kim na si Twinkle na magkakasama silang pamilya na nanood ng Miss Universe Philippines 2021 pageant.

“Naging family event ang panonood ng miss u ph!!!!” caption ng kapatid ni Kim.

Makikita rin sa video ang pagsasaya ni Lakam, isa pang kapatid ni Kim nang tawagin ang pangalan ni Miss Cebu City Bea Luigi Gomez bilang grand winner.

Sina Kim ay mga Cebuano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Kim at Kisses ay parehong produkto ng ABS-CBN reality-based TV show na Pinoy Big Brother.

Si Kim ang itinanghal na Big Winner ng PBB Teens noong 2006, habang si Kisses ay runner-up ng PBB Lucky 7 noong 2017.

RELATED STORY

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu posts videos cheering on her fellow Pinoy Big Brother alumna Kisses Delavin during the Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night.
PHOTO/S: @chinitaprincess @louisepangilinan.ph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results