Rabiya Mateo to Miss World PH 2021 Tracy Maureen Perez: “SINAMAHAN MO AKO SA PAGKADULAS”

by Bernie V. Franco
Oct 4, 2021
Miss Universe Philippines 2021 Rabiya Mateo (left) makes a joke about her and newly crowned Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez's (right) fall on stage. Rabiya fell when she was making her final walk last Friday (September 30, 2021), while Tracy experienced a fall when she was doing her first walk.
PHOTO/S: @stephencapuchino on Instagram / Jezreel Colangoy

Biniro ni Rabiya Mateo si newly crowned Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez sa pagbagsak nito sa mismong coronation night.

Naging usap-usapan sa pageant industry ang first walk ni Tracy bilang Miss World Philippines dahil nawalan ito ng balanse sa kanyang first walk sa coronation night nitong October 3, 2021.

Days before, lumikha rin ng eksena si Rabiya nang madapa siya sa stage sa kanyang final walk sa Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night noong September 30, 2021.

Ipinost ni Patricia Babista, Binibining Pilipinas 2021 Top 12 finalist, ang candid photo niya kasama sina Tracy at Rabiya.

Nakunan ang tatlo na nagtatawanan.

Halatang may halong biro ang post ni Patricia, na binati ang kaibigang si Tracy Maureen sa kanyang pagkapanalo bilang Miss World Philippines 2021.

Caption ni Patricia, “sooooo happy and proud of you (and Rab hehe)!”

Mukhang nakuha agad ni Rabiya ang pakahulugan ng kaibigang si Patricia, kaya ni-repost niya ang larawan sa kanyang IG Story.

Continue reading below ↓

Nag-joke si Rabiya tungkol sa pagkalaglag nila ni Tracy sa entablado.

Caption ni Rabiya: “CONGRATULATIONS @TRACYMAUREEENPEREZ!”

“GRABE TALAGA BABE SINAMAHAN MO AKO SA PAGKADULAS HA?

“GANUN MO AKO KAMAHAL! SEE YOU IN MANILA [peace sign, crown emojis].”

Patricia Babista (left) posts about friends Rabiya Mateo (center) and newly crowned Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez (right). Rabiya and Tracy had onstage mishaps.

TRACY'S FALL

Nangibabaw si Tracy sa Miss World Philippines 2021 pageant nitong Linggo ng gabi, October 3.

Nasungkit niya ang pinakamataas na korona.

Pero bukod sa korona, hindi malilimutan ni Tracy ang gabing iyon dahil dalawang beses siyang bumagsak sa entablado.

Habang ginagawa ang kanyang first walk, biglang napaupo ang Cebuana beauty queen at tumalsik pati ang kanyang korona.

Tinulungang makatayo si Tracy ni Senator Miguel Zubiri, na judge noong gabing iyon.

Makikita ring tumulong ang isang pang production staff member, at pati ang fellow titleholders ni Tracy.

Nauna pa rito, lumabas din ang videos ng pagkahulog ni Tracy sa stage bago ang announcement of winners.

RABIYA’S FALL

Kung sa first walk bumagsak si Tracy, nadulas at nadapa naman si Rabiya sa kanyang farewell walk noong gabi ng Biyernes, September 30, 2021.

Pabalik na noon si Rabiya sa backstage, pero bigla siyang nadapa bago siya umabot sa backstage.

Mabilis na bumangon si Rabiya at nagmuwestra na okay lang siya.

Continue reading below ↓

Nag-post pa ng Instagram Story si Rabiya noon para tiyakin sa kanyang supporters na maayos ang kanyang lagay.

“Don’t worry, guys. I’m okay,” ani Rabiya sa kanyang Instagram Story.

Bumawi rin si Rabiya dahil nang samahan niya ang host na si KC Montero sa stage, humirit siya ng, “Once you fall, you have to stand up.”

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2021 Rabiya Mateo (left) makes a joke about her and newly crowned Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez's (right) fall on stage. Rabiya fell when she was making her final walk last Friday (September 30, 2021), while Tracy experienced a fall when she was doing her first walk.
PHOTO/S: @stephencapuchino on Instagram / Jezreel Colangoy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results