Are Sharon Cuneta and daughter KC Concepcion not on speaking terms again?

by Bernie V. Franco
Oct 4, 2021
Sharon Cuneta's comments on social media cause speculations that she and daughter KC Conception are not on good terms again. “Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love," says Sharon.
PHOTO/S: Instagram

May tampuhan na naman ba ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion?

Ito ang suspetsa ng netizens kasunod ng mga matalinhagang pahayag ni Sharon nang makipagsagutan siya sa ilang netizens.

Bagamat hindi direktang inamin, mahihinuhang mayroon ngang tampuhan sa pagitan ng mag-ina base sa mga patutsada ng Megastar.

Si KC, 36, ay anak ni Sharon, 55, sa kanyang unang asawa na si Gabby Concepcion.

Kasalukuyang nasa New York si Sharon para bisitahin ang panganay na anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie.

Nag-aaral si Frankie sa isang unibersidad sa Manhattan, New York.

Nitong weekend, nag-post si Sharon tungkol sa paglipad niya sa New Jersey, sakay ng private jet plane na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si “Doc Noel.”

Pagdating sa New Jersey, lumipad naman siya sa New York sakay ang private helicopter ni Doc Noel.

Sa comments section, sunud-sunod ang sagot ni Sharon sa netizens na nangungumusta sa pagkikita nila ni Frankie.

Continue reading below ↓

Ayon kay Sharon, sobrang na-miss nila ni Frankie ang isa't isa at halos hindi na sila mapaghiwalay matapos magkita.

Idinetalye pa ng singer-actress ang bonding moments nilang mag-ina.

Isa sa comments ni Sharon: “Super nakapulupot kaming mag-ina at tawa kami ng tawang nagkukuwentuhan!

“Miss na miss namin katawanan si Yellie at Gugie!”

Sina "Yellie at Gugie" ang dalawa pang anak nina Sharon at Kiko na sina Miel at Miguel.

Continue reading below ↓

NETIZENS ASK ABOUT KC

May ilang netizens naman ang nagtanong kay Sharon tungkol kay KC, na namamalagi ngayon sa Los Angeles, California.

Lumipad si KC sa Los Angeles noong June 2021. Lumipat siya sa kanyang apartment pagdating ng September.

“You have another daughter in LA,” pasaring ng isang netizen.

Malaman ang sagot ni Sharon: “Yes I HEARD! I wonder how she is and what she is doing?”

MAlinaw na ang ibig pakahulugan ni Sharon ay wala siyang balita mula mismo sa kanyang panganay na anak.

Continue reading below ↓

Usisa ng isa pang netizen: “Isn’t KC also in USA?”

Ang supporters ni Sharon na ang sumagot sa netizen.

May mga komento si Sharon bilang sagot sa isang netizen, pero hindi na mababasa ang komento ng netizen.

Gayunpaman, mahihinuhang kinastigo ng netizen si Sharon dahil tila may pagpabor umano ito sa kanyang mga anak, gaya nga ng pagbisita niya kay Frankie pero hindi kay KC.

Continue reading below ↓

Na ang pagiging malayo nina Sharon at KC ay dapat isisi kay Sharon at hindi kay KC.

Sagot ng Megastar sa netizen: “Maybe try mo baligtarin.

“You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children.

“Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love.

“And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sayo.”

Continue reading below ↓

Nagsunud-sunod ang sagutan ng netizens base sa pahayag ni Sharon.

Nagbigay sila ng mga opinyon tungkol sa kung ano ang posibleng dahilan ng tampuhan o hidwaan ng mag-ina.

SHARON, KC DID NOT SEE EACH OTHER MONTHS AGO

Mid-May 2021 ay lumipad si Sharon sa Los Angeles para magbakasyon.

Lumipad naman si KC sa Los Angeles noong katapusan ng June 2021.

Hanggang sa makauwi si Sharon sa Pilipinas noong katapusan ng July ay hindi nagkita ang mag-ina.

Inamin ito ni Sharon sa interview sa kanya ni Cristy Fermin noong August 20, 2021.

Inusisa ng veteran entertainment columnist kung nagkita ang mag-ina sa U.S.

“Hindi po, ‘Nay,” sagot ni Sharon.

Dahilan ng Megastar, “Sa lawak po ng L.A. at hindi po ako marunong magmaneho…

“Nasa kabilang dulo po ako at siya [KC] ay nasa Downtown Area, na palipa-lipat.

“’Tsaka pagdating po niya, dalawang linggo, umuwi na po ako, e.

“Wala kaming time po na mag-bonding.”

Continue reading below ↓

Komento ni Cristy, may mga nagtatanong kasi kung bakit nagawa ni KC na mabisita si Manny Pacquiao sa training ng Pambansang Kamao sa isang gym sa Los Angeles pero hindi ang sarili nitong ina.

Pagtatanggol ni Sharon, “In fairness, gusto naman niyang magkita kami. Di lang talaga magtagpo ang aming mga kinaroroonan at schedule.

“Trabaho rin naman po meron siya, e. In fairness naman po."

PREVIOUS RIFT

Ang huling tampuhan ng mag-ina ay napaulat noong January 2020, dahil hindi nakadalo si KC sa ibinigay na birthday celebration ng ABS-CBN sa Megastar sa musical-variety show na ASAP.

Kumpleto ang pamilya ni Sharon kay Kiko, maliban kay KC.

Nagkapalitan ng sagot sina KC at Sharon via Instagram, at dito lumabas na nagsimula ang tampuhan nila bago pa magtapos ang 2019.

Wala kasi si KC sa Christmas gathering nina Sharon noon, at ikinasama ito ng loob ng Megastar.

Sa post naman ni KC ay humingi siya ng sorry sa ina kung hindi raw niya nami-meet ang expectations ng ina.

Continue reading below ↓

Pero pagsapit ng Marso, nagkabati ang mag-ina matapos nilang magpalitan ng mensahe sa social media.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta's comments on social media cause speculations that she and daughter KC Conception are not on good terms again. “Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love," says Sharon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results