James Yap, Ervic Vijandre running for councilor in San Juan City

by Rachelle Siazon
Oct 5, 2021
Naghain ng certificate of candidacy sa pagkakonsehal sa San Juan City sina (L-R) James Yap, Ervic Vijandre, Paul Artadi, at Macky Mathay.
PHOTO/S: Instagram

Tila isang basketball team ang dating ng sabay-sabay na paghain ng kandidatura ng mga kaalyado ni reelectionsit San Juan City Mayor Francis Zamora.

Kasama niya sa kanyang ticket ang malapit na kaibigan at PBA player na si James Yap, pati na rin ang dating PBA players na sina Paul Artadi at Don Gallado.

James Yap, Paul Artadi and Don Gallado at Francis Zamora COC filing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namataan din sa grupo ang aktor at MPBL player na si Ervic Vijandre pati na rin si Macky Mathay.

Kakandidato sina James, Paul, Don, Ervic, at Macky bilang councilor sa San Juan.

Baguhang sasabak sa mundo ng pulitika sina James, Don, at Macky.

Si Ervic ay kumandidato sa pagkakonsehal sa Taguig City noong 2013 elections, pero hindi pinalad manalo.

Ervic Vijandre and Macky Mathay

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Paul ay dalawang termino nang konsehal ng San Juan.

Bago naghain ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections, sama-sama munang duminig ng misa ang kanilang grupo.

Francis Zamora group attending mass

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naghain ng certificate of candidacy sa pagkakonsehal sa San Juan City sina (L-R) James Yap, Ervic Vijandre, Paul Artadi, at Macky Mathay.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results