Kisses Delavin vows to join Miss Universe Philippines again for her Miss Universe dream

by Bernie V. Franco
Oct 5, 2021
Kisses Delavin is not yet giving up on her Miss Universe dream: "I think that I’m in a good direction. So, iki-keep in mind ko yung positive comments, and also the points for improvement. So that when I do represent the country, talagang all aspects, perfect na."
PHOTO/S: Unang Hirit/Facebook (Miss Universe Philippines

Nagpaliwanag si Kisses Delavin tungkol sa viral video niya kung saan nakunan siyang naging emosyonal sa backstage ng Miss Universe Philippines 2021 pageant.

Umabot si Kisses sa Top 10 sa national pageant na ginanap sa Henann Resort sa Bohol, noong September 30.

Ito ang unang beses na sumabak siya sa national pageant.

Pero bakit naiyak si Kisses?

“Sa backstage po, andaming emotions. I think lahat kami umiyak kasi andun yung family namin.

"Tapos inaalala namin yung mga designers namin, yung lahat ng pagod, yung friendship,” paliwanag 22-anyos na aktres sa interview ng Unang Hirit ngayong Martes, October 5.

Napagtanto raw ni Kisses na life-changing ang pagsabak niya sa national pageant.

Aniya, “Ang sarap sa feeling nang matapos yung pageant, not because you wanted it to be over, but because you realized how much you gained.”

Magkahalo rin ang nararamdaman ni Kisses dahil alam niyang hindi na ulit makakasali ang iba niyang batchmates dahil sa age limit.

Continue reading below ↓

“Share ko lang po na na-sad din ako kasi, especially naging close na ako sa mga sisters ko...

"Unlike me who can still join again, because I’m just 22, others are already 28, so not everybody can join again.

"So, na-sad din ako for that."

Tiyak daw na sasabak muli si Kisses sa national pageant para tuparin ang kanyang pangarap maging Miss Universe titleholder.

“I’m just gonna let myself be surprised by myself.

"Kasi, ako din, every day, nasu-surprise sa kung ano yung bago kong ideas.

“I’m just very open. I’m just looking at the positive side.

"Pero ako, I am very sure that this is my big dream, so I will continue in this path. That is for sure," saad ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 alumna.

ACKNOWLEDGED BY TITLEHOLDERS

Umani rin ng papuri si Kisses sa former titleholders gaya nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Continue reading below ↓

Hanga raw sila sa transformation at magandang ipinamalas ni Kisses sa unang national pageant nito.

Reaksiyon ni Kisses: “Kilig po.

"Actually, natuwa po ako doon sa comments nila, kasi siyempre po, grabe po yung pagod sa pageant.

“I’m very grateful, sIyempre, marami pong support sa akin.

“At the same time, I keep in mind yung lahat ng puwede ko pang points for improvement.

"Kasi, this is really my big dream, the Miss Universe crown.

“So, I think that I’m in a good direction. So, iki-keep in mind ko yung positive comments, and also the points for improvement.

“So that when I do represent the country, talagang all aspects, perfect na.”

Ayon pa kay Kisses, iba ang dedikasyong ibinuhos niya sa pagsali sa national pageant.

“Sabi ko, I feel proud of myself.”

Pinuri rin niya ang Miss Universe Philippines Organization na itinuloy ang pageant sa kabila ng pandemya. Bagamat naantala ang previous schedule na September 25, natuloy ang national pageant nitong September 30.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kisses, maging silang mga kandidata ay naramdaman ang hirap maitawid lang ang pageant.

Biro naman ng aktres, nakatulong daw ito para maging fit ang kanyang pangangatawan.

“Kasi araw-araw po kami nagbubuhat ng maleta ko po. Kaya ako naging batak, kaya ako naging fit.

“Kasi nagbubuhat ako ng maleta, malaki, tapos ako lang nagbubuhat.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin is not yet giving up on her Miss Universe dream: "I think that I’m in a good direction. So, iki-keep in mind ko yung positive comments, and also the points for improvement. So that when I do represent the country, talagang all aspects, perfect na."
PHOTO/S: Unang Hirit/Facebook (Miss Universe Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results