Billy Crawford talks about loyalty; says his network transfer is worth it

by Bernie V. Franco
Oct 6, 2021
Billy Crawford on his network transfer in 2020: “Ako, nung lumipat ako, wala na akong kontrata sa ABS [CBN], first of all... Wala na akong options. I was just home. Wala na akong ginagawa. Parating na ang baby namin ni Coleen. Kailangan akong kumilos. Anong gagawin ko? Nganga…"
PHOTO/S: YouTube (Laugh Out Loud) / @billycrawford on Instagram

Para kay Billy Crawford, aanhin pa ang loyalty kung nagugutom naman ang mga taong mahal mo?

Ito ang buod ng pahayag ni Billy nang matanong siya tungkol sa network transfer ng mga artista.

Bagamat selfish man daw ito sa pandinig ng ibang tao, idiniin niya na ang paglipat sa ibang network ng isang artista ay nakadepende kung ano ang mga prayoridad nito sa buhay.

Sa kaso ni Billy, kinailangan niyang lumipat ng TV network para masuportahan ang kanyang pamilya.

Asawa ni Billy ang aktres na si Coleen Garcia at may isa silang anak, ang one year old na si Amari.

"Definitely loyalty will not put food on the table. I tell you that," prangkang pahayag ni Billy.

Eksklusibong nakapanayam ng editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy nitong Lunes, October 4, 2021.

"It’s medyo mahirap because it comes across na medyo selfish in a way, di ba?

"Kaming mga artista, pag nagdedesisyon kaming ganito na lumipat, or [take] other opportunities—ganito, ganyan—pero at the end of the day, yung totoong pakiramdam nung tao, yung totoong hirap…

Continue reading below ↓

"Yung makikita mong yung pamilya mong may kailangan pa at hindi ka na secure kung nasaan ka, gagawa at gagawa ka ng paraan para maiahon lahat ng taong mahal mo sa buhay," paliwanag ni Billy.

Dagdag ng singer/host/performer, "And to each his own, siguro."

ON LEAVING ABS-CBN

Tiniyak niyang walang gusot nang umalis siya sa ABS-CBN at lumipat sa TV5 noong October 2020.

Sabi niya sa PEP.ph, "Ako, nung lumipat ako, wala na akong kontrata sa ABS [CBN], first of all. Wala na akong kontrata, that’s one…

"So, fresh na fresh, I could do any decision na kailangan kong gawin."

September 2020 nang ihayag ni Billy sa interview sa kanya ni Vice Ganda na lilipat siya ng TV5 para maging host ng isang noontime show, ang Laugh Out Loud (LOL).

Katuwiran ni Billy, "Desperate times, desperate needs. Pag desperado ka na talaga, gagawin mo ang lahat to work, and to be doing things para sa iyong pamilya."

Continue reading below ↓

Taong 2008 nang pumirma ng exclusive contract si Billy sa ABS-CBN, at naging host ng iba’t ibang game at talent shows.

Kabilang sa mga ito ang The Singing Bee, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar. Nag-host din siya ng daily noontime show na It's Showtime at Sunday musical-variety show na ASAP.

Matapos nilang magpakasal ni Coleen noong April 2018, nag-lay low sa trabaho si Billy at nagpaalam sa It's Showtime.

Aniya, gusto niyang mag-focus sa kanyang pamilya.

Pero patuloy siyang napanood sa ilang weekly shows.

Ang huling proyekto niya sa ABS-CBN ay ang Your Moment, na umere mula November 2019 hanggang February 2020.

October 2020 nang i-launch ang LOL ng TV5, at ngayon ay ipadiriwang ang kanilang first anniversary.

Bukod sa LOL ay host din si Billy ng reality franchise game show sa TV5 na The Wall Philippines.

BILLY ON TV5 TRANSFER

Isa lang si Billy sa mga Kapamilya stars na lumisan sa ABS-CBN noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

Maraming Kapamilya stars ang apektado at nawalan ng trabaho matapos mawalan ng prangkisa ang TV network noong 2020 kasabay ng pandemya.

Naniniwala si Billy na may malalalim na dahilan ang mga artistang lumilipat ng TV networks.

Sabi niya: "Tsaka sa tingin ko, sa mga artista naman that are taking their time para i-assess lahat… kung baka may maraming magalit, magtampo, ganito, ganyan...

"Siguro in God’s time. Kailangan you have to be patient.

"You can’t just jump the guns and sabihin mo pipirma ako ng ganito, ganyan-ganyan, kasi it’s impulsive decisions.

"Pero pag kalkulado mo..."

Ginawang halimbawa ni Billy ang sarili nang magdesisyon siyang lumipat ng istasyon.

Walong buwan ding siyang walang show noon.

Diretsahang paliwanag niya: "Ako kasi, kaya medyo napabilis ang paglipat ko dahil wala, e… Wala na akong options.

"I was just home. Wala na akong ginagawa. Parating na ang baby namin ni Coleen.

"Kailangan akong kumilos. Anong gagawin ko? Nganga…

Continue reading below ↓

"Kailangan akong maging totoo sa sarili ko.

"Itapon lahat ng pride, at itapon ang insecurities ko, at kailangan kong labanan ang buhay na pinaglalabanan natin.”

Diin ni Billy, nangibabaw ang priorities niya, at yun ay ang kanyang pamilya.

Usisa namin kay Billy, worth it ba ang ginawa niyang paglipat at mga pinagdaanan niyang mga hamon at hirap?

"Oh, most definitely," mabilis niyang sagot.

Patuloy niya: "If I definitely regretted it, lahat ng desisyon na ginawa ko, di, sinayang ko lang ang buhay ng pamilya ko.

"I don’t regret my decision. I’m happy where I’m at. I’m confident na I’m gonna be guided by God through this journey that we’re in right now.

"So, yung sakripisyo, yung kailangan na mangyari ay nangyari na."

Sa kabilang banda, sa unang anibersaryo ng kanilang noontime show sa TV5, hangad daw ngayon nina Billy na patuloy na makatulong.

"Sana matapos na itong COVID and this whole lockdown.

Continue reading below ↓

"Yung goal lang talaga namin is magkaroon lang kami ng live audience, mapuntahan lang namin yung tao, makita lang namin yung tao, at matulungan namin nang pisikal.

"Yun ang goal namin. COVID really, really put a reset sa buong mundo kaya it’s hard.”

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford on his network transfer in 2020: “Ako, nung lumipat ako, wala na akong kontrata sa ABS [CBN], first of all... Wala na akong options. I was just home. Wala na akong ginagawa. Parating na ang baby namin ni Coleen. Kailangan akong kumilos. Anong gagawin ko? Nganga…"
PHOTO/S: YouTube (Laugh Out Loud) / @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results