Watch Now

"Getting-to-know stage?"—AJ Raval, Aljur Abrenica spotted HHWW at a mall

by Bernie V. Franco
Oct 6, 2021
Kumakalat ngayon sa social media ang paparazzi shots ng isang lalaki at isang babae na magkahawa-kamay habang naglalakad sa mall. Base sa isa pang photo collage na kita ang mukha nina AJ Raval at Aljur Abrenica, match ang outfits nila sa suot ng couple na naka-holding hands while walking.

Spotted sina AJ Raval at Aljur Abrenica na holding hands while walking (HHWW) na naglalakad sa isang mall.

Base ito sa mga lumabas na photos ng dalawa sa social media kasunod ng kumpirmasyon ni AJ na nasa “getting-to-know” stage sila ngayon ni Aljur.

Kinumpirma ni AJ, ang sexy actress na anak ni Jeric Raval, na nanliligaw sa kanya si Aljur.

Ginawa ito ni AJ sa “On The Spot Challenge” segment ng PEP Live interview, October 5, Martes ng gabi.

Dalawang photos ang lumabas sa social media na nagpapahiwatig ng umuusbong na pagsinta ng mga ito sa isa't isa.

Sa unang paparazzi shot, makikita ang isang lalaki at babae na nakatalikod at magkahawak kamay habang naglalakad palayo.

Pareho silang may bitbit na tila namili o nag-shopping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pangalawang kuha, photo collage ito ng pagpapa-selfie ng isang lalaki kina Aljur at AJ nang magkahiwalay.

Makikita sina Aljur at AJ na parehong naka-face mask at identical ang background na nasa mall.

Tila nagpa-picture ang lalaki sa dalawang artista nang magkahiwalay. Tinakpan ng nagpa-picture ang kanyang mukha ng smile face emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, kapansin-pansin na ang outfit nina AJ at Aljur sa second photo ay match sa outfits ng couple na HHWW sa mall sa first photo.

Kung pagbabasehan ang unang larawan, matutukoy kung gaano na kalapit sina AJ at Aljur sa isat-isa, bagamat sinabi ng sexy star na "getting-to-know" stage pa lang sila ni Aljur.

Sa interview niya sa PEP Live at ng PEP Troika sa DZRH noong Martes ng gabi, hindi rin maitago ni AJ ang kilig sa tuwing magsasalita tungkol sa pagkakaugnay niya kay Aljur.

Diretso ring sinabi ni AJ na hindi malayong ma-in love siya kay Aljur dahil sa magagandang katangian nito.

“Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao.

"Possible naman po na ma-in love ako sa kanya," tahasang sabi ng aktres.

Nagustuhan din ni AJ na bago siya ligawan ni Aljur ay nagpaalam muna ito sa mga magulang ng sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatrabaho sina AJ at Aljur sa pelikulang Nerisa, kunsaan bida si Cindy Miranda at si Aljur ang leading man.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumakalat ngayon sa social media ang paparazzi shots ng isang lalaki at isang babae na magkahawa-kamay habang naglalakad sa mall. Base sa isa pang photo collage na kita ang mukha nina AJ Raval at Aljur Abrenica, match ang outfits nila sa suot ng couple na naka-holding hands while walking.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results