Noli de Castro eyes senate seat anew; hopes ABS-CBN gets a franchise in new Congress

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2021
Noli de Castro 2022 elections
Veteran TV news anchor and radio commentator Noli de Castro quits post in ABS-CBN to run for senator in 2022 elections: "Ako po'y makikipagsapalaran sa bagong uri ng panunungkulan o public service pero tuluy-tuloy ho ang ating public service."
PHOTO/S: Courtesy: @kabayannolidecastro on Instagram

Nagpaalam na sa kanyang mga programa sa radyo at telebisyon ang beteranong broadcaster na si Noli de Castro ngayong Huwebes, October 7.

Ito ay dahil tatakbo muli bilang senador ang TV Patrol anchor sa 2022 elections.

Pahayag ni Noli sa kanyang TeleRadyo program na Kabayan kaninang umaga, “Sorry to say na ito ho ang huling araw ko na dito sa TeleRadyo for so many years, at kami ho’y nagpapasalamat sa mga nakasama ko dito.”

Nahalal si Noli bilang senador noong 2001 elections, kung saan siya ang nanguna sa botohan.

Taong 2004, kumandidato siyang vice president at nanalo na naman. Siya ang naging bise presidente ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nang matapos ang kanyang termino noong 2010 ay bumalik siya sa telebisyon.

Pagkalipas ng labindalawang taon ay muling susubukan ni Noli ang kanyang kapalaran sa pultika sa pamamagitan ng pagtakbo ulit bilang senador sa 2022 elections, sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ng presidentiable na si Manila Mayor Isko Moreno.

Continue reading below ↓

Saad pa ni Noli kanina, “Ako po'y makikipagsapalaran sa bagong uri ng panunungkulan o public service pero tuluy-tuloy ho ang ating public service.

"Medyo itong pagkakataon na ito, e, mas magiging malawak na po ang isasagawa kong public service kung susuwertehin sa tulong na rin po ninyo."

Ang pagtakbo ni Nolo sa 2022 ay nangangahulugan din ng pagpapaalam niya sa primetime news program ng ABS-CBN na TV Patrol.

ABS-CBN FRANCHISE

Tinalakay rin ni Noli sa kanyang huling broadcast sa TeleRadyo ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation na ipinagkait ng Kongreso noong July 2020.

Pahayag niya, “Ang malungkot ho, aalis ako dito na wala pa rin kaming prangkisa.

“At sana'y dumating ang pagkakataon na lahat ho ng mga natanggal sa ABS-CBN ay makabalik na, napakarami ho niyan.

"Libu-libo na mga kasamahan namin dito sa ABS-CBN na dati-rati, kapag may prangkisa pa kami nun, araw-araw ho nagbabatian kami dito.

"Ngayon po, wala nang bumabati sa akin. Wala na rin akong mabati dahil kung minsan maglalakad ako dito, wala kang makakasalubong."

Continue reading below ↓

Parang "ghost town" na raw ang kapaligiran sa network dahil kakaunti na lamang ang mga tauhan nito.

Aniya, “Parang ghost town ang nangyari sa ABS-CBN.

"At sana po ay makabawi kami sa mga darating na taon sa pamamagitan po ng inyong mga panalangin na magbago ang ihip ng hangin sa mga congressman na uupo bilang mga bagong kongresista sa bagong Kongreso sa 2022.”

July 10, 2020 nang tuluyang patayin ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN sa botong 70-11.

Dahil sa hindi napagbigyang prangkisa, libu-libong tauhan ng network ang nawalan ng trabaho.

Limampung regional TV at radio stations din ang nagpaalam sa ere.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran TV news anchor and radio commentator Noli de Castro quits post in ABS-CBN to run for senator in 2022 elections: "Ako po'y makikipagsapalaran sa bagong uri ng panunungkulan o public service pero tuluy-tuloy ho ang ating public service."
PHOTO/S: Courtesy: @kabayannolidecastro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results