Jomari Yllana, Vandolph Quizon seek reelection as Parañaque councilors

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2021
Actors Jomari Yllana (left) and Vandolph Quizon seek their third term as councilors in Parañaque City's first district. They were first elected into office in 2016 and reelected in 2019.
PHOTO/S: Courtesy: Abby Viduya on Facebook / @vitovandolf on Instagram

Tatakbo sa kanilang ikatlong termino bilang konsehal sa unang distrito ng Parañaque ang mga aktor na sina Jomari Yllana at Vandolph Quizon.

Ngayong araw, October 7, magkasabay na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sina Jomari at Vandolph.

Kasama rin nilang nag-file sa kanilang ticket si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

View this post on Instagram

A post shared by Baldo Quizon (@vitovandolf)

Sinamahan ni Priscilla Almeda ang kanyang boyfriend na si Jomari sa paghahain nito ng kandidatura sa Comelec Parañaque.

Continue reading below ↓

Hindi lang sina Jomari at Vandolph mula sa kani-kanilang pamilya ang tatakbo o nasa mundo ng pulitika.

Ang kapatid ni Jomari na si Ryan Yllana ay muli ring tatakbo bilang konsehal sa ikalawang distrito ng Parañaque.

Ang kuya nilang si Anjo Yllana ay tatakbo bilang kongresista sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Ang ina naman ni Vandolph na si Alma Moreno ay napababalitang tatakbo rin konsehal sa Parañaque.

Ang asawa ni Vandolph na si Jenny Quizon ay kasalukuyang kapitan ng Tambo, Parañaque.

Taong 2016, sabay na pinasok nina Jomari at Vandolph ang larangan ng pulitika at masuwerte silang nanalo sa una nilang pagsabak sa public service.

Na-reelect sila noong 2019.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor-pulitiko na si Jomari noong 2019, sinabi nitong naimpluwensiyahan siya ng kanyang kuya na si Anjo kaya pinasok din niya ang public service.

Saad niya, “Public service naman, calling naman iyan ng tao para sa tao.

Continue reading below ↓

“Kami sa City of Parañaque, kami ay nagmana kaming magkakapatid ng magandang serbisyo mula sa aming kuya.

"Dati namang vice mayor si Kuya Anjo sa Parañaque.

“Si Kuya Anjo served Parañaque for three terms—dalawang term na konsehal at isang term na vice mayor.

“Ano siya, e, tatak serbisyo ng Yllana at nakatatak naman talaga sa Parañaque.

“And kami naman, kami ang nagmana.

“Kung kakausapin ka ng tao at sasabihin sa iyo na, ‘Ikaw, Jomari, ang gusto naming mag-serve sa amin bilang konsehal,’ e, ano ba naman ang magagawa mo kundi tanggapin lang yung gusto ng tao, gusto ng nakakarami.”

Dalawang komite ang pinamumunuan ni Jomari sa konseho ng Parañaque—Committee on Tourism, Culture, and History at Committee on Technology and Social Services.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actors Jomari Yllana (left) and Vandolph Quizon seek their third term as councilors in Parañaque City's first district. They were first elected into office in 2016 and reelected in 2019.
PHOTO/S: Courtesy: Abby Viduya on Facebook / @vitovandolf on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results