Leni Robredo files COC for president; Angel Locsin, other celebs wear pink for support

by Rachelle Siazon
Oct 7, 2021
As she files her COC for president, Leni Robredo (left) gets support from celebrities (clockwise) including Angel Locsin, Agot Isidro, K Brosas, Jolina Magdangal, among others.
PHOTO/S: Jerome Ascaño / Instagram

Kasado na ang pagkandidato ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections.

Inihain ni Leni ang kanyang certificate of candidacy sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City, kunsaan nakapuwesto ang Commission on Elections para sa filing ng COCs para sa national positions.

Ito ay makalipas ang apat na oras mula nang ianunsiyo niya ang intensiyong lumaban para sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa susunod na taon.

Nanguna sa nag-trend sa Twitter ang "#LabanLeni2022" at "Pink" na signature color ni Leni sa halalan.


Continue reading below ↓

Si Leni ay dating human rights lawyer. Pumasa siya sa Bar noong 1996, at nagsilbi sa Public Attorney's Office (PAO).

Noong 2019, itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Pero pinatalsik din siya ng Pangulo sa puwesto dahil sa mainit na pagbatikos ni Leni sa aniya'y madugong anti-illegal drugs war ng administrasyon.

Sa kanyang talumpati kaninang umaga, binanggit ni Leni na ilan sa mga naimplementang proyekto ng kanyang Office of the Vice President ay "pabahay, ayuda, medical at livelihood assistance, lingap sa mga nasalanta, ang mga pailaw at classrooms at dorms, ang vaccine express," at iba pa.

Ito ay sa kabila ng limitado lamang ang budget na ibinigay sa kanyang tanggapan.

FULL SUPPORT FROM THREE DAUGHTERS

Kasama ni Leni ang mga anak na sina Tricia at Aika sa pag-file niya ng COC.


Continue reading below ↓

Ang bunso niyang anak na si Jillian ay nag-aaral sa New York, pero tumutok din sa announcement niya ngayong araw.


Tweet pa ni Jillian, "Since I was 12, I’ve been looking forward to the day where my Ates and I have Mama all to ourselves again, but I guess that would have to wait :)

Continue reading below ↓

"Mama, I’ve never been more proud to be your daughter.

"Happy I get to cast my vote for you this time around .#LabanLeni2022"

Parang nakasama na rin si Jillian dahil may litrato sina Leni, Aika, at Tricia na kasama siya via virtual call.

Continue reading below ↓

Asawi ni Leni ang pumanaw na Department of Interior and Local Government Secretary at dating Naga Mayor na si Jesse Robredo.

CELEBS WEAR PINK FOR LENI

Nakasuot ng pink top at pink ribbon si Leni bilang kanyang signature color ngayong halalan.

Nakiisa rin ang mga artista sa pagpu-post ng may kulay pink bilang tanda ng suporta nila sa kandidatura ni Leni ngayong 2022 elections.

Una na rito si Angel Locsin:


Continue reading below ↓

Ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta:


Nag-pink lipstick si Agot Isidro:

Continue reading below ↓

Nag-pink din si K Brosas:


Si Enchong Dee ay naglabas ng pink towel:


Continue reading below ↓

Si Lara Quigaman ay naka-matching pink suit at pants:

Nag-jumprope naman si Rica na nakulay pink din na damit:

Continue reading below ↓

Handa rin ang bandang Moonstar 88 sa kanilang pink OOTD:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As she files her COC for president, Leni Robredo (left) gets support from celebrities (clockwise) including Angel Locsin, Agot Isidro, K Brosas, Jolina Magdangal, among others.
PHOTO/S: Jerome Ascaño / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results