Watch Now

Did Axel Torres throw shade at ex-girlfriend AJ Raval? 

by Rachelle Siazon
Oct 7, 2021
Axel Torres Axel (left) posts song about heartbreak while ex-girlfriend AJ Raval is seen going out with Aljur Abrenica (inset).
PHOTO/S: @axe1torres / CTTO (inset)

Sa unang pagkakataon ay tila nagparamdam si Axel Torres, 28, ng kanyang saloobin sa hiwalayan nila ni AJ Raval, 21.

Si Axel ay dating housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In.

Ngayong Huwebes, October 7, malaman ang Instagram post ni Axel tungkol sa pait ng pakiramdam na may iba na ang taong minamahal mo.

Sabi sa caption: “Right now, i’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up [sweating emoji] with the person that she told me not to worry about [clown face] but it’s alright."

Mula iyon sa lyrics ng kantang "Numb" ni Christian Gates.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUST A SONG?

Nagkomento ang baguhang artista na si Alexa Miro sa post ni Axel.

Hirit ni Alexa kay Axel, "Tapang mo today ah."

Simpleng sagot ni Axel, "it's a song Alexa."

May kasama itong tongue-sticking-out emoji na waring nagpapahiwatig na may hugot ang kanyang post.


Mabilis na naugnay ito sa ex-girlfriend ni Axel na si AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kaila sa mga nakasubaybay sa isyu na usap-usapan ngayon ang paglantad ni AJ ng pagkakamabutihan nila ni Aljur Abrenica.

Ang direktor na si Theodore Boborol ay napakomento sa tingin nito ay pinagdadaanan ni Axel.

"Awww sorry to hear that Axel," ani Boborol.


Hands up ang iniwang emoji ni Ervic Vijandre, habang nagyaya naman ng basketball si Kirst Viray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


WHAT AJ SAID ABOUT BREAKUP WITH AXEL

May 24, 2021 nang unang aminin ni AJ ang tungkol sa relasyon nila ni Axel.

Pero noong August 5, 2021, unang isiniwalat ni AJ sa PEP Live na hiwalay na sila ni Axel.

"Yes po, nagkaroon po kami ng relasyon ni Axel. Pero wala na rin po kami ngayon. Nag-break po kami," saad ni AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa tinuran ni AJ ay lumalabas na noong June sila nag-break.

Sa presscon ng Taya noong August 2021, idinetalye ni AJ na naghiwalay sila ni Axel dahil hindi nito tanggap ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula.

Sinabi rin ni AJ na "pinagselosan" ni Axel ang leading man niya sa Taya na si Sean de Guzman.

Naiintindihan naman daw ni AJ kung bakit tutol si Axel sa sexy image niya dahil wala pa siya sa showbiz nang maging magkasintahan sila.

Nitong September 2021 sana ang ikalawang anniversary nila kung sila pa rin.

AJ'S ROMANCE WITH ALJUR

Pero hindi si Sean kundi si Aljur ang bumihag sa puso ni AJ ngayon.

Sa PEP Live noong October 5, kinumpirma ni AJ na nanliligaw sa kanya si Aljur.

"We understand each other. We care for each other," sabi pa ni AJ.

Si AJ na rin ang nagsabing may basbas ng kanyang mga magulang ang pagkikilanlan nila ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na rin inililihim nina AJ at Aljur ang sweet moments nila, pati na rin ang pagbisita ni Aljur sa bahay ni AJ sa Pampanga.

Nagkatrabaho sina AJ at Aljur sa pelikulang Nerisa, na pinagbidahan ni Cindy Miranda.

Waring mag-kuya lamang sa pelikula sina AJ at Aljur dahil si Sean ang kapareha roon ni AJ.

Nagsimula ang storycon ng Nerisa noong Mayo, at pinalabas ito noong Hulyo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Axel Torres Axel (left) posts song about heartbreak while ex-girlfriend AJ Raval is seen going out with Aljur Abrenica (inset).
PHOTO/S: @axe1torres / CTTO (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results