Ang Filipino journalist na si Maria Ressa ang isa sa dalawang ginawaran ng Nobel Peace Prize ngayong 2021.
Si Ressa ang co-founder ng news website na Rappler.
Ang isa pang nanalo ay ang Russian journalist na si Dmitry Muratov, isa sa founders ng independent newspaper na Novaya Gazeta noong 1993.
Kinilala sina Ressa at Muratov dahil sa kanilang “efforts to safeguard freedom of expression.”
Inanunsiyo ang winners ng 2021 Nobel Peace Prize ni Berit Reiss-Andersen, chair ng Norwegian Nobel Committee, ngayong Biyernes, October 8.
Bahagi ng pahayag ni Reiss-Andersen na nailathala sa ulat ng Bloomberg: “Free, independent and fact-based journalism serves to protect against abuse of power, lies and war propaganda.
“Without freedom of expression and freedom of the press, it will be difficult to successfully promote fraternity between nations, disarmament and a better world order to succeed in our time.”
Ayon sa Nobel committee, ang pinamumunuang website ni Ressa ay masusing binabantayan ang "[President Rodrigo] Duterte regime’s controversial, murderous anti-drug campaign."
Dagdag pa nila, si Ressa at ang Rappler "have also documented how social media is being used to spread fake news, harass opponents and manipulate public discourse."
Si Ressa ang kauna-unahang Filipino na ginawaran ng Nobel Peace Prize.
MARIA RESSA’S 35 YEARS IN JOURNALISM
Si Maria ay dalawang dekadang lead investigative reporter ng CNN sa Southeast Asia.
Ilang taon matapos umalis sa CNN, anim na taong pinamunuan ni Maria ang news division ng ABS-CBN Corporation hanggang 2010.
Taong 2012 naman nang itatag ni Maria ang Rappler katuwang ang tatlong iba pang female journalists.
Sa nakalipas na mga taon, sari-saring parangal ang natanggap ni Maria.
Siya ang Person of the Year ng TIME Magazine noong 2018, at isa sa 100 Most Influential People of the World ng parehong magazine noong 2019.
Kabilang din si Maria sa 100 Women list ng BBC (British Broadcasting Corporation) noong 2019.
At ang latest nga, tumanggap si Maria ng prestihiyosong Nobel Peace Prize.
Sa nakalipas na dalawang taon, magkakasunod na “criminal charges” ang inihain laban sa kanya.
Kabilang sa mga kasong ito ang iba’t ibang cyber libel cases laban sa kanya bilang Rappler CEO—ang huli ay isinampa nitong January 8, 2021—at tax evasion charges naman sa Rappler.
Nahaharap siya sa “10 criminal charges” at mayroong “10 arrest warrants in less than 2 years.”
Sa kabila nito, nanindigan si Maria na “#JournalismIsNotACrime.”
THE NOBEL PEACE PRIZE
Ang Nobel Peace Prize ay isa sa anim na Nobel Prizes na iginagawad taun-taon sa mga personalidad na nagsagawa ng “the most or the best work for fraternity between nations, for the abolition or reduction of standing armies and for the holding and promotion of peace congresses.”
Ang iba pang Nobel Prizes ay sa larangan ng Physics, Chemistry, Medicine, Literature, at Economic Sciences.
Itinatag ang Nobel Prize noong 1895 alinsunod sa will ng Swedish chemist-engineer-businessman-philanthropist na si Alfred Nobel (1833-1896), ayon sa website ng Nobel Prize, ang nobelprize.org.
Sa kanyang will, nais ni Nobel na ilaan ang maiiwan niyang kayamanan sa pagkakaloob ng “prizes to those who, during the preceding year, have conferred the greatest benefit to humankind.”
January ng bawat taon tinatanggap ang mga nominasyon para sa Nobel Prize nominees.
Pagkatapos ng ilang buwang deliberasyon, October iaanunsiyo ang mga tatanggap ng pagkilala.
Ang awarding ceremony ay idinaraos sa Oslo, Norway, tuwing December 10, ang death anniversary ni Nobel.
Ang bawat Nobel Prize laureate ay tatanggap ng diploma, Alfred Nobel medal, at dokumentong nagkukumpirma sa prize amount.
Ang monetary prize na natanggap ng laureates noong 2020 ay 10 million SEK (PHP54.9 million).
Ang mga Nobel Peace Prize laureates ay kinabibilangan ng American civil rights movement leader na si Martin Luther King Jr., ng Albanian-Indian Roman Catholic nun at kalaunan ay naging santo na si Mother Teresa, at ang dating presidente ng South Africa at anti-apartheid hero na si Nelson Mandela.