KC Concepcion sa VP bid ni Sen. Kiko Pangilinan: “This is our family’s biggest milestone yet”

by KC Cordero
Oct 9, 2021
Para kay KC Concepcion (left) ay deserved ng stepdad niyang si Sen. Kiko Pangilinan ang kanyang boto. Nag-wish din siya na sana ay maging successful ito sa pagtakbo bilang vice president sa May 22 elections.

Sa pamilya nagsisimula ang suporta.

Ito ang ipinakita ni KC Concepcion nang ihayag niya sa kanyang Facebook at Instagram accounts ang suporta para sa kandidatura ng kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan na tatakbo bilang vice president sa May 2022 national elections.

Si Sen. Kiko ang magiging ka-tandem ni Vice President Leni Robredo na tatakbo naman bilang pangulo.

Nag-file sila ng candidacy noong October 7, 2021.

Kinabukasan, October 8, nag-post si KC sa social media ng undated old photo.

KC Concepcion supports Sen. Kiko VP bid

Continue reading below ↓

Kasama niya sa lumang larawan ang inang si Sharon Cuneta, ang stepdad na si Sen. Kiko at sina Frankie at Miel na mga bata pa.

Ang kanyang caption: “Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet…”

Ipinaalala pa ni KC kay Sen. Kiko kung saan ito dapat humugot ng lakas.

“Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength.”

KC Concepcion accomplishments Sen. Kiko Pangilinan

Continue reading below ↓

Binanggit din niya ang mga naging accomplishments nito.

“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator.”

At sa huli, naidalangin niya na sana ay maging successful ito sa panibagong journey.

“You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita. ”

KC Concepcion, Twitter

Continue reading below ↓

Ang 36-year-old actress ay may 5.4 million followers sa Instagram.

Number 6 siya sa most-followed Filipino female celebrities on Twitter.

Sa kanyang reply, tinawag ni Sen. Kiko si KC bilang kanyang panganay at nagpasalamat sa pagmamahal at suporta ng aktres.

“Thank you for the love and support, my eldest. It means so much. God's purpose not mine. We surrender the effort to the Almighty. The battle is His. Love you too.”

Kasalukuyang nasa Los Angeles, California si KC para ipagpatuloy ang pag-aaral ng gemology.

Ang kanyang ina, ang Megastar na si Sharon Cuneta, ay ikinasal kay Sen. Kiko noong 1996 matapos ang annulment ng kasal nito sa ama ni KC na si Gabby Concepcion noong 1993.

Isa sa makakatunggali ni Sen. Kiko sa pagkabise predisente ay si Senate President Tito Sotto, mister ni Helen Gamboa na tiyahin naman ng Megastar.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kay KC Concepcion (left) ay deserved ng stepdad niyang si Sen. Kiko Pangilinan ang kanyang boto. Nag-wish din siya na sana ay maging successful ito sa pagtakbo bilang vice president sa May 22 elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results