Watch Now

Raffy Tulfo is pro-divorce and same-sex union; comments about his #1 spot in survey

by Jerry Olea
Oct 11, 2021
Raffy Tulfo: "I’m for divorce. Huwag sanang magalit yung mga kaibigan kong pari, obispo, at yung nanay ko na isang die-hard Catholic, ahh, devout Catholic."
PHOTO/S: Jerry Olea

Madalas lumapit sa radio program ni Raffy Tulfo ang mga manggagawa at Overseas Filipino Workers (OFWs), kaya pagtutuunan raw niya ng pansin ang kapakanan ng mga ito sakaling mahalal siya bilang senador.

Nagkaroon ng mediacon si Raffy nitong Oktubre 9, 2021, Sabado, sa Mesa restaurant, Morato Avenue, Quezon City.

Sambit ng beteranong broadcaster, “Magpo-focus din ako sa family dahil malaking porsiyento ng lumalapit sa akin ay patungkol sa family issues."

Ang mga programa ni Raffy sa telebisyon at radyo, maging sa mga Raffy Tulfo in Action accounts niya sa social media at YouTube ay mistulang sumbungan at takbuhan ng mga Pinoy na may reklamo o problemang legal.

Sang-ayon ba si Raffy sa divorce?

“Divorce, yes,” mabilis niyang tugon.

“Kasi, marami nang… hindi ko na mabilang ang lumapit, na halimbawa, si misis, lalapit siya sa akin dahil si mister, kinukulit siya, ayaw na niya. O kaya si mister, lasenggero. O si mister, bugbogero. Pero ayaw niyang magsampa ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos kakausapin ko silang mag-asawa para magbalikan. At marami na akong nagawa kung saan nagkabalikan yung mag-asawa, and then after a few days, naghihiwalay uli, okay.

“At meron ding mga kaso kung saan yung mag-asawa na matagal nang magkahiwalay… we’re talking about years. And then isa sa kanila, nakahanap ng butas na, ‘Aha! Ikaw ay nambababae. Idedemanda kita dahil kasal pa rin tayo, hindi pa rin tayo annuled.’ Samantalang matagal na silang hiwalay…”

Masalimuot at matagal na proseso ang usaping hiwalayan ng mag-asawa rito sa Pilipinas. Ipinaliwanag ni Raffy ang kaibahan ng annulment sa divorce.

“Dapat i-prove mo na may psychological problem yung partner mo. At kailangan mo ng psychiatrist, and it’s hard to prove.

"Samantalang sa divorce, irreconcilable difference lang ay puwede mong gawing rason.”

Ginawang halimbawa ni Raffy ang pinagdaanan ni Amy Perez na gumastos nang malaki at matagal na naghintay bago na-annul ang kasal sa ex-husband na si Brix Ferraris, na nag-abandona sa kanya. Si Brix ang original lead vocals ng South Border noong sumikat ang banda in the 90s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy ni Raffy, “Kung sa divorce, irreconcilable difference. Hindi na kami talaga puwedeng magsama dahil walanghiya iyan, gago, luko-luko iyan.

“Itinakas yung baby namin at hindi pa nagsuporta. Divorce, approved!

“Kita mo yung sa annulment, nakarating sa Supreme Court. Nagdesisyon ang Supreme Court na walang sira sa ulo kung sino man yung lalaki na ex-husband. Sinabi, 'Hindi sira-ulo iyon. Wala siyang sira sa ulo kaya hindi ko iga-grant yung annulment. Hindi namin iga-grant yung annulment.’

"See? Kaya I’m for divorce. Huwag sanang magalit yung mga kaibigan kong pari, obispo, at yung nanay ko na isang die-hard Catholic, ahh, devout Catholic.

“Ito po ay ginagawa ko para sa ikabubuti ng taumbayan, lalo ng mga tao na palaging lumalapit sa akin.”

Ano ang paninindigan niya sa usaping same-sex marriage?

“Same-sex union,” pagmamatuwid ni Raffy.

“Kasi, pag sinabi mong marriage, sacrament iyan, e. So, same-sex union. Nang sa gayon, yung same-sex couple, magkaroon ng kaparehong rights tulad ng heterosexual couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron na akong kaso na kung saan, same-sex couple, years na silang magkasama then namatay yung isa.

“Nung namatay yung isa, ang ginawa ng kamag-anak nung namatay, aba’y kinuha! Kinuha yung properties! Pera, alahas, yung lahat na, ng kanyang kamag-anak. Aba! Paano naman itong naiwan? Matagal na nagsilbi.

“Naghirap, nagsilbi. Lahat na, ginawa niya dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang partner. Nabale-wala nang namatay ang kanyang partner dahil kinuha nga ng mga sakim na kamag-anak, lahat ng pera, ari-arian nung yumao.

“Pero kapag meron nang same-sex union, aba! Protektado na sila. Equal rights para sa kanila.”

SENATE RACE AND SURVEYS

Samantala, mahigit 150 ang nag-file ng COCs sa senatorial race, kabilang sina Robin Padilla, Monsour del Rosario, Herbert Bautista, Joed Serrano, Noli de Castro, JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Kandidato rin sa pagka-senador sina Risa Hontiveros, Loren Legarda, Mark Villar, Juan Miguel Zubiri, Jojo Binay, Joel Villanueva, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Gibo Teodoro, Win Gatchalian, Leila de Lima, Richard Gordon, Antonio Trillanes, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang masasabi niya tungkol sa mga kalaban niya sa pagka-senador?

“Mataas ang respeto ko sa lahat ng mga kumakandidato. May kasabihan nga na hindi mo dapat minamaliit ang iyong opponent, ang iyong katunggali,” sabi ni Raffy.

“And ganun po ang paniniwala ko. I subscribe to that kasabihan. However, meron din akong tiwala at confidence sa aking sarili na kaya kong ipanalo yung aking kandidatura dahil alam ko naman yung mga kaya kong gawin pagdating ko doon sa senado.

“Alam ko naman na kaya kong gumawa ng mga reporma para sa ikabubuti hindi lamang ng ating mga manggagawa kundi ng ating bayan.”

Kung pagbabasehan ang kanyang social-media following at popularidad ng kanyang mga programa, hindi kataka-takang nanguna si Raffy sa survey na inilabas ng Pulse Asia noong September.

Pero gaano siya ka-confident na magiging number one siya sa paramihan ng boto?

Napangiti si Raffy, “Well, I’m confident na susuportahan ako ng mga taong naniniwala sa akin, ng mga taong nakakakilala sa akin, ng mga taong nakikita na tagos sa puso talaga yung mga ginagawa ko, na pinagsasabi ko sa programa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m sure, all-out support sila. So, kung bibilang-bilangin mo iyon, siguro… baka makakuha tayo nang mataas na numero.

“It will be the way and the reason kung bakit ako’y magna-number one.”

Nakakaramdam ba siya ng pressure dahil umaariba ang pangalan niya sa mga survey?

“Hindi naman pressure. Siguro, tatawagin kong…. ahh, nakakataba ng puso. Nakakakiliti ng puso in a way,” matamang lahad ni Raffy.

“Dahil nakikita ko na yung mga tao na tinutulungan ko… yung mga ginagawa ko, naa-appreciate nila. Hindi yung napupunta sa wala.

“Kumbaga, pag nakikita ko yung mga survey at mga balita na number one ako, ‘Oh, yung mga tao pala na nanonood, nakikinig, nababalitaan yung mga ginagawa ko, they really appreciate what I’m doing. So, thank you, God! And to God be the glory!’

“Iyan ang palagi kong sinasabi everytime na meron akong nakikitang maganda sa survey, sa balita, natutuwa ako at nagpapasalamat ako sa Panginoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo: "I’m for divorce. Huwag sanang magalit yung mga kaibigan kong pari, obispo, at yung nanay ko na isang die-hard Catholic, ahh, devout Catholic."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results