Raffy Tulfo on Willie Revillame: "Hindi ko alam kung bakit siya umatras."

by Jerry Olea
Oct 10, 2021
Raffy Tulfo (L) is clueless about Willie Revillame's reason for not joining the senate race come May 2022 elections. He says. "Ang pagkakaalam ko, isa rin siyang matulunging tao tulad ko."
PHOTO/S: @raffytulfoinaction @willierevillame on Instagram

Matunog noon na tatakbong senador sina Willie Revillame at Raffy Tulfo.

Noong Oktubre 2, 2021, Sabado ng hapon, ay nag-file na si Raffy ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections.

Noong Oktubre 7, Huwebes, ay inihayag naman ni Willie sa Kapuso program niyang Wowowin: Tutok To Win na hindi niya kailangang kumandidato para makatulong sa mga maralita at nangangailangan.

Sambit ni Raffy sa desisyon ni Willie, "Hindi ko alam kung bakit siya umatras.”

Nagkaroon ng mediacon si Raffy nitong Oktubre 9, Sabado, sa Mesa restaurant, Morato Avenue, Quezon City.

“At hindi ako mag-i-speculate kung ano ang kanyang tunay na dahilan kung bakit siya umatras. Ang pagkakaalam ko, isa rin siyang matulunging tao tulad ko. Malapit din ang puso niya sa mga mahihirap nating kababayan.

"Mataas ang pagrespeto sa kanya ng mga naghihikahos nating kababayan.

"And ako rin mismo, nakita ko rin yung kanyang career kung paano siya umakyat mula sa napakababang simpleng tao hanggang sa naging bilyonaryo at sikat na celebrity dahil sa kanyang pagkakaroon ng ginintuang puso sa pagtulong sa mga maliliit nating kababayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agosto noong nagsabi si Willie na iaanunsiyo niya ang kanyang desisyon tungkol sa pagsabak sa pulitiko.

Ito ay matapos siyang hikayatin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo na tumakbo sa pagka-senador.

Sa huli, nagdesisyon si Willie na mananatili siyang host ng kanyang show.

“Sa araw pong ito, tuluy-tuloy pa rin ang Wowowin. Hindi ko po kailangan kumandidato. Hindi ko po kailangan manalo."

IS RAFFY tulfo READY FOR THE MUDSLINGING DURING ELECTIONS?

Mahigpit ang labanan sa senatorial race kaya tiyak na magiging kaliwa't kanan ang paninira, pagpapalaganap ng fake news sa social media, at pag-uungkat sa nakaraan ng mga kandidato.

Handa na ba siya?

“Handang-handa na ako. Alam ko ang mangyayari,” walang pag-aatubiling sagot ni Raffy.

“In fact, hindi pa nga ako nakapag-file ng COC, meron na agad nang-iintriga. So, handang-handa na po ako hanggang sa dulo, saan man tayo makarating.”

Inamin ni Raffy na may mga nag-unfollow na sa kanyang YouTube channel kaugnay sa mga isyung ibinato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung pag-a-unsubscribe, iyan ay isang option sa YouTube, okay. Para yung mga ayaw nang maging subscriber ng isang channel, e, puwedeng gamitin ang option na yun,” paliwanag ni Raffy.

“Sa kaso sa akin, e, may mga tao na ayaw nang maging subscriber ng YouTube channel ko, e, ine-exercise lang nila yung option na iyon, yung karapatan nilang iyon. So, wala akong sama ng loob sa kanila because option nila iyon.”

"Cancelled" si Raffy Tulfo para sa ibang mga masugid na DDS o Die-hard Duterte Supporters.

Ito ay kahit na si Raffy ay kilalang kaibigan at kakampi ni Pangulong Duterte.

Marami sa kanila ang nag-unfollow at nag-unsubscribe sa social media accounts ni Raffy, partikular na sa kanyang YouTube channel.

Ito ay bunsod ng mga sinabi niya sa kanyang programang Wanted Sa Radyo noong September 20, kung saan nagpahiwatig ng simpatiya si Raffy sa pagpapasara ng gobyerno sa broadcast operations ng ABS-CBN in July 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inakala rin ng mga pro-Duterte netizens na magiging running mate ni Manny Pacquiao si Raffy.

At kung tatakbo siyang bise presidente ay makakalaban niya si Pangulong Duterte, na nagpahayag ng plano niyang pagtakbo sa nasabing posisyon noong August. Pero nitong October 2, nagbago ang isip ng Pangulo at sinabing magreretiro na siya sa pulitika.

Tungkol naman sa pangangampanya, maglilibut-libot pa ba siya sa iba’t ibang lalawigan?

“Yung iba, ang gusto nila, yung sa online, di ba? Gusto nila, ahh, sa social media,” pagbuntong-hininga ni Raffy.

“Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko yung face-to-face para makausap ko talaga yung mga tao, masabi ko sa kanila directly.

“Makapag-communicate ka sa kanila and you tell them why are you running at kung ano ang puwede mong magawa sa kanila.

“So you can see eye-to-eye para makita nila kung ikaw ay seryoso, o ikaw ay nambobola lang. Mas gusto ko iyan.

“Pero dahil may pandemic at meron tayong sinusunod na patakaran then no choice ako kundi sundin kung ano ang inilatag na health protocol ng ating mga kinauukulan, at isa na nga diyan yung IATF. And I will follow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tintutukoy niyang IATF ay ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo (L) is clueless about Willie Revillame's reason for not joining the senate race come May 2022 elections. He says. "Ang pagkakaalam ko, isa rin siyang matulunging tao tulad ko."
PHOTO/S: @raffytulfoinaction @willierevillame on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results