Alexandra Yap ready to carve own niche in showbiz

by Ruel J. Mendoza
Oct 10, 2021
New Kapuso artist Alexandra Yap hopes to move out of the shadow of her mom, veteran character actress Melissa Mendez: "Parang overwhelming, kasi alam nila na artista yung parents mo, parang may ine-expect from you. But at the same time, I have this motivation to exceed their expectations.”

Kahit na inabot ng ilang taon, natupad din ang pangarap na maging artista ng bagong Kapuso actress na si Alexandra Yap.

Kabilang si Alexandra sa mga newly signed talents ng GMA Artists Center.

Si Alexandra ay ang youngest daughter ng film and TV actress na si Melissa Mendez na naging paboritong leading lady ng maraming action stars noong '80s and '90s. Auntie naman niya ang character actress na si Glenda Garcia.

Ang father niya ay ang former action star ng Regal Films na si Raymond Keannu.

Sa naganap na Zoom mediacon with the new Kapuso talents last September 30, kinuwento ni Alexandra kung paano niya paulit-ulit na kinulit ang kanyang Mommy Melissa na maging artista siya.

Pero ang nag-iisang kundisyon ni Melissa kay Alexandra ay magtapos muna ito ng kanyang pag-aaral. Kapag naka-graduate na raw ito ng college, puwede na nitong gawin ang mga gusto niya, kasama na roon ang mag-showbiz.

Continue reading below ↓

“I just graduated last year from college, nag-work din po ako. I went corporate and I only started showbiz this year. So far, I’ve only been doing workshops sa ngayon. We were introduced sa All Out Sundays a few weeks ago,” lahad ni Alexandra na nagtapos ng kursong B.S. Management sa De La Salle University in Manila.

ALEXANDRA'S SHOWBIZ AWAKENING

Bata pa lang daw si Alexandra ay namulat na ito sa mundo ng kanyang inang si Melissa at ng kanyang Tita Glenda. Kaya hindi raw malayong pangarapin niya ang maging artista rin.

“Sa bahay po kasi, may mga poster ng movies ni Mommy before. And even at school, mga teachers ko din sinabi, ‘Nanay mo pala si Melissa Mendez.’ I got used to it. Also, pag lumalabas, may nagpapa-picture.

“Growing up po, I saw my aunt and I followed my mom to tapings and that’s always been my dream also, to be able to show emotion and share authentic stories of people. I also wanna share stories and be a voice also for the voiceless. I’m so excited for this journey.”

Continue reading below ↓

Pinapadama naman ni Melissa ang kanyang support sa anak sa pamamagitan ng pagtulong dito sa tamang paraan ng pag-arte.

“Kasi like sa workshop, may homeworks kami, my mom would help me out, ‘Ah, pangit iyan. Ganito gawin mo.’ Sobrang naa-appreciate ko iyon kasi tinutulungan niya ako, gina-guide niya ako. Naging bonding na namin ang acting workshop," ngiti pa niya.

ALEXANDRA HAS BIG SHOES TO FILL

Dahil nasa dugo niya ang pagiging artista, hindi raw maiiwasan na mag-expect ang publiko na maging magaling din sa acting si Alexandra tulad ng kanyang ina at tita.

Pag-amin niya, “Lagi ko pong sinasabi, I have big shoes to fill. Like sila Mama and ang Tita Glenda Garcia, sobrang galing nilang mga artista.

"Parang overwhelming, kasi alam nila na artista yung parents mo, parang may ine-expect from you. But at the same time, I have this motivation to exceed their expectations.”

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapuso artist Alexandra Yap hopes to move out of the shadow of her mom, veteran character actress Melissa Mendez: "Parang overwhelming, kasi alam nila na artista yung parents mo, parang may ine-expect from you. But at the same time, I have this motivation to exceed their expectations.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results