Laurenti Dyogi "deeply hurt" by Kapamilyas leaving ABS-CBN

by Arniel C. Serato
Oct 11, 2021
Star Magic and ABS-CBN entertainment production head Laurenti Dyogi on former Kapamilyas who left ABS-CBN: "As I said, tao ako, masakit talaga. Especially doon sa mga taong kinausap ko na one, two, or three times. Masakit talaga. And sana lang, ako kasi, from the onset, sabihin mo na lang na hindi mo kaya."
PHOTO/S: Courtesy: Toni Gonzaga Studio on YouTube

Ipinagtapat ni Star Magic at ABS-CBN entertainment production head Laurenti "Lauren" Dyogi na labis siyang nasaktan sa desisyon ng ilang mga katrabaho at kasamahan na lisanin ang network.

Noong July 10, 2020 ay tuluyang pinatay ng Kongreso ang panukalang i-renew ang prangkisa ng dating giant network.

Bunsod nito, nagsara ang lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN sa iba't ibang panig ng bansa. Napilitan ang network na magbawas ng mga empleyado dahil dito.

Nitong nakalipas na taon ay may ilang artista, co-workers, creative workers ng istasyon ang kusang umalis matapos mawalan ng prangkisa sa free TV ang ABS-CBN.

Sa online talk show ni Toni Gonzaga na Toni Talks na lumabas sa YouTube kahapon, October 10, ibinahagi ni Lauren na may mga kinausap siyang mga katrabaho para ikonsidera kung may plano man silang umalis sa istasyon.

Umaasa raw kasi siyang kung sino man ang mga kasama nila sa hirap ay ang magiging kasama rin nila sa kanilang pagbangon.

Continue reading below ↓

Saad ng ABS-CBN executive, “I suppose when the boat is sinking, you can’t expect everybody to stay in the boat, to stay with you. Huwag mo na tatanungin kung sino, ha.

“As I said, tao ako, masakit talaga. Especially doon sa mga taong kinausap ko na one, two, or three times.

"Masakit talaga. And sana lang, ako kasi, from the onset, sabihin mo na lang na hindi mo kaya.

“Siguro, I suppose, if I am going to analyze it, siguro kasi dumadaan din siya sa proseso. Iniisip niya rin kung ano yung tama sa kanya.

“Hindi ko naman maalis sa kanya yun. Pero masakit talaga, masakit, masakit.

"But, I guess, hindi ko controlled yun. Hindi ko na controlled ang utak at puso ng ibang tao. May priorities sila.

"May priorities din naman kami. Hindi siguro nagtugma yung priorities at this point."

Pero ani Lauren, "We wish them well. I will wish them the best.”

Continue reading below ↓

Hindi naman daw ito ang unang pagkakataong may mga kasamahan sila sa trabaho na umalis. Pero iba raw kasi ang sitwasyon kapag nakalugmok at bigla na lamang mang-iiwan.

Aniya, "It’s always at very difficult times, crisis, and challenging times na lumalabas yung tunay mong pagkatao.

"So, okay na rin. Nagkakaalaman tayo kung ano yung pinaninindigan mo.

"Bilog naman ang mundo. Ang liit-liit ng industriya.”

"TOTOO PALA TALAGA YUNG KAPAMILYA."

Sa lahat ng pinagdaanan nila bilang Kapamilya, anong leksiyon ang natutunan nila?

Sagot ni Lauren, “It’s really a very humbling experience that you were the number one network and [in a snap gesture], everything's gone.

“Kailangan mo lunukin lahat ng pintas, lahat ng harsh words. Lahat ng... you just have to believe in, na kaya mo bumangon.

“I think what keeps ABS-CBN going is also the relationships that we built with each other.

"Totoo pala talaga yung Kapamilya, na sa hirap at ginhawa, magkakasama kami. We experienced pay cuts…”

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Lauren na kasama si Toni sa natapyasan ang talent fee.

Dagdag niya, “Pero ganun naman ang pamilya, di ba?

"Kapag nasa hirap, magta-tighten ng sinturon, sama-sama kayo dahil mahal niyo yung katrabaho niyo, mahal niyo yung kumpanya niyo, mahal niyo yung pamilya niyo. Importante yun.”

Wala mang direktang tinukoy na artista o empleyado ng network si Lauren, maraming kilalang personalidad ang umalis ng network at lumipat sa ibang istasyon nitong nakalipas na taon

Ilan sa Kapamilya stars na umalis sa ABS-CBN at lumipat sa GMA ay sina Kim Atienza, Xian Lim, Pokwang, Khalil Ramos, at Bea Alonzo.

Umalis din sa It's Showtime ang direktor nitong si Bobet Vidanes at lumipat sa Lunch Out Loud ng TV5.

Lumipat din sa GMA-7 ang dating Star Magic chairman emeritus na si Johnny "Mr. M" Manahan.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic and ABS-CBN entertainment production head Laurenti Dyogi on former Kapamilyas who left ABS-CBN: "As I said, tao ako, masakit talaga. Especially doon sa mga taong kinausap ko na one, two, or three times. Masakit talaga. And sana lang, ako kasi, from the onset, sabihin mo na lang na hindi mo kaya."
PHOTO/S: Courtesy: Toni Gonzaga Studio on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results