Kylie Padilla reacts to estranged husband Aljur Abrenica and AJ Raval dating news

by Arniel C. Serato
Oct 11, 2021
Kylie Padilla only wants the best for estranged husband Aljur Abrenica: "Kasi siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila. And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun. Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila.”
PHOTO/S: Courtesy: @kylienicolepadilla on Instagram

Walang halong pang-uuyam ang sagot ni Kylie Padilla sa balitang pakikipag-date ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica sa sexy actress na si AJ Raval.

Ayon sa 28-year-old Kapuso actress, gusto niyang maging masaya ang mister na nakahiwalayan niya may ilang buwan na ang nakalilipas.

Komento ni Kylie: “Alam niyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya.

“Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.

“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun.

“Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila.”

Ayon pa kay Kylie, hindi kasalanan ng mga bata ang nangyari sa pagsasama nila ni Aljur.

May dalawang anak sina Kylie at Aljur—sina Alas at Axl.

Saad ng aktres, “Kasi failure namin as parents yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan naming masaya in our own separate ways.

Continue reading below ↓

“Para makita nila buo pa rin sila, 'kasi happy yung parents ko,' ganun pa rin sila. Gusto ko ganun sila mag-isip.”

Unang inamin ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakamabutihan nila ni Aljur noong October 5.

Ngayong may idini-date nang iba ang kanyang mister, may nagpaparamdam na rin ba kay Kylie?

Sagot niya, “Wala pa, e, marami akong friends, pero wala pa yung gusto akong mai-date. Wala pa.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph editorial team si Kylie ngayong Lunes, October 11, para sa promo ng WeTV series nila ni Andrea Torres na BetCin.

Mapapanood ang BetCin sa streaming apps ng WeTV at iFlix simula sa Biyernes, October 15.

ON FAIRY TALES

Inusisa rin ng PEP.ph si Kylie kung napagdaanan ba niya ang lungkot at pagkabugnot noong naghiwalay sila ni Aljur.

Hindi kasi mapapansin sa kanyang social media posts na may mabigat siyang problemang dinadala noon.

Pag-amin ng aktres, “Siyempre nangyari yun.

Continue reading below ↓

"Siyempre nangyari yun, pag lasing ka, pero di mo siya ipapangalandakan.

“Tao pa rin tayo, of course. Hindi mo naman i-explain sa buong mundo pero, come on, tao pa rin tayo.

“Ako, pinagdaanan ko. Kailangan pagdaanan kasi baka sa iba lumabas 'yan, baka atakehin na lang ako bigla sa puso.

“Pagdadaanan pa rin, ha... for me, ha, I think kailangan pa rin siyang pagdaanan.

“Kailangan lang nga, graceful, and iingatan mo kung paano kasi ang daming taong nakatingin.”

Sa ngayon ba ay naniniwala pa rin siya sa fairy-tale love story?

Diretsong tugon ni Kylie: “Ako, hindi na.

"Dati, super ano ako diyan, pero nag-iba na yung paningin ko sa love, e.

"Hindi na siya yung parang ‘prince who come and save you,’ parang ganun.

“Ang hinahanap ko na ngayon ay parang best friend ko na. Gusto ko talaga yung trip ko, trip niya, gets niya yung pagka-weird ko, ganun.

“Iba na. Nag-iba na yung tingin ko sa love.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla only wants the best for estranged husband Aljur Abrenica: "Kasi siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila. And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun. Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila.”
PHOTO/S: Courtesy: @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results