Ellen Adarna replies to "knowing Derek" comment of basher: "Close ba kayo???"

by Arniel C. Serato
Oct 12, 2021
Ellen Adarna and Derek Ramsay set social media on fire with their themed prenup pictorial in Anilao, Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek / @patdy on Instagram

Lumabas na ngayong araw, October 12, ang prenuptial pictorial ng engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ito ang hudyat na nalalapit na ang pag-iisang dibdib ng controversial couple, bagamat wala pang detalye kung kailan at saan ito magaganap.

Namanhikan na rin ang pamilya ni Derek sa pamilya ni Ellen sa Cebu.

Sa mga bagong upload ni Ellen at Derek sa kanilang Instagram, makikita ang prenup shoot nila na kinunan sa isang bundok sa Anilao, Batangas.

Sa isang post ni Ellen, sinabi niya sa caption: “My forever D.”

Maraming celebrities ang nag-react sa post na ito, kabilang na sina Laureen Uy, Andi Manzano, at Tim Yap.

Continue reading below ↓

Gayundin ang maraming netizens na sumubaybay sa love story ng dalawa.

Pero may isang naligaw na basher na pinatutsadahan si Derek.

Komento ng basher (published as is): “Hope you will last forever. knowinh Derek how he is.”

Pinatulan ito ni Ellen.

Buwelta niya: “u know him personally? Close ba kayo???”

Hindi na sumagot ang basher sa tanong ni Ellen.

Continue reading below ↓

Umamin sa kanilang relasyon sina Derek at Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26.

Mabilis nagka-develop-an ang dalawa na nagsimula lamang sa isang friendly dinner sa bahay ni Derek sa Ayala, Alabang.

Magkapitbahay sina Derek at Ellen sa nasabing exclusive subdivision.

March 30, 2021 inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and Derek Ramsay set social media on fire with their themed prenup pictorial in Anilao, Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek / @patdy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results