LJ Reyes on ex-partner Paolo Contis: "Hindi madaling ibigay ang forgiveness."

by Rachelle Siazon
Oct 12, 2021
LJ Reyes on why she hasn't forgiven Paolo Contis yet: "For me, hindi kasi siya madaling bagay na ibigay. So, surrender lang talaga kay God, and I'm working on it."
PHOTO/S: LJ Reyes Instagram / Facebook

Kung noon ay bakas ang paghihinagpis ni LJ Reyes, ngayon ay maaliwalas ang mukha niya nang tanungin siya kung kaya na ba niyang patawarin ang ex-partner na si Paolo Contis.

Diretso ang naging sagot ni LJ.

"Ang forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness, di ba?

"Lahat naman tayo we get hurt, we get angry, but you work on it every day to forgive people, to forgive yourself, or whoever.

"You pray about it."

Hindi na nagdetalye si LJ sa hirap na pinagdaanan niya sa hiwalayan nila ni Paolo.

Naibuhos na niya ang pait na nadama nang una niyang kumpirmahin sa publiko noong September 1, 2021 na kinailangan niyang lumipad pa-New York para muling makabangon.

Kalmadong sabi lang niya tungkol pa rin sa pagpapatawad: "For me, hindi kasi siya madaling bagay na ibigay.

"So, surrender lang talaga kay God, and I'm working on it."

Eksklusibong nakapanayam si LJ ni Nelson Canlas, at umere ito sa 24 Oras ngayong Martes ng gabi, October 12.

Continue reading below ↓

SUPPORT FROM FILIPINO COMMUNITY IN NEW YORK

Nakangiting ikinuwento ni LJ na nahanap niya sa New York ang privacy na nais matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ni Paolo.

Ni hindi raw siya inuusisa ng mga kapwa Pinoy na nakakasalamuha niya roon.

"You know, surprisingly, walang nagtanong sa akin about or mention anything about my personal life.

"Ang sinasabi lang nila, 'We're so happy na makita ka namin. We just wanna let you know na we support you.'

"And no mention of anything else."

ON ADJUSTING WELL IN NEW YORK

Walang sinabi si LJ kung tuluyan na niyang iiwan ang kanyang showbiz career.

Pero sa ngayon ay abala raw siya sa pagtulong sa restaurant ng kanyang ina at kapatid sa Brooklyn.

Ipinasok din ni LJ sa "face-to-face class" ang panganay na si Aki, 11, para maranasan daw uli nito ang normal na pagpasok sa paaralan. Si Aki ay anak ng aktres sa dating kasintahang si Paulo Avelino.

Continue reading below ↓

Ang almost two-year-old daughter nila ni Paolo na si si Summer ay kasama niya sa mga lakad.

"They're adjusting very well," sabi pa ni LJ.

Sa huli, sinabi ng aktres na ang pananalig sa Diyos ang tanging sandata niya kaya maayos ang kanyang pag-move on.

"I've been always vocal if it weren't because of God, yung ibinibigay na strength sa akin ni God, it wouldn't have been possible.

"Hindi ko rin inakala na nandito na kami."

THE BREAKUP

Noong Agosto pumutok ang hiwalayan nina Paolo at LJ matapos ang anim na taong relasyon.

Noong September 8, inamin ni Paolo naging "marupok at gago" siya sa ilang taong pagsasama nila ni LJ.

Aminado ang aktor na ang pagkakaroon niya ng third party ang isa sa mga dahilan ng breakup nila.

Inihingi niya ng paumanhin ang lahat ng kasalanan niya kay LJ, pati na sa anak nilang si Summer at pati kay Aki na itinuring din niyang parang sariling anak.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes on why she hasn't forgiven Paolo Contis yet: "For me, hindi kasi siya madaling bagay na ibigay. So, surrender lang talaga kay God, and I'm working on it."
PHOTO/S: LJ Reyes Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results