Bobet Vidanes on final straw that made him leave It's Showtime: "Toxic na, e... Iba na ang patakbo."

by Jerry Olea
6 days ago
Bobet Vidanes on his resignation from It's Showtime: "Actually, ayaw nilang tanggapin. Kinausap naman nila ako. Kaya lang, sabi ko po kasi, talagang hindi na healthy yung nararamdaman ko. Pagod. Puyat. Hindi na ako happy. Siguro, yun, hindi nila puwedeng kuwestyunin. Yun ang nararamdaman ko. Hindi na ako maligaya.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Masalimuot ang dahilan ng paglisan ni Bobet Vidanes sa It's Showtime, at may kinalaman ito sa pagpapatakbo sa ABS-CBN noontime show na pinamunuan niya.

Hindi inaasahang maungkat ito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bobet sa studio ng Lunch Out Loud (LOL), Lunes ng hapon, October 11, 2021.

Si Bobet ay director at creator ng It's Showtime mula nang umere ito noong 2009.

Ang LOL ay blocktimer noontime show ng TV5 na nagsimula noong October 2020.

Isang buwan nang umeere ang LOL noong Nobyembre 2020 nang hindi inaasahang lumipat dito si Bobet bilang creative producer.

Sa panayam kay Bobet noong Lunes, bago naungkat ang isyu sa paglipat niya, ang usapan muna ay tungkol sa pagiging bahagi niya ng LOL.

Ano ang adjustment niya sa takbo ng programa, at sa kanyang sarili nang mapabilang siya sa LOL family?

"Sa programa, ano po, e. Siyempre, nakatayo na siya, e. May base na sila,” matamang sambit ni Bobet.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "So, observe muna ako. Yun ang aking unang adjustment.

"Observe lang ako, and then kung ano yung bagay sa concept na naumpisahan nila, nagdagdag lang ako ng konti.

"So, maliit na adjustment lang ang ginawa ko dahil may magagaling na tao po na nagtayo nung programa.

"Para naman sa sarili ko, ang malaking-malaking adjustment na naramdaman ko dito, e, napaka-less nung pressure. Sobra."

Pressure sa ratings?

"Hindi po. Hindi po," mabilis na sansala ni Bobet.

Sa work load? Sa mismong show?

Natigilan nang ilang sandali si Bobet, tinimbang nang lubos ang sagot, bago inaming ikinagaan ng loob niya ang paglipat sa LOL matapos ang matinding dinaanan sa It's Showtime.

"Ahhmm… I don’t know, pero ang naramdaman ko kasi talaga, parang hindi na nila ako kailangan doon.

"Toxic na, e!"

"TOXIC" ENVIRONMENT IN IT'S SHOWTIME

Sa puntong ito ipinaliwanag ni Bobet kung bakit niya nasabing ang "toxic" environment sa It's Showtime ang dahilan ng kanyang pag-alis sa show, at pati na rin sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 19 taon.

Continue reading below ↓

Toxic? Nakakalason sa kanya ang It’s Showtime?

"Sad to say, yun po ang totoo talaga… Kagaya nun, nagsalita ako sa Lunch Out Loud kanina. Na ang pinili ko talaga is yung health," matatas na lahad ni Bobet.

Sa live telecast ng LOL, ilang oras bago ang panayam ng PEP.ph, unang ipinahiwatig ni Bobet na umalis siya ng It's Showtime dahil "it's not healthy anymore."

Ika-56 kaarawan ni Bobet kaya tinawag siya ng tropang LOL sa stage, at doon siya emosyonal na nagbahagi ng mensahe para sa bagong mga kasamahan at pati na rin sa mga dating kasamahan sa It's Showtime.

Pero bukod sa nabanggit niya on air sa LOL, mas malalim pa pala ang dahilan ng paglisan ni Bobet sa It's Showtime.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph, ito ang pag-amin niya: "Kasi, hindi na healthy yung nararamdaman ko sa sarili ko."

Mental health ba ang tinutukoy niya o physical health?

Continue reading below ↓

Sagot ni Bobet, "Both. It’s about health."

Sa mga sumunod na salita ni Bobet, idinaing niya ang problemang kinaharap sa It's Showtime.

"Dati po kasi, ako ang lider dun. Tapos, ang dami nang lider.

"Lahat po, gusto nang maging lider.

“So, it’s not good," malamang rebelasyon niya.

Hindi binanggit ni Bobet kung sino ang tinutukoy niyang "lahat" na gustong mamuno ng show.

Basta nangyari raw iyon matapos mag-lockdown at bumalik sa ere ang It’s Showtime noong June 2020.

Salaysay ni Bobet: "Right after ng lockdown, nung bumabalik-balik na kami, iba na ang patakbo.

"It’s their style. Hindi ko naman kinuwestiyon.

"Pero sabi ko, it’s not healthy for myself. Ahhmm… gusto ko lang humaba yung aking buhay.

"So, gusto ko ng peace of mind. Ayun po."

ON DECISION TO LEAVE IT'S SHOWTIME

Tinanong ng PEP.ph kung kinonsulta ni Bobet ang chief operating officer of broadcast ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes nang magpaalam siya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Si Cory ay kasal kay Bobet.

"Ahh, hindi po. Hindi po ako… hindi po ako nakakarating, e. Sarado po yung pinto," pagsisiwalat ni Direk Bobet.

“Hindi po. Siguro, siyempre, merong… kasi, may proper channeling. May boss naman ako, e. Si Lui Andrada.

“After kay Lui, kay… Lauren yata yung pangalan nun. Tapos, kay Cory. So, ganun po yun.

"Ahh, kasi hindi nila ako kinakausap, e. Hindi ko sila ganun kakilala."

Si Lui Andrada ang ABS-CBN TV production head ng entertainment shows for non-scripted format.

Ang tinukoy ni Bobet na "Lauren" ay si Laurenti Dyogi, ang ABS-CBN entertainment production head at siya ring namumuno ngayon sa talent-management arm ng ABS-CBN na Star Magic.

Base sa pagbanggit niya ng pangalan ni Lauren, tila may isyu sa pagitan ng dalawa, pero hindi ito naidetalye ni Bobet.

Maliban sa protocols ng kumpanya pagdating sa tinawag niyang "proper channeling," nakapag-usap ba sila nang personal ni Cory?

Continue reading below ↓

Sagot ni Bobet, "Hindi po, e. Hindi po. Kasi po, ang ginawa ko lang naman is nag-submit ako ng proper na resignation paper."

Tila ang tinutukoy niyang pinagpasahan niya ng resignation letter ay ang immediate superior na si Lui Andrada.

Tulad ng nasabi niya sa live telecast ng LOL, hindi naman daw siya tinanggal sa puwesto pero desisyon niyang umalis na lamang sa show.

Sabi naman ni Bobet sa PEP.ph: "Actually, ayaw nilang tanggapin. Kinausap naman nila ako. Kaya lang, sabi ko po kasi, talagang hindi na healthy yung nararamdaman ko.

"Pagod. Puyat. Hindi na ako happy. Siguro, yun, hindi nila puwedeng kuwestyunin.

"Yun ang nararamdaman ko. Hindi na ako maligaya.”

HOT STORIES

THE LAST STRAW

Inamin din ni Bobet ang last straw na nagbunsod sa kanya para talikdan ang Kapamilya Network.

Napuno raw siya dahil maraming desisyon sa show na hindi dumadaan sa kanya gayong siya ang direktor nito.

"Marami po akong information na… na nagugulat," saad ni Bobet, na bakas ang pait sa tinig.

Continue reading below ↓

Pagbubunyag pa niya: "Na nalalaman ko lang habang mag-eere. Na meron pala kaming… additional host na bibigyan ng bulaklak.

"Huwag niyo na lang tanungin kung sino [sa It’s Showtime]. Panoorin niyo na lang.

"Basta ganun. Yung mga ganung bagay na… nagde-decide sila na meron palang permanent na host na new member… ano ba naman yung sabihan niyo ako?!

“Ito po’y mag-eere na. Ano ba yung konsultahin niyo ako?!

“Tapos, pagdating dun, iba-iba yung kuwento. So…”

Naramdaman niyang na-bypass siya?

Sagot ni Bobet: "That’s the word, I guess.

"Pero ano yun, talagang ano lang… talagang… Meron naman silang sariling diskarte, nire-respect ko 'yon.

“Pero I believe, hindi na tama 'yon. So… hindi nila ako kailangan dun."

Wala mang binanggit na pangalan si Bobet, tila ang tinutukoy niyang "additional host" ay si Kim Chiu, na naging regular co-host ng It's Showtime simula noong September 28, 2020.

Malinaw ring may pinatatamaan si Bobet sa sinasabi niyang pag-iba ng patakbo sa It's Showtime, tulad ng pagdesisyon kung sino ang idadagdag na host at iba pang mahalagang bagay na may kinalaman sa show.

Continue reading below ↓

Ang pagbabagong ito, kunsaan hindi raw siya sinasangguni, ang malinaw na dahilan ng paglisan niya sa It's Showtime noong November 2020.

At noong buwang ding iyon ay lumipat sa Lunch Out Loud, na ipinoprodyus ng independent producer na Brightlight Productions at umeere sa TV5.

NO COMMUNICATION WITH IT'S SHOWTIME HOSTS

Sa Oktubre 19, 2021 ay unang anibersaryo ng Lunch Out Loud.

Halos isang taon na ang lumipas mula nang iwan niya ang It’s Showtime.

Meron pa ba siyang sama ng loob, hinampo, hinanakit, o ano man sa mga taga-It’s Showtime?

O indifferent siya at walang anumang nararamdaman sa mga nakatrabaho niya nang maraming taon? Wala na sila sa consciousness niya?

"Hindi po, ano 'yan… hindi sa wala akong nararamdaman. Nami-miss ko yung mga batang 'yan.

“Sobrang mahal ko ang mga 'yan,” pag-amin ni Bobet.

Ang mga host ng It’s Showtime, o ang mga staff?

Sagot uli ni Bobet: "Ang mga host. Of course, mga host. Kasi, yung mga staff, until now, nag-uusap kami, e.

Continue reading below ↓

"It so happened, na itong mga host, hindi kami masyadong nag-uusap."

Inamin ni Bobet na totoong pinutol niya ang komunikasyon nila ng hosts para umiwas sa isyu dahil sa pag-alis niya at paglipat sa karibal na noontime show.

"Wala po. Ganito po yun. Ako po ay patawarin ninyo sa aking mga host, kasi po, sinarado ko po yung communication ko sa kanila.

"Kasi, I think, all of them… a very few, ito yung mga tao na… very few, I think, si Jhong Hilario is still open.

"But the rest, na nagwo-work, sinarado ko muna. Kasi, ang sinasabi nila is… magkatapat kami ng programa, e.

"And then, para lang walang conflict of interest, something. Sinarado ko muna ang aking communication sa kanila.

"Pansamantala. Para po… gumaan. At yung sugat ay maghilom muna. Healing.

"Pero hindi ko naman po sinasabi na… kinalimutan ko na sila. Pahinga lang muna. Maybe para rin sa kanila.”

Continue reading below ↓

Ganun kalalim yung sugat?

"Hindi naman po ganun kalalim. It’s just… a healing. It’s a way of healing," paglilinaw pa rin ni Bobet.

May nag-reach out ba sa kanya sa hosts ng It’s Showtime?

Sagot niya: "Meron po, I’m sure. Ahhm, bago po kasi ako magsarado, nag-text na sila sa akin. Kaya lang, hindi ko na po sinagot.

"Kasi, hahaba po yung diskusyon. Someday, they will understand."

Sa telecast ng LOL kahapon, sinabi ni Bobet na nagpakasunduan nila ng "management" na ang mga ito na ang bahalang magpaliwanag sa It's Showtime hosts kung bakit siya aalis.

Iniiwasan daw niyang may maimpluwensiya siya sa kanyang pag-alis.

Kaya malaking katanungan umano kay Bobet kung bakit tila hindi ipinarating ng management sa It's Showtime hosts ang tungkol sa kanyang pag-alis sa show.

Sinubukan ng PEP.ph na hingin ang panig ng ABS-CBN hinggil sa mga impormasyong nasabi ni Bobet tungkol sa pag-alis niya sa It's Showtime.

Continue reading below ↓

Nagpadala kami ng mensahe sa Corporate Communications department ng ABS-CBN 10:25 p.m. ngayong Martes ngunit wala pa kaming natatanggap na kasagutan habang isinusulat ang artikulong ito.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bobet Vidanes on his resignation from It's Showtime: "Actually, ayaw nilang tanggapin. Kinausap naman nila ako. Kaya lang, sabi ko po kasi, talagang hindi na healthy yung nararamdaman ko. Pagod. Puyat. Hindi na ako happy. Siguro, yun, hindi nila puwedeng kuwestyunin. Yun ang nararamdaman ko. Hindi na ako maligaya.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results